19/05/2026
Patuloy na ipinapakita ng ating mga future educators ang kanilang husay at dedikasyon sa pagtuturo! ✨📚
Matagumpay na naisagawa ni Cheena Barbo ang kaniyang Pangwakas na Demonstrasyon sa Pagtuturo tungkol sa paksang “Salitang Magkasalungat” kasama ang mga mag-aaral ng Grade 2 – Venus sa San Antonio Village Elementary School sa ilalim ng paggabay ni Mrs. Maricar Cabrera.
Sa pamamagitan ng makabuluhan at interaktibong mga gawain, naging masigla ang pakikilahok ng mga mag-aaral at higit nilang naunawaan ang aralin. Tunay na ipinakita ng demonstrasyong ito ang kahandaan, pagkamalikhain, at pagmamahal sa propesyon ng pagtuturo. 💙👏