09/08/2024
Dr. Romeo PeΓ±a, the Chairperson of the PhD Filipino program of PUP, is one of the Speakers in the Editors Forum of Monolingual Journal in Filipino on August 30, 2024 at De La Salle University Manila.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama ang mga editor ng mga monolingguwal na journal sa Filipino upang mapag-usapan ang mga hamong kinahaharap ng bansa sa paglalathala ng mga pananaliksik gamit ang wikang Filipino.
Upang higit na maging makabuluhan ang gawaing ito sa Buwan ng Wikang Pambansa 2024, malugod kayong iniimbitahan ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pakikipagtulungan sa Sentro sa Pagsasalin, Intelektuwalisasyon, at Adbokasiya (DLSU SALITA), Andrew Gonzalez Philippine Citation Index, at Departamento ng Humanidades at Agham Panlipunan, sa "SΓMAY: Forum ng mga Editor ng mga Monolingguwal na Journal sa Filipino."
Ang "sΓ‘may" ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino ay "pagsasama-sama ng mga himay-himay para bumuo ng disenyo." Kung gayon, layunin ng forum na ito na mapag-usap-usap ang mga editor ng mga journal sa Filipino upang makabuo ng mga kolektibong inisyatiba na makapagpapaunlad sa kultura ng publikasyon gamit ang wikang pambansa.
Magsisilbing mga tagapagsalita sina:
Dr. Alvin B. Yapan, editor ng Katipunan Journal ng Pamantasang Ateneo de Manila (ADMU)
Dr. Danielle P. Ochoa, editor ng Diwa Journal ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP)
Dr. Rowell D. Madula, editor ng Malay Journal ng Pamantasang De La Salle (DLSU)
Prof. Atoy M. Navarro, editor ng Saliksik Journal ng Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan o Bagong Kasaysayan Inc. (BAKAS)
Dr. Rhoderick V. Nuncio, editor ng Dalumat Journal ng Networked Learning PH. Inc. (NLPH)
Dr. Zendel M. Taruc, editor ng Hasaan Journal ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST)
Dr. Romeo P. PeΓ±a, editor ng Filipinolohiya Journal ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)
Dr. Aurora E. Batnag, editor ng Kawing Journal ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)
Dr. Raquel Sison-Buban, editor ng Salin Journal ng Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS)
Dr. Michael Francis C. Andrada, editor ng Daluyan Journal ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman - Sentro ng Wikang Filipino
Magiging tagapagdaloy naman si G. Christian P. Gopez, tagapagtatag na punong editor ng Sinaya Journal at tagapamahalang editor ng Dalumat Journal.
Ang face-to-face na sesyon ay magaganap sa Pamantasang De La Salle sa Agosto 30, 2024 mula 9:00 nu hanggang 12:00 nt, bagaman limitado lamang ito sa mga piling panauhin.
Maaari namang dumalo ang publiko sa live streaming ng gawain via Zoom sa pamamagitan ng pagrerehistro sa link sa ibaba:
https://bit.ly/Samay2024
Itaas natin ang diskurso ngayong Buwan ng Wikang Pambansa tungo sa higit na Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino!