12/06/2026
[๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง, ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ]
Habang ginugunita natin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno, kinikilala rin natin na ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng nakaraanโito ay isang patuloy na panawagan para sa kasalukuyan.
Para sa kabataang Pilipino, ang tunay na kalayaan ay nangangahulugan ng malayang pagpapahayag ng saloobin, karapatang magprotesta at magpakilos para sa mga isyung mahalaga sa bayan, at pakikilahok sa demokratikong proseso nang walang takot sa pananakot, panggigipit, at red-tagging.
Hindi ganap ang kalayaan kung may mga kabataang natatakot gamitin ang kanilang boses. Hindi ganap ang kalayaan kung ang pakikilahok sa mga usaping panlipunan ay itinuturing na banta sa halip na mahalagang bahagi ng demokrasya. At hindi rin ganap ang kalayaan kung ang mga patakaran at desisyon ay higit na nagsisilbi sa interes ng mga dayuhang kapangyarihan kaysa sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Sa diwa ng Hunyo 12, nananawagan tayo para sa tunay na kalayaanโisang kalayaang nagbibigay-lakas sa kabataan na magsalita, kumilos, mag-organisa, at manindigan para sa bayan; isang kalayaang nagtataguyod ng pambansang soberanya at tinitiyak na ang pamahalaan at mga institusyon ay naglilingkod sa mamamayang Pilipino, hindi sa anumang dayuhang imperyalistang interes.
๐๐ช๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฎ๐๐๐ฃ ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค โ๐ต๐ญ
๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐.