Manila North Cemetery Chapter Triskelion

Call Directions Website

Manila North Cemetery Chapter Triskelion TAU GAMMA PHI - MNCCC BATANG NORTE

Maligayang Kaarawan, Tol CHOK! 🎉 Nawa'y ipagpatuloy mo ang iyong pagiging huwaran at ang pagpapalawak ng iyong magandang...
28/09/2026

Maligayang Kaarawan, Tol CHOK! 🎉

Nawa'y ipagpatuloy mo ang iyong pagiging huwaran at ang pagpapalawak ng iyong magandang impluwensya, hindi lamang sa loob ng ating kapatiran kundi maging sa ating komunidad.

Dalangin namin na patuloy kang pagpalain ng Poong Maykapal, gabayan sa bawat desisyon at hakbang na iyong tatahakin, at ipagkaloob ang mga hangarin mo para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.

Hangad namin ang mabuting kalusugan, tagumpay, at mas marami pang biyayang darating sa iyong buhay.

T6: Manila North Cemetery Community Chapter
‎Batch Name: Foxtrat Diskarte NC
‎T-Birth: June 23, 2024
‎Alexis: CHOK

Muli, maligayang kaarawan sa'yo, Tol CHOK!
Mula sa iyong mga Kafratid Batang Norte Triskelion! 🫡🖐



🚨 TRAFFIC ADVISORY 🚨📌 PAALALA SA LAHATSa darating na Oktubre 4, 2026, magkakaroon ng pansamantalang abala sa daloy ng tr...
27/09/2026

🚨 TRAFFIC ADVISORY 🚨

📌 PAALALA SA LAHAT

Sa darating na Oktubre 4, 2026, magkakaroon ng pansamantalang abala sa daloy ng trapiko sa gilid ng Manila North Cemetery patungo sa Kartilya ng Katipunan, dulot ng isang nakatakdang aktibidad.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang maaaring maidulot nito sa ating mga motorista, residente, at mga dumaraan sa nasabing lugar.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at pakikiisa. Inaasahan namin ang inyong kooperasyon upang maging maayos at ligtas ang daloy ng mga sasakyan at mga tao.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. 🙏

🫡 Saludo po sa inyong lahat!





Maligayang kaarawan sa’yo Bro. YURI! 🫡🎉Taos pusong bumabati sayo ang iyong mga kafratid na Batang Norte Triskelion. 🖐 Bi...
25/09/2026

Maligayang kaarawan sa’yo Bro. YURI! 🫡🎉
Taos pusong bumabati sayo ang iyong mga kafratid na Batang Norte Triskelion. 🖐

Bilang isa sa mga haligi na nagtatag ng ating kapatiran, iyong mga naitatag at naiambag mo ang mga sumusunod na tagumpay:

✨ Verbena Orchids Community Chapter
✨ Buick Fairview Community Chapter
✨ Manila North Cemetery Community Chapter
✨ Hermosa Gagalangin Community Chapter
✨ Current GT – Corazon de Jesus Chapter
✨ MDG, University of Manila

Muli, mula sa buong Manila North Cemetery Community Chapter, kami ay bumabati sa’yo ng isang maligaya at makabuluhang kaarawan, tol Yuri! Nawa’y patuloy kang pagpalain ng kalusugan, kasiyahan, at higit pang tagumpay. 🎉💛



📍 Manila North Cemetery Update | September 22, 2026🚨 Paalala sa Lahat ng Bibisita sa Manila North CemeteryBilang bahagi ...
22/09/2026

📍 Manila North Cemetery Update | September 22, 2026
🚨 Paalala sa Lahat ng Bibisita sa Manila North Cemetery

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa loob ng Manila North Cemetery, ipinapaalala sa lahat ng papasok sa sementeryo na alisin ang helmet, facemask, balaclava, caps, hoodies at tinted visor kapag nasa loob ng premises.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Manila City Ordinance No. 9134, bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga panuntunang pangseguridad sa lungsod. Makikiisa ang bawat isa sa pagsunod upang mapanatili ang ligtas, maayos at mahinahong kapaligiran para sa lahat. 🇵🇭

Sumunod sa alituntunin. Makipagtulungan. Para sa ligtas na Manila North Cemetery. 🤍

Maligayang Kaarawan sayo Tol Ron! 🎉Maraming salamat sa iyong patuloy na pagiging huwaran sa ating kapatiran. Ang iyong d...
17/09/2026

Maligayang Kaarawan sayo Tol Ron! 🎉

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagiging huwaran sa ating kapatiran. Ang iyong dedikasyon, malasakit, at mga ambag sa ating samahan ay nagsisilbing inspirasyon sa marami. Nawa'y patuloy kang maging gabay at halimbawa ng tunay na diwa ng pagkakapatiran, pagkakaisa, at paglilingkod.

Dalangin namin na patuloy kang pagpalain at gabayan ng Poong Maykapal sa bawat hakbang ng iyong buhay. Nawa'y makamit mo ang lahat ng iyong mga mithiin at pangarap, para sa iyong sarili, sa iyong pamilya, at sa mas marami pang taong iyong matutulungan.

Muli, Maligayang Kaarawan sa iyo, Tol Ron! Nawa'y maging masaya, makabuluhan, at puno ng pagpapala ang panibagong taon ng iyong buhay.

T6: Manila North Cemetery Community Chapter
Batch Name: Foxtrat Diskarte NC
‎T-birt: June 23, 2024
‎Alexis: RON
Currently: Master Keeper of the Scroll - External

Mula sa iyong mga KaFratid ng Batang Norte Triskelion. 🖐️


🎉 MALIGAYANG KAARAWAN, TOL DAME! 🎉 Lubos na bumabati sa iyo ang iyong buong kapatiran sa espesyal na araw na ito. Marami...
17/09/2026

🎉 MALIGAYANG KAARAWAN, TOL DAME! 🎉

Lubos na bumabati sa iyo ang iyong buong kapatiran sa espesyal na araw na ito. Maraming salamat sa iyong pagiging isang haligi at mahalagang bahagi ng ating samahan. Ang iyong presensya, suporta, at ambag ay tunay na pinahahalagahan ng bawat kapatid.

Nawa’y palagi kang ingatan ng Maykapal, gabayan sa bawat iyong kilos at hakbang, at bigyan ng liwanag sa bawat landas na iyong tatahakin sa buhay.

T6: Manila North Cemetery Community Chapter
Batch name: Hotel Del Norte NC
‎Alexis: Dame
‎T-birth: Oct 10,2024

Muli, maligayang kaarawan, Tol Dame! 🥳🎂
Patuloy kang maging inspirasyon at mabuting halimbawa sa ating mga kapatid.



🎉 MALIGAYANG KAARAWAN, TOL WANGBU! 🎂🖐️ Nawa'y patuloy kang pagpalain at gabayan ng Poong Maykapal. Dinggin nawa Niya ang...
13/09/2026

🎉 MALIGAYANG KAARAWAN, TOL WANGBU! 🎂🖐️

Nawa'y patuloy kang pagpalain at gabayan ng Poong Maykapal. Dinggin nawa Niya ang lahat ng iyong mabubuting hangarin sa buhay at patuloy kang ingatan sa bawat hamon at pagsubok na iyong haharapin. Hangad namin na makamit mo ang lahat ng iyong mga pangarap at mithiin, hindi lamang para sa iyong sariling kaligayahan kundi lalo na para sa kapakanan ng iyong pamilya at ng nakararami.

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagiging mabuting kapatid at sa iyong ambag sa ating samahan. Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon at huwaran ng tunay na diwa ng pagkakapatiran at paglilingkod para sa komunidad.

T6: Manila North Cemetery Community Chapter
Batch Name: Golf Sakote NC
Alexis: Wangbu
T Birth: July 14,2024

Muli, Maligayang Kaarawan sa iyo, Tol Wangbu! 🎉



August 31, 2026 (Monday)Nasagawa muli ang Monthly Clean Up Drive, ang Manila North Cemetery Community Chapter.Para nadin...
03/09/2026

August 31, 2026 (Monday)

Nasagawa muli ang Monthly Clean Up Drive, ang Manila North Cemetery Community Chapter.

Para nadin sa pagpupugay sa araw ng ating naging bayani.

Isang malaking pagsaludo sainyo 🫡🖐



Celebration of 26th Anniversary of Manila City Council - August 29, 2026 (Saturday) Maraming Salamat sa mga ilang pitik ...
03/09/2026

Celebration of 26th Anniversary of Manila City Council - August 29, 2026 (Saturday)

Maraming Salamat sa mga ilang pitik din ng Manileñong Triskelion Multimedia Production at kami ay kasama ng Manila City Council.

Di man maganda ang panahon ngunit, Tuloy padin ang isang karangalan na kami naging bahagi ng Selebrasyon ng pagkakatatag.




🚨MISSING, MISSING, MISSING🚨Kami po ay NANAWAGAN sa kung sino man po ang nakakakilala sa batang ito o Makakakita sa batan...
01/09/2026

🚨MISSING, MISSING, MISSING🚨

Kami po ay NANAWAGAN sa kung sino man po ang nakakakilala sa batang ito o Makakakita sa batang ito. 🙏🙌

Siya po ay nawawala noong August 30,2026 sa loob po ng Sementeryo Manila North Cemetery. Ang pangalan nya po ay JOHN CARLO D. Siya po ay nakatira sa loob ng Manila North Cemetery. Sya po ay 9 yrs. Old, huling suot nya po ay naka kapote na itim na sando at sya po ay nakashort na itim din.

May nakapansin raw sa bata na nakasabit raw po sya sa jeep ng service ng isang pakilibing na patay noong August 30, 2026 (linggo) kasagsagan po ng dami ng libing po sa loob ng sementeryo. Sa bahagi po ng 2nd street. Kaya posible pong hindi sya agad nakababa ng sasakyan

Humihingi po kami ng tulong. Na ipagbigay alam po kung inyo man po itong makita ang bata. Sa awtoridad ng barangay 372 zone 37 po. O maari na lamang po kayo mag bigay ng mensahe agad dito sa aming page o komento. Para sa magulang na nagaantay kay JOHN CARLO D. Po, inyo po sanang mabigyan pansin ang aming panawagan. Maraming salamat po 🙏🙏



Address

Manila North Cemetery
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manila North Cemetery Chapter Triskelion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share