21/09/2026
๐ ๐๐ฑ๐ฐ: ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐ง๐๐ง๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐๐ฌ, ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐!
Limampuโt apat na taon na ang lumipas mula nang lagdaan ni Ferdinand E. Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081 noong Setyembre 21, 1972, na naglagay sa buong Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar. Sa likod ng mga salitang ipinangakong maghahatid ng kaayusan ay isang kabanata ng kasaysayang hindi dapat pinapakinis, binubura, o kinakalimutan.
Sa ilalim ng diktadura, libo-libong Pilipino ang dinakip at ikinulong, sampu-sampung libo ang dumanas ng tortyur, at mahigit 3,200 ang pinatay ayon sa dokumentasyon ng Amnesty International. Sinikil din ang malayang pamamahayag, ipinasara ang mga midya, at pinaghigpitan ang karapatan ng mamamayan sa pagtitipon at pagpapahayag.
Ngunit hindi kailanman naging tahimik ang bayan.
Sa mga selda kung saan sinubukang ikulong ang tinig, may mga tinig na lalong lumakas. Sa mga pahinang tinangkang burahin, may mga salaysay na muling isinulat. Sa mga lansangang nilagyan ng takot, may mga paa pa ring humakbang.
At sa loob ng mga pamantasan, hindi naging hiwalay ang pag-aaral sa pakikibaka. Ang mga Iskolar ng Bayan ay hindi lamang nakaupo sa silid-aralan upang magbasa ng kasaysayan, marami sa kanila ang naging bahagi ng mismong kasaysayang kanilang pinag-aaralan. Sa PUP, nananatiling buhay ang diwa ng mga kabataang nanindigan na ang edukasyon ay hindi lamang para sa pansariling pag-unlad, kundi sandata upang maunawaan, hamunin, at baguhin ang lipunan.
Kaya sa bawat Setyembre 21, hindi lamang tayo lumilingon.
๐ก๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐น๐ถ๐.
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐, ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป.
Artista ng Bayan, huwag hayaang matabunan ng ingay ang mga tinig na minsang pilit pinatahimik.
๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ง๐๐ช๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐, ๐๐ง ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฌ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐๐ก.
๐ ๐๐ฑ๐ฐ. ๐๐จ๐ช๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ๐ง๐๐ก. ๐๐จ๐ช๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐๐๐ก. ๐๐จ๐ช๐๐ ๐ฃ๐๐จ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐จ๐๐๐ง ๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก.