City of Malabon University Official

Directions Website Contact the university

City of Malabon University Official Educational Institution

Ngayong araw, maglaan tayo ng oras para sa pinakamahalagang bahagi ng ating buhay, ang ating pamilya.Kaisa ang City of M...
28/09/2026

Ngayong araw, maglaan tayo ng oras para sa pinakamahalagang bahagi ng ating buhay, ang ating pamilya.

Kaisa ang City of Malabon University sa pagdiriwang ng ika-34 na National Family Week at ng Kainang Pamilya Mahalaga Day ngayong araw, Setyembre 28, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 136, S. 2026.

Ang hakbang na ito ay upang magbigay-daan sa bawat isa na makauwi nang maaga at makasalo ang kani-kanilang mga mahal sa buhay sa hapag-kainan. Kinikilala ng ating pamantasan na ang maayos at nagkakaisang pamilya ang tunay na pundasyon ng mga mahuhusay at matatagumpay na mamamayan.

Maligayang salu-salo kasama ang pamilya!







28/09/2026
27/09/2026

PAALALA: TIGIL-PASADA, SEPTEMBER 28–30

Inaasahang magkakaroon ng nationwide transport strike sa September 28–30 (Lunes hanggang Miyerkules), 2026, na pangungunahan ng mga transport group na MANIBELA at PISTON.

Huwag po kayong mag-alala. Patuloy ang serbisyo at paghahanda ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon upang matulungan ang ating mga commuters. 💙

🚌 LIBRENG SAKAY SIMULA 5:00 AM

Bilang dagdag na tulong sa mga commuter, magkakaroon ng Libreng Sakay simula 5:00 AM para sa mga nangangailangan ng masasakyan.

Ang mga sasakyang magbibigay ng Libreng Sakay ay ididispatsa at iko-coordinate sa ilalim ng MMDA dispatching system upang maayos na maipadala ang mga ito sa mga lugar na nangangailangan ng karagdagang transportasyon.

🚍 PATULOY ANG BIYAHE SA MALABON

Ang mga lokal na transport group sa Malabon, kabilang ang MAJESTO, TODA Federation at PODA Federation, ay hindi makikilahok sa tigil-pasada at magpapatuloy sa pagbibigay ng serbisyo.

KALIGTASAN AT KAAYUSAN, ATING BINABANTAYAN

• Magde-deploy ang PNP ng mga tauhan para sa seguridad at kaayusan.
• Patuloy na susubaybayan ng mga kinauukulang tanggapan at barangay ang sitwasyon.
• Magkakaroon ng assistance at standby vehicles ang Lokal na Pamahalaan para sa mga nangangailangan ng masasakyan.

📌 PAALALA SA LAHAT

Pinapayuhan ang mga Malabueño na maglaan ng sapat na oras sa pagbiyahe at manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon para sa mga karagdagang impormasyon at updates.

Nandito ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon upang tumulong. 💙

Kung mahirapan po kayong makasakay o nangangailangan ng assistance, tumawag o mag-text lamang sa:

📞 Malabon Command Center 0942-372-9891 0919-062-5588 (02) 8921-6009 (02) 8921-6029

📲 TXTMJS 0917-689-8657 / 225687

Serbisyo para sa bawat Malabueño, tuloy-tuloy.

27/09/2026
27/09/2026
27/09/2026

ANUNSYO | 1:00 PM ANG TINAKDANG ORAS NG SUSPENSIYON NG TRABAHO

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 136 ng Malacañang, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng National Government simula 1:00 ng hapon, Lunes, Setyembre 28, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 34th National Family Week.

Kaugnay nito, hanggang 1:00 PM lamang ang pasok sa mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Malabon, upang mabigyang-daan ang mga kawani na magkaroon ng panahon na makapiling at makasalo ang kanilang mga pamilya sa hapag-kainan.

Mananatiling operational ang mga tanggapan at kawani na kabilang sa health services, disaster preparedness and response, at iba pang serbisyong kinakailangang magpatuloy para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat Malabueño.




ADVISORYSubject: Online Classes in Celebration of the 34th National Family WeekPursuant to Memorandum Circular No. 136 i...
27/09/2026

ADVISORY

Subject: Online Classes in Celebration of the 34th National Family Week

Pursuant to Memorandum Circular No. 136 issued by the Office of the President, in connection with the celebration of the 34th National Family Week, the City of Malabon University (CMU) shall conduct an online classes on September 28, 2026.

All students are advised to coordinate closely with their respective college professors regarding the online class arrangements, schedules, learning activities, and other necessary instructions to ensure the continuity of learning.

Faculty members are likewise enjoined to provide the necessary guidance and learning activities through the appropriate online platforms.

Everyone is encouraged to observe and participate meaningfully in the celebration of National Family Week, while ensuring that academic responsibilities and learning continuity are properly maintained.

For information, guidance, and strict compliance.






Attention to the 200 student applicants for the Tulong Dunong Program (TDP) under CHED UniFAST and the Office of Senator...
25/09/2026

Attention to the 200 student applicants for the Tulong Dunong Program (TDP) under CHED UniFAST and the Office of Senator JV Ejercito.

Please be informed that an official email has been sent to you regarding the upcoming submission deadline and the specific documents required for your application. Review the provided instructions thoroughly to ensure everything is submitted correctly and on time.

Let’s get those requirements sorted and continue striving for excellence!

25/09/2026

Address

Pampano Cor. Maya-maya, Longos
Malabon
1472

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of Malabon University Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to City of Malabon University Official:

Shortcuts

Share