20/09/2026
๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ก. ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ง. โ๐ป
Sa bawat kwentong sinubukang ibaluktot, bawat tinig na sinupil, at bawat sakripisyong pilit na inalis sa mga pahina ng kasaysayan, mananatili ang katotohanan. Mananatili ang paninindigan. Hindi kailanman mabubura ng oras o ng anumang kapangyarihan ang bakas ng mga nag-alay ng buhay para sa ating kalayaan.
Ngayong Setyembre 21, 2026, sa ika-54 na paggunita sa deklarasyon ng Batas Militar, ang mga Iskolar ng Bayan at ang buong sambayanan ay hindi nakakalimot sa masalimuot na kabanata ng ating bansa. Mula sa malawakang paglabag sa karapatang pantao, pandarambong sa kaban ng bayan, at kapabayaan sa sektor ng edukasyon, hanggang sa libu-libong Pilipinong dinakip, tinortyur, at pinaslang sa ilalim ng diktadura.
Hindi lamang tayo nagbabalik-tanaw sa dilim ng kahapon; ating pinatutunayan na ang mga aral ng kasaysayan ay nananatiling gabay sa ating kasalukuyan. Kaagapay ang PUP College of Engineering Student Council (PUP CE SC) at ang iba't ibang sektor ng lipunan, patuloy nating itataguyod ang panawagan para sa hustisya, pananagutan, at wastong paggamit ng pondo ng bayan. Ang totoong demokrasya ay hindi ibinibigay nang kusa. Ito ay patuloy na pinoprotektahan at ipinaglalaban.
Bitbit ang alaala ng mga martir at bayani, muli tayong magkakasama sa lansangan upang maging matatag na pader ng katarungan at tagapagtanggol ng ating kinabukasan. Huwag tayong manatiling tahimik. Sumama, makilahok, at iparinig ang kolektibong boses ng mamamayan!
๐ 2 PM: Mass up
๐ 3 PM: Program @ Liwasang Bonifacio
๐ 5 PM: Program @ Mendiola
TAYO ANG KASAYSAYAN. PANAGUTIN LAHAT NG DAPAT MANAGOT!