02/06/2026
📣 𝗖𝗔𝗟𝗟 𝗙𝗢𝗥 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦!
Nananawagan ng tulong pinansyal at in-kind donations ang PAMATU - Pagkakaisa ng Mamamayan ng Tundo para sa tinatayang 2,134 pamilyang apektado ng sunog sa Parola Compound, Manila kahapon, Mayo 23.
Tulad ng pahayag ng PAMATU, kami rin ay nagtatanong kung totoong nagkataon lang ang sunog sa Parola na naganap kasabay ng mga “proyektong pangkaunlaran” at negosyong tulay na North-South Harbor Bridge at SALEX. Pinopondohan ng China (loan sa Exim Bank of China, isinasagawa ng China Road and Bridge Corporation). Demolisyon at ibayong kahirapan ang dulot ng mga proyektong ito sa mamamayan ng Parola at hindi ang pangakong kaunlaran.
Kaisa ang Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) sa laban ng mga manggagawa at mamamayan ng Parola para sa kanilang karapatan sa paninirahan. Nananawagan din ang IOHSAD ng agaran, independent at transparent na imbestigasyon ukol sa mga sunog sa Parola.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa sitwasyon ng mga mamamayan sa Parola: https://www.facebook.com/share/p/1Ct5jiYXWN/
Para sa monetary donations (please note “for fire victims”):
GCash
+63 917 504 3868
JO*****O S.
BDO
0113 6001 0678
YS****** M.
Para sa in-kind donations, i-message ang page ng PAMATU.