14/08/2026
๐๐๐ก๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ๐๐ ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐ ๐๐ง ๐ง๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐๐จ๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ ๐ ๐๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ข?
Ang wika ay mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng isang bayan. Ginagamit ito sa pakikipagtalastasan, pagpapahayag ng saloobin at damdamin, at higit sa lahat, sa pagpapanatili at pagpapasa ng kultura at tradisyon mula sa isang salinlahi patungo sa susunod.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), tinatayang may 135 katutubong wika sa Pilipinas. Sa bilang na ito, 40 ang itinuturing na nanganganib na maglaho sa hinaharapโ22 sa Luzon, 10 sa Visayas, at 8 sa Mindanao.
Batay sa KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 18-33, s. 2018, ang nanganganib na wika ay tumutukoy sa wikang may posibilidad na tuluyang mawala dahil sa mga salik na panlipunan, pangkultura, at pampolitika na nakaaapekto sa patuloy na paggamit, pagpapanatili, at pagpapaunlad nito.
Samantala, binigyang-diin ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO (2003) na maaaring maiugnay ang panganganib ng isang wika sa mga salik na pang-ekonomiya, panrelihiyon, pangkultura, at pang-edukasyon. Maaari din itong bunga ng negatibong pananaw ng isang komunidad sa sarili nitong wika.
๐ก๐ด๐๐ป๐ถ๐, ๐ฎ๐ป๐ผ-๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ธ๐ฎ?
Una, kapag hindi na ginagamit o sinasalita ng kabataan sa isang komunidad ang wikang ginagamit ng kanilang mga magulang. Ikalawa, kapag patuloy na nababawasan ang bilang ng mga taong kabilang sa isang etnolingguwistikong pangkat na gumagamit ng naturang wika (Cahill, 1999).
Bunga nito, mahalagang bigyang-pansin ang patuloy na paggamit at pagpapasa ng wika sa kabataan, sapagkat kung hindi ito maipapasa sa susunod na henerasyon, unti-unti ring mawawala ang mahalagang bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng isang komunidad. Higit pa rito, ang pagkawala ng wika ay nangangahulugan din ng pagkawala ng mga bagay na nakapaloob dito.
Hindi lamang mga salita ang nawawala kapag namamatay ang isang wika. Kasabay nito ang unti-unting pagkawala ng mga kuwento, paniniwala, karanasan, kaalaman, at kulturang nakapaloob dito.
Sa isang bansang hitik sa kultura at tradisyon, nararapat lamang na maging bahagi tayo ng pagpapanatili sa mga wikang bumubuo sa ating pagkakakilanlan. Sapagkat ang wika ay hindi lamang paraan ng pakikipag-usapโito ay pamana ng nakaraan, tinig ng kasalukuyan, at tulay patungo sa susunod na henerasyon.