29/07/2026
Mula ideya hanggang negosyo, mas exciting ang journey kapag may tamang support system.
Bumisita si JC Castañeda, isang entrepreneur, sa mga Innovation and Development Unit Centers ng Bulacan State University Main Campus, kabilang ang Intellectual Property and Commercialization Unit (IPCU).
Sa kaniyang pagbisita, mas nakilala niya ang iba't ibang programa, serbisyo, at opportunities na tumutulong sa entrepreneurs na gawing mas matatag, mas market-ready, at mas sustainable ang kanilang mga venture.
Sa SBI Hub, naniniwala kami na ang bawat negosyo ay may potensyal na lumago kapag nabigyan ng tamang gabay, koneksyon, at suporta.
Excited kaming maging bahagi ng entrepreneurial journey ni JC at makita kung saan siya dadalhin ng kanyang mga susunod na big ideas.