12/06/2026
Seremonya ng Pagtatapos ng UPDEPP NSTP CWTS 2026 ๐๐ต๐ญโจ
Noong Hunyo 4, 2026, matagumpay na idinaos sa Clark Events and Convention Hall ang Graduation Ceremony ng National Service Training Program - Civic Welfare Training Service (NSTP-CWTS) ng UP Diliman Extension Program in Pampanga (UPDEPP) para sa Academic Year 2026-27.
Nagsimula ang seremonya sa pag-awit ng Pambansang Awit, na sinundan ng Pambungad na Pananalita mula kay UPDEPP Director Dr. Patrick C. De Leon. Pagkatapos nito, ipinakilala ang Panauhing Pandangal, si Atty. Agnes VST Devanadera, Pangulo at CEO ng Clark Development Corporation, na nagbigay ng makabuluhang talumpati tungkol sa iba't ibang pamamaraan ng pagmamahal sa bayan mula noon hanggang sa kasalukuyan. Matapos nito, siya ay pinarangalan ng Sertipiko ng Pasasalamat para sa kanyang oras at panahon upang magbahagi ng inspirasyon mula sa kanyang karanasan bilang lingkod-bayan.
Sinundan ito ng Pagkilala sa mga Magsisipagtapos, kung saan ang bawat mag-aaral ay tumanggap ng kanilang sertipiko at pin bilang katibayan ng pagtatapos sa NSTP. Mahigit 100 mag-aaral mula sa CWTS classes ni Asst. Prof. Arnulf Roan Pita ang matagumpay na nagtapos.
Dumalo rin sa programa sina Deputy Director Asst. Prof. Maria Eunice Felix, Program Secretary Asst. Prof. Ethelbert Galang, at Pahinungรณd Focal Person Dr. Rhayan Melendres, at kasamang nagbigay parangal sa mga nagsipagtapos.
Kinilala rin ang mga katuwang na indibidwal at organisasyon na naging kabalikat ng walong CWTS groups sa kanilang mga proyekto: Pangkat Agape kasama ang Childrenโs Home of Mary of the Eucharist sa San Fernando, Pampanga; Pangkat Agos kasama ang Barangay San Francisco 1st sa Minalin, Pampanga; Pangkat Alaya kasama ang Duyan ni Maria Childrenโs Home sa Mabalacat, Pampanga; Pangkat Kanawan kasama ang Malusac Elementary School sa Sasmuan, Pampanga; Pangkat Luid kasama ang Gawad Kalinga Sitio Santa Rosa sa Bamban, Tarlac; Pangkat Manawari kasama ang Kanlungan ng Kabataan sa Angeles City; Pangkat Sanghaya kasama ang Barangay 494 Zone 49 sa Sampaloc, Manila; at Pangkat Saup-Saup kasama ang Sitio Malasa sa Bamban, Tarlac.
Kasunod nito, pinangunahan ni Prof. Olivia Alma Sicam, Direktor ng NSTP Diliman Office, ang Panunumpa bilang Kasapi ng National Service Reserve Corps (NSRC). Ibinahagi naman ni Bb. Rosiah Kimmie Sajulga mula sa BA Business Economics ang Tugon ng mga Nagsipagtapos, na nagbigay ng inspirasyon at pasasalamat sa ngalan ng kanyang mga kapwa mag-aaral.
Sa bahagi ng Parangal sa Natatanging Adhikain, pinarangalan ang Pangkat Saup-saup at Pangkat Luid dahil sa kanilang kahusayan sa pagpaplano, masinop na pagsasakatuparan, at masusing pagsubaybay at pagtataya ng kanilang proyektong pangkomunidad.
Binigyang-diin ni Dr. Eden H. Terol, NSTP Coordinator ng UPDEPP, ang kahalagahan pagmamahal at paglilingkod bayan sa kanyang Pangwakas na Pananalita. Sa pagtatapos ng programa, sama-samang inawit ang "UP Naming Mahal", tanda ng pagkakaisa at pagmamahal sa Unibersidad.
Sa kabuuan, ang seremonya ay hindi lamang tanda ng pagtatapos, kundi simula ng mas malalim na tungkulin ng mga Iskolar ng Bayan bilang mga mamamayang handang maglingkod para sa sambayanan.