PUP College of Communication Student Council

Call Directions Contact the university

PUP College of Communication Student Council Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PUP College of Communication Student Council, College & University, 1st Floor, PUP College of Communication Bldg. , Anonas Street , Sta. Mesa, Manila.

The official page of the PUP College of Communication Student Councilโ€”the official union, highest student-governing, and policy-making body of all students in the College of Communication (COC) at Polytechnic University of the Philippines - Manila.

OPISYAL NA PAHAYAG NG KOMUNIDAD NG KOLEHIYO NG KOMUNIKASYON SA IKA-54 NA KOMEMORASYON NG MALAGIM NA KASAYSAYAN NG MARTIA...
20/09/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG KOMUNIDAD NG KOLEHIYO NG KOMUNIKASYON SA IKA-54 NA KOMEMORASYON NG MALAGIM NA KASAYSAYAN NG MARTIAL LAW SA ILALIM NG DIKTADURYANG FERDINAND MARCOS SR.

Sa mahabang panahon ng paglaban ng sambayanang Pilipino para sa kanilang karapatan, kalayaan, at kasarinlanโ€”hinding-hindi natin dapat makalimutan ang malagim at masalimuot na kasaysayan ng Martial Law sa bansa dahil sa pagkaganid sa kapangyarihan ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Limampuโ€™t apat na taon na ang nakalipas mula noong ipinatupad ang huwad na Martial Law upang gamiting kasangkapan para patahimikin, intimidahin, at patayin ang laksa-laksang hanay ng mga kabataang tumutuligsa sa kabuktutan at karahasan ng administrasyong Marcos Sr., higit lalo ang mga mamamahayag na ginagawa lamang ang kanilang trabahong maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa katotohanan.

Sa paglipas ng limang dekada, minana ng mga nagdaang presidente lalo na ng kanyang anak na si Ferdinand "Bongbong" Marcos ang kabi-kabilang pamamasista, pang-aatake, at pagpaslang sa mga kabataan at mga alagad ng midya sa porma ng mga gawa-gawang kaso at sapilitang pagkukulong kahit walang matibay na batayan.

Pinaka-matunog na halimbawa sina Jacob Baluyot at Tiffany Faith Brillante, mga kabataang aktibista na galit sa korapsyong matagal nang problema ng ating bansa ngunit pilit na pinapatahimik ng administrasyon ni Marcos Jr. sa pamamagitan ng subpoena, si Frenchie Mae Cumpio na ikinulong at sinampahan ng gawa-gawang kaso, at si RJ Ledesma, isa sa mga nasawi sa Toboso 19, na inihahayag lamang ang lagay ng mga magsasaka sa kanayunan.

At ngayong nasa ilalim na naman tayo sa pamumuno ng isang Marcos sa katauhan ni Bongbong Marcos, higit lalong kinakailangan ang mga Kabataang Alagad ng Midya na mas higpitan ang pagkapit sa oryentasyon nila bilang mamamahayag dahil sa papatinding klima ng pulitika sa bansa nating pinag-aagawan ng mga Marcos at Duterteโ€”mas nararapat na manaig ang katotohanang magpapamulat sa mga sambayanang Pilipino upang pabagsakin ang mga kurakot, panagutin ang lahat ng sangkot, at makamit ang hustisyang ipinagkakait sa sambayanang Pilipino mula noong panahong ng Martial Law hanggang sa kasalukuyan.

Bukas, magsama-sama tayo upang kolektibong singilin ang hustisyang deka-dekada nang ipinagkakait sa mga biktima ng Martial Law at sariwain ang malagim na kasaysayan nito, at para sa mga pananagutang ipinagdaramot sa sambayanang Pilipino sa ganap na 2:30 ng hapon, sa Liwasang Bonifacio.

NEVER AGAIN, NEVER AGAIN!
NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!

ANG PAPEL AT LENTE NG MGA KABATAANG ALAGAD NG MIDYA AY HINDI NAKAKALIMOT!Sa pagsapit ng Setyembre 21, muli nating inaala...
20/09/2026

ANG PAPEL AT LENTE NG MGA KABATAANG ALAGAD NG MIDYA AY HINDI NAKAKALIMOT!

Sa pagsapit ng Setyembre 21, muli nating inaalala ang madilim at masalimuot na kabanata ng Batas Militar sa ilalim ng diktadurang Marcos Sr. Ang ika-54 na anibersaryo nito ay hindi lamang simpleng paggunita sa panunupil ng nagdaang rehimen, kundi mariing pagkilala sa mga Pilipinong buong tapang na lumaban at patuloy na lumalaban sa kabila ng marahas na pasismo. Libo-libong buhay ang pinaslang, pinahirapan, at pinatahamik, ngunit hanggang kasalukuyan, nanatiling mailap ang hustisya at wala ni isa sa mga pangunahing salarin ang napapanagot.

Walang pinagkaiba si Marcos Jr. sa kaniyang ama dahil minana niya lamang ang sistema ng kurapsyon at walang habas na panggigipit sa mga kritiko at mamamayan upang busalan ang taumbayan. Kitang-kita ito nang nitong nakaraang taon lamang, sa gitna ng paggunita ng malawak na hanay ng sambayanan sa ika-53 na anibersaryo ng Batas Militar, tahasang humarap sa karahasan mula sa estado ang mamamayang nagpahayag ng kanilang mga karaingan.

Sa harap ng pilit na paghuhugas ng pamilyang Marcos sa kamay nilang may bahid ng dugo mula sa kasaysayan ng pagnanakaw at pang-aabuso, ang mga alagad ng midya ay hinding-hindi makakalimot. Madadagdagan at madadagdagan ang mga pahina ng naratibong isinisiwalat ang katiwalian ng mga naghaharing-uri.

Kaya naman sa paggunita natin ng ika-54 na aniberarsyo ng Batas Militar ni Marcos Sr., nananawagan tayo sa lahat ng mga kabataang alagad ng midya na tumindig at maging boses ng sambayanan. Singilin natin ang rehimeng Marcos-Duterte na parehas na nagmana sa pasista nilang mga ama at patalsikin ang administrasyong tuta ng imperyalistang US!

SEPTEMBER 21, 2026
โšซ 12:00 PM - Local Program at PUP Sta. Mesa
โšซ 02:30 PM - Assembly at Liwasang Bonifacio
โšซ 03:00 PM - Program at Liwasang Bonifacio
โšซ 04:30 PM - March to Mendiola
โ€ผ๏ธWEAR BLACKโ€ผ๏ธ

SUMALI SA COC COORDINATING GROUP CHAT
https://m.me/j/rPypJPa9EK3Te6nB/?send_source=gc:copy_invite_link_c

NEVER AGAIN, NEVER FORGET! NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!

TINGNAN | Nakiisa ang PUP College of Communication Student Council sa isinagawang University-wide Walkout Para Sa Edukas...
20/09/2026

TINGNAN | Nakiisa ang PUP College of Communication Student Council sa isinagawang University-wide Walkout Para Sa Edukasyon at Pananagutan noong Biyernes, ika-18 ng Setyembre,

Nagkasa ng lokal na programa ang mga kabataang alagad ng midya sa loob ng Kolehiyo ng Komunikasyon kasama ang ibaโ€™t ibang mga progresibong organisasyon upang patambulin ang kanilang panawagan para sa dagdag na budget sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at pagpapatalsik sa rehimeng Marcos-Duterte.

Binigyang diin ng mga tagapagsalita sa programa ang kasalukuyang kalagayan ng kolehiyo sa konteksto ng Mass Communication Building. Hanggang ngayon, walang katiyakan kung hanggang kailan matatapos ang nabanggit na proyekto. Isang malinaw na manipestasyon ito sa kakulangan ng ipinagkakaloob na budget sa sektor ng edukasyon na dahilan upang mahirapan ang mga Iskolar ng Bayan na makamit ang aksesable at de-kalidad na edukasyon.

Ang panawagan hinggil sa dagdag budget ay kadikit na panawagan rin para sa tuwirang pagpapatalsik sa rehimeng Marcos-Duterte sa kanilang pamumuno. Naniniwala ang mga kabataang alagad ng midya na makakamit lamang ang panawagan ito kung sama-samang kikilos ang malawak na hanay ng sambayanang Pilipino.

ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN! NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!


๐—–๐—ข๐—– ๐—ฆ๐—– ๐—”๐—ฅ๐—–๐—›๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฆ | PUP COLLEGE OF COMMUNICATION STUDENT COUNCIL SEVENTH EXECUTIVE BOARD MEETINGThe PUP College of Communi...
20/09/2026

๐—–๐—ข๐—– ๐—ฆ๐—– ๐—”๐—ฅ๐—–๐—›๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฆ | PUP COLLEGE OF COMMUNICATION STUDENT COUNCIL SEVENTH EXECUTIVE BOARD MEETING

The PUP College of Communication Student Council convened its seventh executive board meeting last August 11, Tuesday, with President Alvinson Aligam officiating over the session.

The following agenda points were formally deliberated:

I. Preliminaries
II. Political Situationer
III. Committee Updates
IV. First Day Fight Unification and Planning
V. COC 25th Founding Anniversary Unification
VI. Other Matters
VII. Adjournment

The session reviewed and evaluated the accomplished and pending projects and cases across all Council Committees. Discussions also focused on shaping plans for First Day Fight and aligning the ongoing progress and standing initiatives for COCโ€™s upcoming anniversary celebration.

Access the full and official Meeting Minutes:
https://bit.ly/COC-SC-MOM-EB-2526-07


NAGKAKAISANG PAHAYAG NG KOLEHIYO NG KOMUNIKASYON PARA SA LABAN SA KORAPSYON AT PANANAGUTAN SA EDUKASYON Mahigit isang ta...
17/09/2026

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG KOLEHIYO NG KOMUNIKASYON PARA SA LABAN SA KORAPSYON AT PANANAGUTAN SA EDUKASYON

Mahigit isang taon na ang lumipas noong unang pumutok ang isyu tungkol sa flood-control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan sangkot ang ilang mga politiko partikular na ang mga indibidwal na ginamit ang kanilang posisyon upang mangalap ng malaking pondo para sa kanilang pansariling interes. Mahigit isang taon na rin mula noong padalhan ng subpoena at sampahan ng mga gawa-gawang kaso ng estado ang ilan sa mga lider-estudyante na sina Jacob Baluyot na Associate Editor ng PUP The Catalyst at Tiffany Faith Brilliante na dating presidente ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral na dumalo sa malawakang Baha sa Luneta Rally noong Setyembre 21, 2025. Isang taon na ngunit wala pa ring napapanagot na mga prominenteng indibidwal mula sa malawakang korapsyon dulot ng rehimeng Marcos-Duterte. Wala pa ring napapanagot ngunit patuloy pa ring lumalala ang kahirapan na dinaranas ng sambayanang Pilipino.

Sa hanay ng mga Iskolar ng Bayan sa loob ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, patuloy pa rin nitong nararanasan ang kapaabayaan ng estado sa porma ng kakulangan sa budget. Para sa taong 2027, mayroon lamang ipagkakaloob na Php. 3.5B budget ang gobyerno mula sa Php. 15.7B proposed budget nito. Ang tapyas sa budget na ito ay may malaking epekto sa pangkabuuang kalagayan ng pamantasan higit lalo sa usapin ng mga kagamitan at espasyo.

Sa Kolehiyo ng Komunikasyon, hindi pa rin tapos ang itinatayong Mass Communication Building na dapat sasagot sa suliranin sa usaping espasyo. Sa kasalukuyan, mayroon lamang 13 na nagagamit na classroom sa loob ng kolehiyo na siyang pagkakasyahin para sa mahigit 3,000 nitong mga estudyante para sa panibagong taong panuruan.

Patuloy pa ring may banta sa malayang pamamahayag dahil hindi pa rin napapalaya ang community journalist na si Frenchie Mae Cumpio, hindi pa rin nababasura ang mga gawa-gawang kaso laban kay Jacob Baluyot, wala pa ring nakukuhang hustisya para kay RJ Ledesma mula sa Negros at marami pang iba. Higit lalo lamang nitong palalalain ang mahirap nang sitwasyon para sa mga kabataang alagad ng midya dahil sa impormasyon na mayroong partnership ang kasalukuyang presidente ng PUP na si Manuel Muhi sa isang research journal patungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC. Isang malaking banta ang partnership na ito sa kalagayan ng mga estudyante sa loob ng isang pamantasang may signipikanteng bilang ng mga progresibong indibidwal na patuloy na nakikiisa at lumalaban para sa basekong karapatan ng mamamayan.

Kasalukuyan pa ring kumakaharap ang bise presidente na si Sara Duterte sa impeachment hearings para sa mga kasong inihain sa kanya ng kampo ni Marcos Jr. Kasabay nito ay hindi pa rin napapanagot ang commander-in-chief ng korapsyon na si Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. sa kanyang mga kapabayaan sa bansa. Ganito ang kasalukuyang lagay ng bansa na pinamumunuan ng dalawang indibidwal na pinapanguna lamang ang kanilang pansariling kagustuhan. Malinaw na batayan ang mga ito para sa mga kabataang alagad ng midya na patuloy na maglathala ng mga kwento mula sa tunay na danas ng mga Pilipino kalakip ng pagtungo sa lansangan kasama ang malawak na hanay ng sambayanang Pilipino.

Mga kabataang alagad ng midya, tanganan nang mahigpit ang mga panulat, camera, mikropono at ihayag ang katotohanan! Manawagan para sa edukasyon at pananagutan!

COC COMMUNITY, WALKOUT NA!

ALAGAD NG MIDYA, WALKOUT NA! โœŠโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅIsang taon na ang nagdaan mula nang maisiwalat ang korapsyon ni Bongbong Marcos at ng ...
17/09/2026

ALAGAD NG MIDYA, WALKOUT NA! โœŠโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Isang taon na ang nagdaan mula nang maisiwalat ang korapsyon ni Bongbong Marcos at ng DPWH. Pero hanggang ngayon, wala pa ring ni isang nananagot. Sa 2027, lolobo pa ang pondo para sa korapsyon, pasismo, at pagyukod sa imperyalistang pandarambong sa National Budget, gayundin ang pagtutulak sa inisyatiba ng Pax Silica kasabwat ang US. Habang ang PUP, kakaharap sa P291.83 million na budget cut na tiyak na lalong magpapalala sa kalunos-lunos na kalagayan sa pamantasan.

At sa gitna ng lahat ng ito, itinutulak pa ang bogus na National Polytechnic University Bill bilang panakip-butas sa krisis na dulot ng mulat na pagdaramot sa sapat na badyet ni Bongbong Marcos sa PUP.

Sa Kolehiyo ng Komunikasyon, hindi pa rin tapos ang itinatayong Mass Communication Building na dapat sasagot sa suliranin sa usaping espasyo. Sa kasalukuyan, mayroon lamang 13 na nagagamit na classroom sa loob ng kolehiyo na siyang pagkakasyahin para sa mahigit 3,000 nitong mga estudyante para sa panibagong taong panuruan.

Patuloy pa ring may banta sa malayang pamamahayag dahil hindi pa rin napapalaya ang community journalist na si Frenchie Mae Cumpio, hindi pa rin nababasura ang mga gawa-gawang kaso laban kay Jacob Baluyot, wala pa ring nakukuhang hustisya para kay RJ Ledesma mula sa Negros at marami pang iba. Higit lalo lamang nitong palalalain ang mahirap nang sitwasyon para sa mga kabataang alagad ng midya dahil sa impormasyon na mayroong partnership ang kasalukuyang presidente ng PUP na si Manuel Muhi sa isang research journal patungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC. Isang malaking banta ang partnership na ito sa kalagayan ng mga estudyante sa loob ng isang pamantasang may signipikanteng bilang ng mga progresibong indibidwal na patuloy na nakikiisa at lumalaban para sa basekong karapatan ng mamamayan.

Mga kabataang alagad ng midya, tanganan nang mahigpit ang mga panulat, camera, mikropono at ihayag ang katotohanan! Manawagan para sa edukasyon at pananagutan!

COC COMMUNITY, WALKOUT NA!
WEAR BLACK!

09:00 AM | Mass Up at PUP College of Communication Building
10:00 AM | Local Colleges Noise Barrage

Sumali sa ating COC Coordinating Group Chat:
https://m.me/j/rPypJPa9EK3Te6nB/?send_source=gc:copy_invite_link_c


17/09/2026

PANOORIN | Nagbigay ng panawagan si Emmanuel San Andres, konsehal ng PUP COC Student Council, sa mga Iskolar ng Bayan na makiisa sa gaganaping PUP Walkout para singilin sina Marcos Jr. at Sara Duterte sa korapsyon, kapabayaan sa edukasyon, at imperyalistang pandarambong.

COC COMMUNITY, WALKOUT NA! โœŠ

9 AM | PUP COC Local Program
10 AM | PUP Main University Avenue

Sumali sa COC Coordinating GC:
https://m.me/j/rPypJPa9EK3Te6nB/?send_source=gc:copy_invite_link_c

LOOK: PUP COLLEGE OF COMMUNICATION DEAN JOSE REUBEN ALAGARAN II ENDORSED THE โ€œPUP SYSTEM-WIDE WALKOUT PARA SA EDUKASYON ...
17/09/2026

LOOK: PUP COLLEGE OF COMMUNICATION DEAN JOSE REUBEN ALAGARAN II ENDORSED THE โ€œPUP SYSTEM-WIDE WALKOUT PARA SA EDUKASYON AT PANANAGUTANโ€ SCHEDULED ON FRIDAY, SEPT. 18.

PUP College of Communication Dean Jose Reuben Q. Alagaran II has officially approved the endorsement request letter submitted by the PUP COC Student Council, standing alongside the Iskolars ng Bayan for the budget fight on the education sector and demand accountability. Signed on September 17, 2026, the Dean's approval supports student participation in the PUP Walkout Para sa Edukasyon at Pananagutan scheduled for Friday, September 18, 2026, and backs the request for faculty to adjust quizzes or major activities so students can join.

The COC SC letter sharply condemns the state's neglect of education alongside intensifying institutional repression. It exposes a crippling โ‚ฑ291.83 million budget cut under the FY 2027 NEP that has worsened campus resource shortages and delayed the Mass Communication Building for nearly a year. Furthermore, it criticizes the PUP Administration's partnership with the NTF-ELCAC, directly linking it to rising state repression, red-tagging, and the AFP-PNP subpoenas issued against student leaders Jacob Baluyot and Tiffany Faith Brillante following an anti-corruption rally.

In light of these pressing issues, the PUP COC Student Council encourages all Kabataang Alagad ng Midya to rise up, step out of their classrooms, and join the protest to demand budget allocation for education, resist state repression, and hold the Marcos Jr. administration accountable.

KABATAANG ALAGAD NG MIDYA, WALKOUT NA!

COC COMMUNITY, WALKOUT NA! โœŠ

https://m.me/j/rPypJPa9EK3Te6nB/?send_source=gc:copy_invite_link_c



Lived Names and Preferred Pronouns Recognition and Data Collection Form๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐˜€ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ:https://tinyurl.com/PUPCOC-...
14/09/2026

Lived Names and Preferred Pronouns Recognition and Data Collection Form

๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐˜€ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ:
https://tinyurl.com/PUPCOC-YECE26

In line with its commitment to advancing studentsโ€™ rights, welfare, dignity, and inclusivity across the PUP System, the Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP) together with the PUP Office of the Student Regent (PUP OSR) is spearheading the collection and verification of information from PUP graduating students who wish to have their lived names and preferred pronouns recognized during graduation and other recognition ceremonies.

Students who intend to use their lived names are encouraged to accomplish the form to ensure that their preferred names and other necessary information are properly recorded and communicated to the concerned Offices and Student Councils. All information collected through the form will be used solely for coordination, verification, and the proper implementation of lived name recognition during the graduation rites.
Students who fail to accomplish the online form may coordinate with their respective Student Councils for on-site data collection and verification during the graduation rehearsals.

SPOTLIGHT | ๐—ข๐—ข๐—ฃ๐—ฆ ๐—ข๐—ข๐—ข๐—ฃ๐—ฆ ๐—ข๐—ข๐—ฃ๐—ฆ! ๐—ฌ๐—ข๐—›๐—ข๐—ข, ๐——๐—œ๐—ง๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—ก๐—ก! ๐Ÿ‘€ ๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ก๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ผ ๐—ก๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป...
14/09/2026

SPOTLIGHT | ๐—ข๐—ข๐—ฃ๐—ฆ ๐—ข๐—ข๐—ข๐—ฃ๐—ฆ ๐—ข๐—ข๐—ฃ๐—ฆ! ๐—ฌ๐—ข๐—›๐—ข๐—ข, ๐——๐—œ๐—ง๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—ก๐—ก! ๐Ÿ‘€ ๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ก๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ผ ๐—ก๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป? ๐—”๐—˜๐—š๐—›๐—ฌ๐—ฌ๐—ฌ๐—ฌ๐—ฌ๐—ฌ!

Avisala! ๐Œ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ is now accepting auditionees! YAZZZ FINALLY! ๐Ÿคฉ

๐—”๐—จ๐——๐—œ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—˜๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ:

1. Must be a ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—ณ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—–๐—ข๐—–๐—ถ๐—ฎ๐—ป. OUS students are also welcome.
2. Open to those ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ผ๐—ฟ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต๐—ผ๐˜‚๐˜ prior dance experience.
3. The audition consists of ๐˜๐˜„๐—ผ (2) phases:
โ€ข๐—ฃ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฒ 1: Solo Piece Ex*****on
โ€ข๐—ฃ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฒ 2: Dance Class (๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜)
4. There will be two (2) in-person audition dates. You may audition on SEPTEMBER 18, 2026 (FRIDAY) or SEPTEMBER 19, 2026 (SATURDAY). Each audition date will have two (2) sessions: a Morning Session and an Afternoon Session. Please select only ONE (1) date and session that best fits your schedule and availability.
5. Willing to train 2-3 ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ ๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ (with or without performances).

๐—š๐—จ๐—œ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—›๐—”๐—ฆ๐—˜ ๐Ÿญ ๐—”๐—ก๐—— ๐Ÿฎ:

๐Ÿชฉโ‹†๏ฝกยฐโœฉ PHASE 1: Solo Piece Ex*****on
1. Prepare a 1-minute routine or solo piece in the style of your choice. Dance covers are allowed, but original choreography is highly encouraged.
2. Make sure your piece highlights your strengths in performance, technique, and musicality.
3. Ensure that your music is prepared and ready for playback (USB, phone, or other suitable medium).
4. You will be given two (2) markings and one (1) full-out to execute your Phase 1 audition piece.

๐Ÿชฉโ‹†๏ฝกยฐโœฉ PHASE 2: Dance Class
1. After Phase 1, the audition will proceed to a Dance Class at the COC Lobby.
2. A routine or choreography will be taught during this phase, and auditionees will be asked to perform the choreography after the learning period.
3. Bring extra clothes and water.
4. Give your best, stay confident, and enjoy the experience.
5. Most importantly, have fun!

You will be evaluated in both Phase 1 and Phase 2, and your overall score will determine if you pass.

๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ:
https://forms.gle/8MTD8RqdFjuWLUXSA
https://forms.gle/8MTD8RqdFjuWLUXSA
https://forms.gle/8MTD8RqdFjuWLUXSA

The dance floor is on, and we can't wait to witness your spirited performance!

See you, COCian!

Copy by Mary Vannah Ferriol
Layout by Mary Grace Gicaraya




๐—ข๐—ข๐—ฃ๐—ฆ ๐—ข๐—ข๐—ข๐—ฃ๐—ฆ ๐—ข๐—ข๐—ฃ๐—ฆ! ๐—ฌ๐—ข๐—›๐—ข๐—ข, ๐——๐—œ๐—ง๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—ก๐—ก! ๐Ÿ‘€ ๐—”๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ก๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ผ ๐—ก๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป? ๐—”๐—˜๐—š๐—›๐—ฌ๐—ฌ๐—ฌ๐—ฌ๐—ฌ๐—ฌ!

Avisala! ๐Œ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ is now accepting auditionees! YAZZZ FINALLY! ๐Ÿคฉ

๐—”๐—จ๐——๐—œ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—˜๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—ค๐—จ๐—œ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ:

1. Must be a ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—ณ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—–๐—ข๐—–๐—ถ๐—ฎ๐—ป. OUS students are also welcome.
2. Open to those ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ผ๐—ฟ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต๐—ผ๐˜‚๐˜ prior dance experience.
3. The audition consists of ๐˜๐˜„๐—ผ (2) phases:
โ€ข๐—ฃ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฒ 1: Solo Piece Ex*****on
โ€ข๐—ฃ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฒ 2: Dance Class (๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜)
4. There will be two (2) in-person audition dates. You may audition on SEPTEMBER 18, 2026 (FRIDAY) or SEPTEMBER 19, 2026 (SATURDAY). Each audition date will have two (2) sessions: a Morning Session and an Afternoon Session. Please select only ONE (1) date and session that best fits your schedule and availability.
5. Willing to train 2-3 ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ ๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ (with or without performances).

๐—š๐—จ๐—œ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—›๐—”๐—ฆ๐—˜ ๐Ÿญ ๐—”๐—ก๐—— ๐Ÿฎ:

๐Ÿชฉโ‹†๏ฝกยฐโœฉ PHASE 1: Solo Piece Ex*****on
1. Prepare a 1-minute routine or solo piece in the style of your choice. Dance covers are allowed, but original choreography is highly encouraged.
2. Make sure your piece highlights your strengths in performance, technique, and musicality.
3. Ensure that your music is prepared and ready for playback (USB, phone, or other suitable medium).
4. You will be given two (2) markings and one (1) full-out to execute your Phase 1 audition piece.

๐Ÿชฉโ‹†๏ฝกยฐโœฉ PHASE 2: Dance Class
1. After Phase 1, the audition will proceed to a Dance Class at the COC Lobby.
2. A routine or choreography will be taught during this phase, and auditionees will be asked to perform the choreography after the learning period.
3. Bring extra clothes and water.
4. Give your best, stay confident, and enjoy the experience.
5. Most importantly, have fun!

You will be evaluated in both Phase 1 and Phase 2, and your overall score will determine if you pass.

๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ:
https://forms.gle/8MTD8RqdFjuWLUXSA
https://forms.gle/8MTD8RqdFjuWLUXSA
https://forms.gle/8MTD8RqdFjuWLUXSA

The dance floor is on, and we can't wait to witness your spirited performance!

See you, COCian!

Copy by Mary Vannah Ferriol
Layout by Mary Grace Gicaraya




Address

1st Floor, PUP College Of Communication Bldg. , Anonas Street , Sta. Mesa
Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639951629512

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PUP College of Communication Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to PUP College of Communication Student Council:

Shortcuts

Share