14/10/2026
Sabi nila, pamilya ang ating unang tahanan. Pero sa dami ng pagbabago at pagsubok sa panahon ngayon, paano nga ba naaapektuhan ng pamilya ang ating mga desisyon, pananaw, at pakikitungo sa iba?
Tara, COMMustahan tayo, mga COMMpare at COMMare!
Kilalanin ang mga mag-aaral ng AB Communication ng Manuel S. Enverga University Foundation na maghahatid ng mga makabuluhang talakayan sa COMMustahan sa Campus Mic, sa Radyo Pilipinas Lucena!
Sa unang episode, pag-uusapan natin ang papel ng pamilya bilang pundasyon ng lipunan, kung paano nito hinuhubog ang ating pagkatao at komunidad, at ang mga hamong kinakaharap ng mga pamilyang Pilipino ngayon.
Kaya mga COMMpare at COMMare, makinig, makisali, at makibahagi sa usapan ngayong hapon! May kuwento ka bang gustong ibahagi o pananaw na nais mong iparating? Tara, pag-usapan natin 'yan!
๐
Oktubre 14, 2026 | Miyerkules
โฐ 1:00 PM
๐ป Radyo Pilipinas Lucena
COMMustahan sa Campus Mic โ Usapang may saysay, kasama ang bawat COMMpare at COMMare!