16/12/2025
😥
Hindi sapat ang salitang salamat para sa lahat ng nagawa mo sa industriyang ito. Hindi ka lang isang Voice Actor, isa kang Icon na naghubog sa 'ming kabataan. Hindi ka lang basta Voice Actor dahil parte ka na mismo ng Kulturang Pilipino. Lumisan ka man sa mundong ito, magpapatuloy ang iyong legacy at mananatili kang buhay sa aming mga puso. Hindi namin akalain na darating nang ganito kaaga ang panahon para sabihin ang linya mo na tumatak sa isip naming lahat, ayaw naming magpaalam sa 'yo ngunit ikaw na ang nagpaalam sa 'min ngayon. Alam ko rin na noon pa man alam mo nang darating ang araw na sasabihin mo ang katagang "This is Sir Jeff Utanes, now signing off". Kaya naman SirJeff Utanes, hanggang sa susunod nating pagkikita. Paalam po! Mahal na mahal ka namin ❤️
Para sa lahat ng mga nais pumunta sa wake ni Sir Jeff, mag-uumpisa po ngayong araw ang viewing, 6PM sa St. Peter Chapels, Martinez Street, Antipolo City (near Antipolo Church). 4 days lang po ang viewing at sa linggo po ang libing sa Providence Memorial Park.