02/08/2026
Synchronous Classes at Room Reassignment, Magpapatuloy Hanggang Agosto 5
JUST IN | Magpapatuloy ang pagpapatupad ng synchronous classes at pansamantalang room reassignment sa iba't ibang kolehiyo na sakop nito mula Agosto 3 hanggang 5 dahil sa nagpapatuloy na pagkawala ng suplay ng kuryente sa Federizo Hall, ayon sa Memorandum No. 5 na inilabas ng Office of the ChancellorโMain Campus ngayong Linggo, Agosto 2.
Ayon sa memorandum, ang mga mag-aaral ng unang at ikalawang taon ng College of Engineering, gayundin ang lahat ng mag-aaral ng College of Business Education and Accountancy (CBEA) at College of Professional Teacher Education (CPTED), ay magpapatuloy na synchronous classes.
Samantala, magpapatuloy ang on-site classes ng mga mag-aaral ng College of Science (CS), College of Architecture and Fine Arts (CAFA), at College of Arts and Letters (CAL) sa kanilang pansamantalang itinalagang mga silid-aralan:
College of Science โ Roxas Hall
College of Architecture and Fine Arts โ Natividad Hall
College of Arts and Letters โ CBEA Building, kabilang ang Room 406 at 407 ng Roxas Hall
Batay sa ulat ng General Services Office (GSO), inaasahang maibabalik ang suplay ng kuryente sa Federizo Hall sa Martes, Agosto 4, habang isasagawa ang komprehensibong inspeksiyon sa gusali sa Miyerkules, Agosto 5 upang matiyak ang kaligtasan nito.
Kung magiging maayos ang resulta ng inspeksiyon, nakatakdang magbalik ang regular na klase at normal na operasyon sa Federizo Hall sa Huwebes, Agosto 6. | via Maja Sanchez, CAFA Sketch