01/09/2025
Hindi Baha ang Kalaban, Kundi Katiwalian
Habang ang Bulacan ay lumulubog sa baha, ang mga nasa kapangyarihan ay patuloy na nagpapakasasa sa pera ng bayan. Sa bawat pagbaha na tumatama sa ating lalawigan, buhay, kabuhayan, at kinabukasan ng mamamayan ang nalulubog. Paulit-ulit na pighati, takot, at kawalan ng pag-asa ang dinaranas ng libu-libong pamilya. Ngunit higit na mas masakit, ang mga proyektong dapat sanaโy nagsisilbing kalasag laban sa sakuna ay nagiging mukha ng katiwalian at kawalan ng hustisya. Sa harap ng ganitong kalagayan, hindi kami mananahimik. Ang mga kabataan at estudyante ay tumitindig upang labanan ang huwad na proyekto at bulok na sistema. Hindi sapat ang salita at pangakong walang katuparanโang kailangan ay pagtutol, pagbubunyag ng katotohanan, at paniningil sa mga dapat managot. Ang laban na ito ay laban para sa kapakanan ng mamamayan, hindi para sa iilang tiwali sa kapangyarihan.
Bilang mga Iskolar ng Bayan at Kabataan, mahigpit kaming nakikiisa sa Bulakenyos for Good Governance. Sama-sama nating wakasan ang huwad na proyekto at igiit ang tunay na paglilingkod. WAKASAN ANG FLOOD CONTROL SCAM! ITIGIL ANG KATIWALIAN! PANAGUTIN ANG MAPANLINLANG! ITAGUYOD ANG MABUTING PAMAMAHALA AT TUNAY NA PAGLILINGKOD PARA SA MAMAMAYAN!
Ang kinabukasan ng Bulacan at ng kabataan ay hindi dapat nilulunod sa kasinungalingan, bagkus ay iniaahon sa tapang, pagkakaisa, at hustisya. Ang bawat patak ng ulan ay paalala ng ating sugat, at ang bawat pag-agos ng baha ay sigaw ng mamamayan. Ngunit sa kabila ng panlilinlang, ang taumbayan ay magiging agos na hindi kayang hadlanganโagos ng pagbabago, agos ng hustisya, at agos ng paniningil sa mga tiwali.
๐๐ง๐ ๐๐ญ, ๐๐๐๐!