Wattpad World Love

Wattpad World Love This Page is for all wattpadian's only

01/11/2019


Title:Dulot ng pag ibig
Author:Secretblack_princess
Genre:Tragedy

Ito na yung araw na pinaka hihintay ko dahil first anniversary namin ng pinakamamahal ko na si James kaya pinaghandaan ko talaga ito

habang papunta ako sa bahay niya nakaramadam ako nang kaba at takot na dapat sana saya ang nararamadaman ko ngayon

diko nalang ito pinansin at nagtulotuloy na sa paglalakad,

Ilang minuto pay nakarating narin ako,nang nasa pinto na ako ay mas dumoble pa ang kaba na aking nararamdaman

kinalma ko muna sarili ko bagoo nag kumatok ilang katok palang binuksan na nang kasambahay ang pinto tinanong ko Lang ito kung nasaan amo niya at sinabing nasa kwarto niya

kaya pumunta KO na ito sa kwarto niya

Nang NASA tapaat na ako ng kwarto niya binuksan KO ang pinto ng walang katok dahil susurprisahin ko siya pero mukahang ako yung Na surprise at pinagsisihan na nasana kumatok nalang ako bago pumasok

diko kinakaya ang sakit na nararamdaman kaya napaiyak nalang ako dahil sa dalawang taong nakahiga at wala ng saplot mas lumakas pa ang pag iyak ko at na bitawan ko ang dala ko at nag dulot ng ingay na nakapag pagising sa kanila kaya napatingin saakin si James Na shock

kaya tumakbo nalang ako palabas dahil sa diko nakinaya ang nakikita pero bago pa ako makalabas ng bahay nila ay tumigil ako at hinarap siya na ngayon nakasuot na siya ng pangibaba, bago ako nagsalita pinunasan ko muna ang luha pagkatapos ay nagsalita na ako

Happy first anniversary pala babe susurprisahin Sana kita eh kaso ako ata ang NASA supresaha haha sabi KO at tumawa ng pike pero

Salamat pala sa oras na binigay mo araw na masaya ako dahil kasama Kita Salamat dahil kahit papaano nakaramdam ako na may nagmamahal Pa rin saakin kahit Hindi ako maganda kahit sa Mata ng ibang Tao mukhang panget ako hehe yun Lang Sana alagaan Mo salamat break na tayo ILOVE YOU AND GOOD BYE huli kong sabi at tumakbo na palabas takbo lang ako nang takbo kahit tinawag niya ppangalan KO habang hinahabol ako

hangang tumilapon nalang ako bigla dahil sa pagkabangga pero bago pa pumikit ang aking mata ay nakita ko siyang umiiyak humingi ng tulong please wag mokong iwan pless mahal kita yan huli Kong narinig sa mga labi niya ma-hal di-n ki-ta huling sambit ko bago ako nawalan ng malay

End

22/10/2019

# ONESHOT STORY

(princess Dacer)

SCANDAL ni CRUSH
[warning: this story contains of 7,294 words. kaya medyo mahaba.]
"Napanood mo na 'yung scandal ni Enzo?" Nasamid ako habang umiinom ng softdrinks nang itanong 'yun ni Jasmine.
"Okay ka lang?" Tanong niya habang hinahagod ang likod ko.
"O-okay lang." Sabi ko habang umu-ubo.
"Pulang-pula ka. Inom ka, oh." Inabutan niya ako ng tubig na kaagad ko namang ininom.
"Okay na." Sabi ko at bahagyang ngumiti.
"Mabuti naman."
"Seryoso ka ba sa sinabi mo? M-may s-scandal si Enzo?"
"Hindi mo alam?"
Inirapan ko siya.
"Itatanong ko ba kung alam ko?"
"Bruha," kumagat siya ng burger, "oo, meron. Kahapon lang kumalat."
"Sigurado ka bang si Enzo 'yun?"
Lumunok siya bago nagsalita.
"Hindi pa naman malabo ang mata ko, kaya sigurado akong si papa Enzo mo 'yun."
"S-sex scandal ba?" Kinakabahan kong tanong.
Tumitig siya sa akin.
"Oo e."
Hindi ako naka-imik.
Bakit siya pa? Bakit 'yung crush ko pa?
Gusto kong ma-turn off at mandiri, pero hindi ko magawa.
Ikaw ba, anong mararamdaman mo kapag nalaman mong may scandal ang crush mo? Sikat na sikat pa naman siya sa campus dahil basketball player siya.
Sabi ng puso ko, 'wag muna maniwala. Dahil baka sabi-sabi lang 'yun.
Sabi naman ng utak ko, maniwala na. Dahil bestfriend ko na mismo ang nagsabi.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Naguguluhan ako. Nai-stress ang bangs ko, takte.
Tumingin ako kay Jasmine na tahimik na kumakain.
"Jas.."
"Hmm?"
I sighed.
"Napanood mo?"
"Oo, nakakakilig nga e." Napatakip siya ng bibig, senyales na mali ang nasabi niya.
Kumunot ang noo ko.
"Anong nakakakilig? Scandal, nakakakilig?"
"I m-mean, n-nakakadiri." Utal-utal niyang sagot.
"P-pwede ko bang m-mapanood?"
"Ha? Hindi p'wede!" Nagulat ako sa sigaw niya.
"Bakit naman?"
"B-basta!"
"Bakit nga?" Inis kong tanong.
"M-malaswa."
"Alam ko. At wala akong pake. Panood na."
"Hindi nga p'wede, Alice."
"Bigyan mo ako ng acceptable reason."
"Maliit ka pa. Bawal sa bata 'yun." Natatawa niyang sagot.
"Pakyu! Hindi por que, matangkad ka, ginaganyan mo na ako!"
"HAHAHA. Tara na nga."
Aangal pa sana ako pero inunahan niya ako.
"'Wag na makulit. Tara na sa school. Break time is over." Tumayo na siya at naglakad na palayo.
Padabog kong kinuha ang bag ko at nakangusong sumunod sa kanya.
"Jas, wait lang naman!" Ang bilis niya maglakad.
"Bilisan mo, pandak! Hahahaha."
Argh! Bwisit!
---
Kinabukasan, usap-usapan pa rin ang 'scandal' kuno ni Enzo.
Tsk. Kailangan bang pag-usapan lagi 'yun? Inggit ba sila? Edi gumawa rin sila. Psh.
Pagpasok ko sa room, nakita kong nagkukumpulan ang mga kaklase ko na para bang may pinapanood, 'andun din si Jasmine.
Ibinaba ko ang bag ko at lumapit sa kanila.
"Anong pinapanood niyo?" Lahat sila napalingon sa akin at parang nakakita ng multo.
"Itsura niyo? Para kayong nakakita ng multo." Hindi pa rin sila nagsasalita.
"Movie ba 'yan?"
Sumilip ako sa iPad na nakapatong sa armchair, pero agad 'yung pinatay ni Alex, kaya sinamaan ko siya nang tingin.
"Ilayo niyo si Alice. Hindi niya pa dapat mapanood 'yan." Bulong ni Jasmine, pero dahil malakas ang boses niya, nadinig ko.
Lumapit sa akin si Ella at si Danielle. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso ko at pilit inilalayo.
"Ano ba 'yan at ayaw niyong ipapanood sa akin?!"
"Scandal ni Enzo!"
Natigilan ako. Pati ba naman sila? Pinapanood 'yun?
"Bakit niyo pinapanood?"
"Gusto namin." Sabi ni Kenth, ang president namin.
"Bakit ako, gusto ko din, pero hindi niyo ipinapanood sa akin?"
"Bata ka pa kasi." Sabi naman ni Jay.
"Anong bata? Ka-edad niyo lang ako, uy!"
"'Yung height mo ang tinutukoy namin, pambata." Hirit naman ni Jasmine na ikinatawa nilang lahat. Bestfriend ko ba talaga 'to?
Sa inis ko, binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak nina Ella at Jason.
"Bwisit kayo!" Sigaw ko sa kanila pero lalo lang silang tumawa.
Inis akong umupo sa upuan ko.
"Pambata pala ha. Hindi ko kayo pahihiramin ng ballpen." Bulong ko at ngumuso.
---
"Mamse, 'andito na ako!" Sigaw ko nang makapasok ako sa pintuan ng bahay namin.
Lumapit sa akin si mamse.
"Nagmerienda ka na ba?"
"Hindi pa po. Busog pa po ako. May internet na po?"
"Oo."
"Sige po, aakyat na ako."
"Mabuti pa nga. Sige." Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko.
Agad akong nagbihis at binuksan ang cellphone ko.
Binuksan ko ang Facebook account ko at nagtungo sa timeline ni Enzo.
Papanoorin ko ang scandal niya. Actually, kahapon ko pa balak panoorin 'yun, kaya lang nawalan kami ng internet.
Scroll. Scroll. Scroll.
Nakita ko ang isang video na kakapost lang 2 days ago. Meron itong, 2.6k reactions, 2.3k comments at 2.4k shares.
"Eto na siguro 'yun." Sabi ko at pinindot ang play.
Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.
Pagka-play ko ng video, bumungad agad ang mukha ni Enzo.
Maayos ang buhok at nakangiti.
Nagtaka ako. Bakit ganito? 'Kala ko ba scandal? E bakit maayos ang damit niya at hindi nakahubad?
"Hi, Alice!" Sabi ni Enzo habang kumakaway sa camera.
S-sinong Alice? Ako ba ang tinutukoy niya?
"Ikaw nga, Alice Perez. The girl who caught my attention and my heart."
Natameme ako.
"Alam ko, naguguluhan ka. Akala mo siguro scandal nga 'to. Nah. Hindi ko kaya gumawa ng gano'ng video. Sinabi ko lang sa bestfriend mo na, sabihin sa'yo na may scandal ako."
"This video is for you. Crush mo ako 'di ba? Well, crush din kita."
Hindi ako makapaniwala. Totoo ba 'to?
"Tanda ko pa no'ng una kitang nakita. Sa library 'yun. May binabasa ka, at sobrang natawa at the same time na-cutan ako sa'yo. Paano kasi, kung ano-anong reaksyon mo. Nagpa-pout, umiiyak, tumatawa at kinikilig."
"Simula noon, lagi na kitang sinusundan at pinagmamasdan mula sa malayo. Crush na kasi kita nu'n." Namula siya, kinilig naman ako.
"Gusto kitang lapitan kaya lang pinapangunahan ako nang kaba. Tapos may nagsabi sa akin na, crush mo raw ako. Natuwa ako nu'n. Kasi 'yung crush ko, crush rin ako."
"Kaya kahit konti, nagkaroon ako nang lakas ng loob. At 'yun ay ang paggawa ng video. Itong video na ito."
"Kakantahan na muna kita. Makinig kang mabuti ha." Tumayo siya at kinuha ang gitara niya na nasa gilid.
"Alice, baby, this song is for you." After he said that, he winked.
Enebe. Nikikilig ako.
Nagsimula na siyang mag-strum.
"Work all day, work all night.
Might not get no sleep tonight
Baby can you stay up?
We could talk, we could dance
Don't matter the circumstance
We don't let it change us."
Ang ganda ng boses niya..
Sumulyap siya sa camera at ngumiti.
"That's the beautiful thing about us
'Fore all the diamonds and rings, we got trust
Roll with me, get it right, faded on a summer night
Let's see where it takes us."
"I got real big plans, baby, for you and me
So love me for who I am and for who I'm gonna be
Ain't got everything you want, but got everything you need
So take a chance, take a chance on me.."
Natapos na siya sa pagkanta.
"Nagustuhan mo ba? Hehe. Sana oo. P'wede ba tayong lumabas? Mag date? 'Intayin ko ang sagot mo ha. Puputulin ko na. Babye, Alice na maganda." Kumaway siya sa camera at pinatay na.
Woah, I'm speechless.
"Anak, may bisita ka."
"Mamse naman, nakakagulat ka."
"Hahahaha. Bumaba ka na. May bisita ka."
"S-sino po?"
"Enzo raw ang pangalan niya. Ang pogi nga e. Bagay kayo. Sumunod ka na ha."
Owemji! Naiihi ako sa sobrang kilig. Hihihi

Address

Manila

Telephone

+639550360470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wattpad World Love posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share