12/08/2026
#๐๐๐๐๐๐ฎ๐๐๐ง๐๐๐๐ฐ๐ฌ | ๐๐๐ ๐๐๐๐:๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐๐ ๐ข๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Iginawad sa Southern Luzon State University (SLSU) Lucena Campus ang ๐๐ฆ๐ข ๐ต๐ฌ๐ฌ๐ญ:๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ฑ ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป bilang pagkilala sa patuloy nitong pagsusumikap na mapanatili ang kalidad at kahusayan sa mga proseso at serbisyo ng institusyon.
Ang sertipikasyon ay pormal na tinanggap nina ๐๐ฟ. ๐๐ฒ๐๐ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ ๐. ๐๐น๐ถ๐ป๐ฒ๐ฎ, Direktor ng Kampus at ๐๐๐๐. ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ณ. ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ฒ๐น๐๐ป ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒรฑ๐ผ, Tagapag-ugnay sa ISO, sa isinagawang PRAISE 2026, Agosto 10, 2026.
Ang pagkakamit ng ISO 9001:2015 Certification ay patunay ng pangako ng SLSU Lucena Campus sa pagpapatupad ng isang sistematikong Sistema ng Pamamahala sa Kalidad (Quality Management System) na nakatuon sa mahusay na pamamahala, maayos na proseso, at patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyo.
Binigyang-diin din ng pagkilalang ito ang mahalagang ambag ng mga g**o at kawani ng kampus sa pagpapanatili ng kalidad ng mga serbisyo. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, patuloy na itinataguyod ng SLSU Lucena ang kultura ng kalidad, pananagutan, at patuloy na pag-unlad.
Ang pagkakamit ng sertipikasyong ISO 9001:2015 ay nagsisilbing mahalagang hakbang para sa SLSU Lucena Campus tungo sa higit pang pagpapahusay ng mga proseso at serbisyo para sa mga mag-aaral, kawani, at iba pang katuwang ng pamantasan.
Sa pagkilalang ito, patuloy na pinagtitibay ng SLSU Lucena Campus ang pangako nitong maghatid ng mahusay, episyente, at de-kalidad na serbisyo bilang bahagi ng pagsusulong ng kalidad sa edukasyon at pamamahala.