Triskelion De Tirad Pass Community Chapter

Triskelion De Tirad Pass Community Chapter Community Service

Bago ninyo paghiwalayin ang Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity, mas mabuti sigurong alamin muna ang tunay na fo...
26/09/2025

Bago ninyo paghiwalayin ang Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity, mas mabuti sigurong alamin muna ang tunay na founding fathers at mga founders na nagtatag ng TAU GAMMA PHI Fraternity sa UP Diliman Mother Chapter noong October 4, 1968.

Karaniwan, ang kilala lang ay anim (6) na founding fathers. Pero sa larawang ito makikita ang buong listahan ng mga unang UP Triskelions. Sila ang unang dumaan sa proseso ng Bigayan o Initiation Procedure — na ngayon ay tinatawag na S.I.P. (Standard Initiation Procedure). Kasama sila sa mga nagtatag ng Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity at unang yumakap sa Triskelion Tenets and Code of Conduct.

Noong 1968 hanggang dekada ‘90s, walang naitalang namatay sa initiation procedure ng kapatiran. Ngunit pagdating ng 2000s, nagkaroon ng Tau Gamma Phi National Constitution. Isa sa mga delegado rito ay si Founder Brod Jun Flor mula sa UP Diliman Chapter. Ang bagong NEC (National Executive Council) na ito ay sinang-ayunan ng apat (4) na founding fathers.

Subalit, nang magkaroon ng hindi pagkakasundo sa posisyon, nahati ang council. Ang ilang brods ay humiwalay at nagtatag ng Triskelion Global Coordinating Council (TGCC) na ngayon ay TGP GLOBAL at bagong Metro Manila Regional Council (MMRC) na tumapat sa unang TGP MMRC at TGP National Executive Council.

Nagkaroon ng muling pagkakaisa noong October 4, 2012 sa “Circle.” Ngunit matapos ang ika-50 taon (Golden Anniversary) ng Tau Gamma Phi noong October 4, 2018, nagkaroon ulit ng bagong TGP Global Constitution. Muli ring nagkahati, nagkaroon ng TGP Global, at nagulo ang orientation ng bawat chapter.

Dahil dito, napabayaan ang tunay na diwa ng kapatiran — ang pagtutulungan, pagkakaisa, at pagbibigayan. Mas lumala ang Bigayan at dumami ang kaso ng namamatay dahil sa kakulangan ng orientation sa tamang proseso ng initiation, Kaya tanungin mo ang sarili mo: Triskelion ka ba, o TGP Global?

Mahalaga na sa bawat orientation ng inyong mga chapter — school-based man o community-based — laging isinasama kung sino talaga ang mga founding fathers at founders ng UP Diliman Triskelions, at gabayan ang mga chapter sa tamang proseso at makataong S.I.P. o Standard Initiation Procedure.

---

Tungkol sa “15 Founders”

Kamakailan, may lumabas na tanong tungkol sa “15 Founders” na binanggit ni Founder Brod Jun Flor (UP).

Ayon sa aking research, ang tinutukoy na 15 Founders ay binubuo ng anim (6) na Founding Fathers (Brod Roy Ordinario, Brod Rod Confesor, Brod Talek Pablo, at ang UP-suspended na si Brod Tito Venida, kasama sina Brod Resty Alfonso at Brod Romy Fortes na hindi kinilala kalaunan) plus siyam (9) na Brods mula sa Founders Batch.

Kung pagsasamahin, 6 + 9 = 15 Founders. Kaya tinawag na “15 Founders.”

Kinumpirma ito ni Brod Jun Rodriguez at mismo ni Dr. Alfred Fajayan (isa ring Founder) na noong panahon iyon, lahat sila ay tinuturing na Founders. Kaya sila mismo ay nagulat nang biglang may “4 Founding Fathers” na lang.

Kung pagbabatayan ang testimonya ng mga aktwal na naroroon noong 1968, dapat kilalanin na 6 ang Founding Fathers, at dapat isama sina Brod Resty Alfonso at Brod Romy Fortes dahil sila ay tumulong sa pagdidisenyo ng Seal at sa pagbubuo ng Tenets at Code of Conduct.

Ang kasaysayan ng Tau Gamma Phi ay dapat manatiling tumpak at sistematiko. Ang pagbago rito dahil sa maling impormasyon o pansariling motibo ay hindi dapat palampasin.

Nakakalungkot isipin na mula 6, naging 4, at ngayon ay 3 na lang ang kinikilala. Ano ang batayan para sa ganitong pagbabago? Ito ay dapat maitama.

No to division!

(Para sa karagdagang katanungan, makipag-ugnayan lamang sa mga mismong naroroon noong 1968. Hindi na ako sasagot pa sa dagdag na inquiry.)

LONG LIVE Triskelions' Grand Fraternity!

CTTO: Brod. Teddy Agoncillo Mogol

Photo credits: Brod. Roy Ross Esguerra

Happy 49th Anniversary Philippine College of Criminology 'kilo' Chapter, Manila
07/08/2025

Happy 49th Anniversary Philippine College of Criminology 'kilo' Chapter, Manila

BREAKING: REST IN PEACE TRISKELION BROTHER DAVID HARRISON 🙏🏻🕊️✝️An American National, duly Survived the Traditional Init...
19/07/2025

BREAKING: REST IN PEACE TRISKELION BROTHER DAVID HARRISON 🙏🏻🕊️✝️

An American National, duly Survived the Traditional Initiation Rites, accepted the Subjection and Embraced the Tau Gamma Phi Tenets and COC.

He is Brother David Harrison of Malvar Community Chapter Based in Puerto Princesa City Palawan and the first American Grand Triskelion.

You maybe gone, but you'll never forgotten.
Live and Let Live! 🫡


21st FOUNDING ANNIVERSARY of TRISKELION LAW ENFORCERS GROUPJULY 8, 2004 - JULY 8, 2025
08/07/2025

21st FOUNDING ANNIVERSARY of TRISKELION LAW ENFORCERS GROUP
JULY 8, 2004 - JULY 8, 2025

Happy 52nd Anniversary  Tau Gamma Phi Adamson chapter!! Mabuhay ang TRISKELION ng Adamson!!July 8 1973
08/07/2025

Happy 52nd Anniversary Tau Gamma Phi Adamson chapter!! Mabuhay ang TRISKELION ng Adamson!!

July 8 1973

🟥 "Triskelion ka, pero kapwa mo Triskelion ang inaaway mo?"Tandaan mo Brod/Sis:🔺 Hindi ka pumasok sa Kapatiran para maki...
27/06/2025

🟥 "Triskelion ka, pero kapwa mo Triskelion ang inaaway mo?"

Tandaan mo Brod/Sis:

🔺 Hindi ka pumasok sa Kapatiran para makipagbangayan.
🔺 Pumasok ka para maging sandalan, hindi pasanin.
🔺 Hindi para magpabida, kundi para magkaisa.

🛡️ Ang tunay na Triskelion, may dangal at may respeto sa kapwa niya — lalo na sa kapwa Triskelion.

👊 Sa labas tayo lumalaban —
Sa loob, dapat nagdadamayan.

Ayusin natin ang loob, bago tayo sumigaw ng Ariba.




Sa bawat oryentasyon, ipinapasa natin ang higit pa sa kaalaman. Ipinapasa natin ang pananagutan, ang dangal, at ang diwa...
11/06/2025

Sa bawat oryentasyon, ipinapasa natin ang higit pa sa kaalaman. Ipinapasa natin ang pananagutan, ang dangal, at ang diwa ng pagiging tunay na Triskelion.

Ang larawan na ito ay sumasalamin sa simula ng isang panata.
Isang panatang magsilbi sa kapwa, tumindig para sa tama, at ipaglaban ang prinsipyo ng Tau Gamma Phi at TAU GAMMA Sigma.

Ito ang kapatiran na hindi lang basta sinasalihan—ito ang kapatirang isinasabuhay.

Pataasin natin ang antas ng ating kapatiran. Dito muna tayo tyaka tayo tumulong sa iba. Sa lahat ng mga kapatid natin na...
07/05/2025

Pataasin natin ang antas ng ating kapatiran. Dito muna tayo tyaka tayo tumulong sa iba.

Sa lahat ng mga kapatid natin na tumatakbo ngayong halalan, goodluck po sa inyo.

Laging tandaan! Brod Muna! ☝️

Celebrating my 3rd year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉
16/04/2025

Celebrating my 3rd year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

Chamba lang siguro bro.
14/02/2025

Chamba lang siguro bro.

INDEED.
31/01/2025

INDEED.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Triskelion De Tirad Pass Community Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share