City of Malabon University Health Services

City of Malabon University Health Services Official page of nursing-led services prioritizing your health, wellness, and safety.

Our Core Values

H onesty
E mpathy
A ccountability
L eadership
T eamwork
H olistic Care

11/08/2026

DOH: MANATILING LIGTAS SA BIYAHE NGAYONG TAG-ULAN

Sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa Enhanced , mataas ang posibilidad ng mga peligro sa kalsada.

Para matiyak ang inyong kaligtasan sa pagbibiyahe tuwing umuulan, alamin ang mga mahahalagang paalala at gabay sa kalsada.

Manatiling alerto at mag-ingat sa daan! Tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 'pag kailangan ng tulong.





11/08/2026
11/08/2026

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon bukas, Martes, Agosto 11, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Magpapatuloy ang klase sa mga paaralan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (online classes).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong 8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588. Maaari rin kayong mag-text sa TXTMJS sa 225687 o 0917-889-8657.

11/08/2026
05/08/2026

Ang SMART na Pamilya, Panalo! Tara! Usap Tayo sa Family Planning

Ang responsableng pagpaplano ng pamilya ay nagsisimula sa sama-samang pag-uusap, tamang kaalaman, aktibong pagpapasya, at responsableng pagkilos.

Detalye sa Comment Section.

05/08/2026
05/08/2026

ABISO SA MALAKAS NA PAG-ULAN

Kasalukuyang nasa YELLOW RAINFALL ADVISORY ang ilang bahagi ng Metro Manila, Bataan, Pampanga, Zambales, Bulacan, Rizal, at Cavite base sa pinakahuling update ng PAGASA ngayong Agosto 5 (Miyerkules), 8:00 AM.

Maging alerto sa posibleng pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.

📢 Heavy Rainfall Warning No. 1
🌧 Weather System: Southwest Monsoon (Habagat) at Tropical Cyclone MAYMAY

🟡YELLOW ADVISORYLEVEL:
📍 Metro Manila, Bataan, Pampanga, Zambales, Bulacan, Rizal, Cavite
⚠️ Banta ng pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.

Samantala, inaasahan ang mahina hanggang katamtaman na pag-ulan na may paminsan-minsang malakas na buhos sa ilang bahagi ng Batangas, Laguna, Quezon, Rizal, Cavite, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, at Nueva Ecija sa loob ng susunod na 3 oras.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon at mag-abang sa susunod na Heavy Rainfall Advisory na ilalabas ng PAGASA sa ganap na 11:00 AM ngayong araw.

Narito ang mga sumusunod na numero na maaaring tawagan kung mayroong emergency sa inyong lugar:

📞 Malabon Central Command and Communications Center
8-921-6009 / 8-921-6029
0942-372-9891 / 0919-062-5588

📞 TXT MJS
0917-689-8657 / 225687




05/08/2026

🗣 ISANG WIKA, MILYUN-MILYONG KUWENTO

May isang wikang nag-uugnay sa ating mga kuwento, nagpapalapit sa bawat Pilipino, at nagsisilbing tulay ng kaalaman mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Ito ang Wikang Filipino, buhay sa ating pang-araw-araw na pakikipag-usap, pagkatuto, at paglilingkod sa kapwa.

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, na naglalaan ng buong buwan ng Agosto para sa pagpapahalaga at pagpapaunlad ng ating wikang pambansa.

Sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," binibigyang-diin ang mahalagang papel ng Wikang Filipino sa panahon ng makabagong teknolohiya. Habang patuloy na umuunlad ang AI, nananatiling mahalaga ang ating wika sa pagbibigay ng tamang kahulugan, konteksto, at pagkakakilanlan sa impormasyong ating natatanggap at ibinabahagi.

Patuloy nating gamitin, pahalagahan, at pagyamanin ang Wikang Filipino. Sapagkat sa bawat salitang ating binibigkas at isinusulat, buhay ang ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang Pilipino.

💙 Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa, mga Malabueño!

05/08/2026

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to- face classes sa hapon sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon ngayong araw, Miyerkules, Agosto 5, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) na pinapalakas ng Bagyong Maymay.

Magpapatuloy ang klase sa mga paaralan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (online classes).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong 8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588. Maaari rin kayong mag-text sa TXTMJS sa 225687 o 0917-889-8657.

29/07/2026

Address

ICE 105, Ground Floor, Innovation Building, City Of Malabon University
Malabon
1472

Opening Hours

Monday 8am - 8:30pm
Tuesday 8am - 8:30pm
Wednesday 8am - 8:30pm
Thursday 8am - 8:30pm
Friday 8am - 8:30pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of Malabon University Health Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share