20/09/2026
ISKOLAR NG BAYAN, MULING DUMAGUNDONG ANG TINIG SA LANSANGAN!
Sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar, hindi dapat limutin ang kasaysayan ng diktadurang Marcos Sr. Sa ilalim nito, niyurakan ang mga batayang karapatan at kalayaan ng mamamayan, habang maraming Pilipino ang pinaslang, ikinulong, dinukot, at sinalakay dahil sa paglaban sa tiraniya.
Ngunit ang pag-alala ay hindi lamang paglingon sa nakaraan. Hanggang ngayon, patuloy na kinakaharap ng mamamayan ang krisis sa edukasyon, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mababang sahod, kawalan ng seguridad sa trabaho, pang-aagaw ng lupa at kabuhayan, at iba pang anyo ng pagsasamantala.
Bilang mga Iskolar ng Bayan, hindi hiwalay ang ating kalagayan sa mga suliraning ito.
Ang edukasyon ay hindi lamang para sa pansariling tagumpay. Tungkulin nating gamitin ang ating kaalaman at tinig upang maunawaan ang kalagayan ng lipunan, makiisa sa mamamayan, at manindigan para sa kanilang mga karapatan.
Kaya ngayong Setyembre 21, sama-sama tayong lumabas sa kampus at makiisa sa pagkilos. Dalhin natin sa lansangan ang alaala ng kasaysayan, ang mga aral nito, at ang panawagan ng kabataan.
Huwag kalimot. Huwag manahimik. Magkaisa at tumindig!
LIWASANG BONIFACIO l 3:00 PM
MENDIOLA l 5:00 PM
Mula kampus, tungo sa lansangan!
🎨 Evangelou Gatchalian