RTU Institute of Flexible Learning and Digital Education

Directions Contact the university

RTU Institute of Flexible Learning and Digital Education This page is officially authorized by the RTU Administration through the University Public Affairs Office.

The IFLDE serves as the Innovative Education and Lifelong Learning Hub of the RTU

This page is officially authorized by the RTU Administration through the University Public Affairs Office.

September 1, 2026📣 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘Attention: 𝐀𝐥𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐄𝐧𝐫𝐨𝐥𝐥𝐞𝐝 𝐑𝐓𝐔 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝟏𝐬𝐭 𝐒𝐞𝐦𝐞𝐬𝐭𝐞𝐫, 𝐒𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟕The Institu...
01/09/2026

September 1, 2026

📣 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

Attention: 𝐀𝐥𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐄𝐧𝐫𝐨𝐥𝐥𝐞𝐝 𝐑𝐓𝐔 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝟏𝐬𝐭 𝐒𝐞𝐦𝐞𝐬𝐭𝐞𝐫, 𝐒𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟕

The Institute of Flexible Learning and Digital Education (IFLDE) is pleased to announce that all officially enrolled students of Rizal Technological University (RTU) have now been issued with their e-RTU Accounts.

📌For more information on 𝗵𝗼𝘄 𝘁𝗼 𝗮𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗲-𝗥𝗧𝗨 𝗮𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁, please visit the link below:
https://www.facebook.com/photo?fbid=1565353918950731&set=a.460450709441063

Should you encounter any issues or concerns regarding your e-RTU Account, kindly visit the IFLDE Office at Room 5021, 5th Floor of the Main Academic Building (MAB), Main Campus, or send us a message through the official IFLDE page.

Thank you for your patience and understanding as we work toward an improved online learning experience through the e-RTU Learning Management System.

20 Agosto 2026📣 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗Ukol sa: 𝗠𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗲-𝗥𝗧𝗨 𝗔𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁𝘀Para sa mga mag-aaral na matagumpay sa paghiling at napa...
20/08/2026

20 Agosto 2026

📣 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗

Ukol sa: 𝗠𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗲-𝗥𝗧𝗨 𝗔𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁𝘀

Para sa mga mag-aaral na matagumpay sa paghiling at napagkalooban ng kanilang e-RTU Account, ipinaaalala ng IFLDE na mangyaring tingnan ang ipinadalang e-mail upang sundin ang mga panuto sa pag-access sa inyong e-RTU user account.

Ang mga napagkalooban ng bago o nai-reset na e-RTU Account ay maaaring gamitin ang mga sumusunod na 𝒅𝒆𝒇𝒂𝒖𝒍𝒕 𝒍𝒐𝒈𝒊𝒏 𝒄𝒓𝒆𝒅𝒆𝒏𝒕𝒊𝒂𝒍𝒔.

𝗨𝘀𝗲𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲: 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁-𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿
𝗣𝗮𝘀𝘀𝘄𝗼𝗿𝗱: 𝗲𝗥𝗧𝗨𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁-𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿

Matapos matagumpay na mabuksan ang account, kakailanganin ang agarang pagpapalit ng inyong password upang matiyak ang seguridad at pagkapribado sa paggamit ng inyong e-RTU Account.

Kumusta, Rizalianos? 👋Narito si L.I.R.A. para sa 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮-𝗮𝗹𝗮 𝘂𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗲-𝗥𝗧𝗨 𝗔𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹...
18/08/2026

Kumusta, Rizalianos? 👋

Narito si L.I.R.A. para sa 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮-𝗮𝗹𝗮 𝘂𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗲-𝗥𝗧𝗨 𝗔𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝗺𝗮𝗶𝗹!

📌𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗲-𝗥𝗧𝗨 𝗔𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁?

💡Ang 𝒆-𝑹𝑻𝑼 𝑨𝒄𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕 𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒖𝒔𝒆𝒓 𝒂𝒄𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒂𝒕 𝒈𝒖𝒓𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒈𝒂𝒎𝒊𝒕 𝒏𝒈 𝒐𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑳𝒆𝒂𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑺𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎 (𝑳𝑴𝑺) ng ating Unibersidad. Ang e-RTU LMS ay maaaring i-access sa https://e-rtu.edu.ph.

❓𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗲-𝗥𝗧𝗨 𝗔𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁?

Ang paghiling upang magkaroon ng sariling e-RTU Account ay dapat isumite sa 𝑹𝑻𝑼 𝑰𝒏𝒔𝒕𝒊𝒕𝒖𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑭𝒍𝒆𝒙𝒊𝒃𝒍𝒆 𝑳𝒆𝒂𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝑫𝒊𝒈𝒊𝒕𝒂𝒍 𝑬𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 o 𝗜𝗙𝗟𝗗𝗘 sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] o magpadala ng mensahe sa IFLDE page upang mabigyan ng mga panuto sa paghiling ng e-RTU Account. Maaari ring personal na magpunta sa tanggapan ng IFLDE sa Main Academic Building Room 5021 ng Main Campus.

📌𝗔𝗻𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝗺𝗮𝗶𝗹?

💡Ang 𝑰𝒏𝒔𝒕𝒊𝒕𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑬𝒎𝒂𝒊𝒍 𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒆𝒎𝒂𝒊𝒍 𝒂𝒄𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕 𝒏𝒂 𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒍𝒐𝒐𝒃 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒐𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝒆𝒏𝒓𝒐𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒌𝒂𝒓𝒐𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒂𝒄𝒄𝒆𝒔𝒔 𝒔𝒂 𝒐𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑬𝒎𝒂𝒊𝒍 ng Unibersidad.

Para sa mga mag-aaral, ganito ang pormat ng nasabing email: [email protected] – laman ang itinakdang student number at kasunod ay ang domain ng Unibersidad.

❓𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝗺𝗮𝗶𝗹?

Ang paghiling naman ng Institutional Email ay kinakailangang isumite sa 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑰𝒏𝒇𝒐𝒓𝒎𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑺𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎𝒔 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆 o 𝗠𝗜𝗦𝗢. Maaaring magpadala ng kahilingan sa kanilang email na [email protected] o sa kanilang tanggapan sa Ground Floor ng Lydia M. Profeta Building ng Main Campus.

17 Agosto 2026📣𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗𝐔𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚: 𝐞-𝐑𝐓𝐔 𝐑𝐞𝐬𝐭𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧Ipinagbibigay-alam sa lahat na 𝒂𝒏𝒈 𝒆-𝑹𝑻𝑼 𝑳𝒆𝒂𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑺𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎 (𝑳𝑴𝑺...
17/08/2026

17 Agosto 2026

📣𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗

𝐔𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚: 𝐞-𝐑𝐓𝐔 𝐑𝐞𝐬𝐭𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

Ipinagbibigay-alam sa lahat na 𝒂𝒏𝒈 𝒆-𝑹𝑻𝑼 𝑳𝒆𝒂𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑺𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎 (𝑳𝑴𝑺) 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒓𝒊 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒎𝒊𝒕𝒊𝒏 𝒎𝒖𝒍𝒊, na may pinahusay na user interface at user experience (UI/UX). Kasama rito ang mga karagdagang feature upang higit na matugunan ang mga pangangailangan sa pagkatuto at pagtuturo ng mga mag-aaral at kasaping fakultad.

📌Maaaring ma-access ang e-RTU sa link na ito: https://e-rtu.edu.ph/
📝 Kung wala pang e-RTU Account, maaring punan ang Google Form na ito at hintayin ang email galing sa [email protected] para sa iyong login credentials:
https://forms.gle/4YSnRk5Ex8Xf5jAc7
https://forms.gle/4YSnRk5Ex8Xf5jAc7
https://forms.gle/4YSnRk5Ex8Xf5jAc7

Kung mayroong katanungan, mangyaring magpadala ng mensahe sa [email protected] o sa opisyal na page ng IFLDE.

Magandang araw, Rizalianos!👋 Ako si LIRA 💜 Makatutulong ang ilang gabay sa pag-aaral para manatili kang organisado, naka...
14/08/2026

Magandang araw, Rizalianos!👋 Ako si LIRA 💜

Makatutulong ang ilang gabay sa pag-aaral para manatili kang organisado, nakatuon, at nasa tamang direksyon sa iyong pag-aaral.

Narito ang limang mabilis na self-study tips mula kay LIRA para matulungan kang mag-aral nang mas wais at matuto nang mas maayos! ✨📚

Tandaan: kahit maliliit na hakbang, kapag ginawa nang tuloy-tuloy, malaking bagay ang maidudulot nito.

Manatiling mausisa, ganado, at patuloy na matuto kasama si LIRA! 💜

Ika-14 ng Agosto, 2026Noong Agosto 12, 2026, nagsagawa ng isang pagpupulong ang Surian ng Malayang Pagkatuto at Dihital ...
14/08/2026

Ika-14 ng Agosto, 2026

Noong Agosto 12, 2026, nagsagawa ng isang pagpupulong ang Surian ng Malayang Pagkatuto at Dihital na Edukasyon kasama si G. Ryan Soh ng FilPass upang talakayin ang mga usaping may kaugnayan sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan.

Mahalaga ang mga ganitong pagpupulong sa pagpapatibay ng mga propesyonal na ugnayan at sa pagtukoy ng mga oportunidad para sa higit pang inobasyon at pag-unlad sa larangan ng flexible at digital na edukasyon. Nagsisilbi rin itong mahalagang hakbang sa pagbuo ng mga inisyatibang maaaring makapagbigay ng mas makabuluhang benepisyo sa komunidad ng Unibersidad.

Lubos ang pasasalamat ng Surian kay G. Ryan Soh at sa pangkat ng FilPass para sa kanilang oras, mahahalagang pananaw, at pakikipagtulungan. Inaasahan namin ang patuloy na pagpapatibay ng aming ugnayan at ang mga susunod pang hakbang tungo sa magkatuwang na mga inisyatiba.

Ika-14 ng Agosto, 2026Ginanap ang isang pulong-panuklas sa pagitan ng Surian ng Malayang Pagkatuto at Dihital na Edukasy...
14/08/2026

Ika-14 ng Agosto, 2026

Ginanap ang isang pulong-panuklas sa pagitan ng Surian ng Malayang Pagkatuto at Dihital na Edukasyon at FranklinCovey Philippines noong ika-11 ng Agosto, 2026, upang talakayin ang mga posibleng larangan ng pagtutulungan sa pag-aalok ng micro-credentials sa Unibersidad.

Lumahok sa nasabing pagpupulong ang mga kawani ng opisina kasama sina Bb. Jhe-an Capilliano, G. Red Garcia, at Gng. Carmen Alcuaz ng FranklinCovey Philippines.

Pinahahalagahan ng Surian ang mga oportunidad tulad nito upang higit na mapatatag ang aming pakikipagtulungan at maisulong ang aming magkatuwang na layunin na maghatid ng mga makabuluhang inisyatiba para sa pagkatuto at propesyonal na pag-unlad. Inaasahan namin ang pagpapatuloy ng aming ugnayan para sa mga programang makikinabang ang komunidad ng ating Unibersidad.

Nagpapasalamat ang Surian sa pangkat ng FranklinCovey Philippines para sa kanilang oras, mahalagang pananaw, at patuloy na pakikipagtulungan sa aming opisina.

Isang malaking PAGBATI sa ating 2025 Animation Interns! 🎓✨Mula sa mga unang guhit at ideya hanggang sa bawat frame, ekse...
13/08/2026

Isang malaking PAGBATI sa ating 2025 Animation Interns! 🎓✨

Mula sa mga unang guhit at ideya hanggang sa bawat frame, eksena, at animation na inyong nilikha—nasaksihan namin ang inyong sipag, tiyaga, creativity, at passion sa larangan ng animation.

Ang inyong internship journey ay hindi lamang tungkol sa pagkatuto ng skills, kundi pati na rin sa paghubog ng inyong sarili bilang mga batang animator at future creative professionals.

Patuloy ninyong bigyang-buhay ang mga kuwento sa pamamagitan ng inyong pagkamalikhain!

— Your IFLDE Family 💜✨

Taos-puso pagbati sa ating 2025 IFLDE IT Interns! 🎓✨Sa bawat bug na inyong na-fix, code na na-deploy, at system na pinag...
13/08/2026

Taos-puso pagbati sa ating 2025 IFLDE IT Interns! 🎓✨

Sa bawat bug na inyong na-fix, code na na-deploy, at system na pinag-ayos, ipinakita ninyo ang dedikasyon, diskarte, at malasakit sa bawat proyekto. Higit pa rito, ang inyong mga ideya at redesign sa user interface at user experience (UI/UX) ay nagdulot ng mas malinaw, madaling gamitin, at kaaya-ayang platform para sa ating mga users.

Hindi lamang teknikal na kasanayan ang inyong dala pabalik—kundi ang karanasan, tiwala, at pangarap na magagamit upang makabuo ng mas mabuting solusyon para sa lahat.

Sana ay patuloy kayong mag-ambag sa mundo ng teknolohiya nang may integridad, pagkamalikhain, at pagmamalasakit.

— Mula sa inyong IFLDE Family 💜

Hello, Rizalianos!May e-RTU Account ka na ba? Kung wala pa, huwag kang mag-alala—nandito kami para gabayan ka!Ang e-RTU ...
12/08/2026

Hello, Rizalianos!

May e-RTU Account ka na ba? Kung wala pa, huwag kang mag-alala—nandito kami para gabayan ka!

Ang e-RTU ang opisyal na Learning Management System (LMS) ng ating unibersidad na nagsisilbing digital platform para sa patuloy na pagkatuto at pakikipag-ugnayan sa inyong mga klase.

Ngayong bagong semestre, siguraduhing mayroon ka nang e-RTU Account upang maging handa sa paggamit ng inyong mga digital classroom.

Simulan mo rito:
1. Panoorin ang step-by-step guide video.
https://www.facebook.com/share/v/19bWE8Fuw2/

2. Sundin ang mga simpleng hakbang sa paggawa ng account.

3. Punan ang kaukulang Google Form para sa iyong account creation request.
https://forms.gle/1JFHfgn1PW2tVwae9

Manatiling konektado, updated, at handa sa bagong semestre. Sama-sama nating gawing mas madali at mas makabuluhan ang inyong e-RTU experience!

Address

Sacrepante Corner, Brgy. Malamig, Boni Avenue
Mandaluyong
1550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RTU Institute of Flexible Learning and Digital Education posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to RTU Institute of Flexible Learning and Digital Education:

Shortcuts

Share