PUP Open University System Student Council

Directions Contact the university

PUP Open University System Student Council The PUP OUS SC serves as the highest student-government and the prime representative of the students in PUP Open University System.

PUP COMMUNITY, LET'S STOP THE CORRUPT BUDGET!Sa Oktubre 12, isasalang na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. ...
10/10/2026

PUP COMMUNITY, LET'S STOP THE CORRUPT BUDGET!

Sa Oktubre 12, isasalang na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10858 o ang General Appropriations Bill (GAB) para sa taong 2027 na pagbobotohan sa House of Representatives.

Habang nasa yugto na ang GAB sa huling botohan sa House of Representatives, nananatiling PHP 3.5-B ang ilalaan sa PUP, walang pagtaas mula sa mga nagdaang deliberasyon sa kamara at malayong-malayo sa PHP 15.7-B proposed budget ng pamantasan.

Dahil rito, ang buong komunidad ng PUP ay magtitiis na naman sa kakarampot na badyet. Malayong-malayo sa pangako ng gobyerno ni Marcos Jr. na bibigyang prayoridad ang edukasyon.

Dagdag pa rito, kitang-kita na habang walang pagtaas sa badyet ng pamantasan at nananatiling kakarampot ang ilalaan para sa edukasyon, malaki naman ang itinaas ng badyet para sa PNP, AFP, DPWH, NTF-ELCAC, at sa mga modus na proyekto ng gobyerno tulad ng flood control.

Malinaw ang mga batayan, labanan ang korap na badyet ni Marcos Jr.! Pondo sa edukasyon at serbisyo, hindi sa korapsyon at pasismo! Sumama sa pagkilos!

STOP THE CORRUPT BUDGET MOBILIZATION

📌 October 12 | 1:30PM

📌 House of Representatives South Gate

📌 WEAR BLACK!


ISKOURESIBO | PUP OUS SC OFFICIALLY PASSES FY. 2024–2025 FINANCIAL AUDITThe PUP Open University System Student Council (...
26/09/2026

ISKOURESIBO | PUP OUS SC OFFICIALLY PASSES FY. 2024–2025 FINANCIAL AUDIT

The PUP Open University System Student Council (PUP OUS SC) has officially passed the PUP Student Council – Commission on Audit (PUP SC-COA) financial audit for Fiscal Year 2024–2025, granting the Council full financial clearance after successfully complying with all audit requirements and addressing the Commission’s findings.

This clearance is the result of months of submission, review, revision, and validation throughout the auditing process.

First Submission — April 5, 2026 - Deadline: April 29, 2027

The Council’s initial submission was deemed invalid because of the Turnover of Assets Form (TOAF), a required document for auditing procedures, was not included. The auditing process formally commenced only after the Council submitted the missing TOAF on April 5, 2026.

Second Submission — May 2, 2026 - Deadline: June 3, 2026

Following the Commission’s review, the Council was instructed to address several deficiencies, including missing acknowledgment receipts, blurry receipt copies, and numerical lapses found in the financial statements.

Third Submission — August 23, 2026

The Council submitted the missing acknowledgment receipts that met the Commission’s standards and provided explanations for the identified numerical lapses, resulting in financial clearance. However, technical discrepancies remained, particularly improperly dated records. Upon the Commission’s request, the Council submitted the corrected financial statements on September 21, 2026, completing the remaining requirements for full financial clearance.

As we share this milestone with the IskOUlar community, we also acknowledge our accountability for the delay in completing and submitting the requirements of the audit. We recognize that transparency is not only about presenting compliant financial reports, but also about being honest about our shortcomings and the steps we took to correct them.

The PUP OUS SC remains committed to strengthening transparency, accountability, and responsible fiscal management in serving every IskOUlar ng Bayan. We will continue to uphold open governance and ensure that our financial processes remain accessible, compliant, and deserving of the trust of the student body.

23/09/2026

PAX SILICA: A vital discussion that deserves attention

What are the implications of PAX SILICA for IskOUlars and for our country?

Let us join the Teknelohistas ng Bayan, Erick James Regala and Aidan Jireh Orolfo, as they explore, question, and answer the pressing issues surrounding PAX SILICA.

Episode 02: WAIT! WHAT THE PAX — a thoughtful dive into IskOUnomic Talks 2026

Don’t miss out—listen, engage, and watch Episode 2 of the podcast with us.

IN PARTNERSHIP WITH
Bedan Advocacy & Consciousness Enhancement Society
PUP College of Business Administration Student Council
Philippine Dental Students’ Association - UP Chapter
Edge TV

IN COOPERATION WITH
San Beda Economic Society
Bachelor of Elementary and Secondary Teaching Society
Philippine Normal University Club for UNESCO

SPECIAL THANKS TO
Junior Philippine Institute of Accountants - University of the East-Caloocan
RTU Astronomy Society
UP Banahaw
PLV JUNIOR MARKETING ASSOCIATION
Study Corner Coworking Space



NEVER AGAIN. NEVER FORGET.Kahapon, Setyembre 21, nakiisa ang PUP Open University System Student Council sa malawakang pa...
22/09/2026

NEVER AGAIN. NEVER FORGET.

Kahapon, Setyembre 21, nakiisa ang PUP Open University System Student Council sa malawakang pagkilos mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng pagdedeklara ng Batas Militar at bilang panawagan ng pananagutan kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte.

Laksa-laksang Iskolar ng Bayan, kabataan, manggagawa, magsasaka, at iba pang sektor ng lipunan ang nagsama-sama upang igiit ang katotohanan, hustisya, at pananagutan. Sa bawat hakbang ng martsa, muling ipinapaalala na ang kasaysayan ng Batas Militar ay kasaysayan ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, panunupil, at karahasang dinanas ng mamamayan.

Hindi kailanman makakalimutan ng mga Iskolar ng Bayan ang madugo at mabangis na sinapit ng libu-libong Pilipino sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. Ang alaala ng mga biktima ay nananatiling paalala na hindi dapat maulit ang ganitong yugto ng ating kasaysayan.

Sa kasalukuyan, patuloy na ipinapahayag ng iba't ibang sektor ang kanilang mga hinaing at panawagan ng pananagutan kaugnay ng mga isyung kinakaharap ng bansa, kabilang ang korapsyon patungkol sa Ghost Floord Control Project na isang taon na ang lumipas ngunit wala pa ring malalaking tao sa likod nito ang napapanagot.

Patuloy na maninindigan ang mga Iskolar ng Bayan para sa katotohanan, hustisya, at pananagutan.

Never Again. Never Forget. Marcos hindi bayani.




ISKOUNOMIC TALKS 2026: EPISODE 02 HIGHLIGHTS!“Ang totoong mukha ng Pax Silica ay hindi data center. Ang totoong mukha ni...
17/09/2026

ISKOUNOMIC TALKS 2026: EPISODE 02 HIGHLIGHTS!

“Ang totoong mukha ng Pax Silica ay hindi data center. Ang totoong mukha nito ay siyang kinakalaban doon sa isa pang malaking bansa.”

Sa likod ng pangakong makabagong teknolohiya at industriyal na kaunlaran, may mga tanong na hindi maaaring isantabi: Sino ang tunay na makikinabang? Sino ang magsasakripisyo? At kanino ba talaga nagsisilbi ang pag-unlad?

Sa Episode 02 ng IskOUnomics Talks 2026, tinalakay natin ang Pax Silica—mula sa mga planong Al data center at malawakang paggamit ng lupain, hanggang sa napakalaking pangangailangan nito sa tubig at kuryente. Higit sa lahat, tinalakay kung paano maaaring tumagos ang mga proyektong ito sa kabuhayan ng mga magsasaka, produksiyong agrikultural, seguridad sa pagkain, at maging sa soberanya ng bansa.
Kung ang lupaing dapat sana'y nagbubunga ng pagkain ay gagamitin para sa mga industriyang kumokonsumo ng napakalaking yaman, maaari pa ba nating tawagin itong pag-unlad kung ang bayan mismo ang kapalit?

Bilang Iskolar ng Bayan, hindi sapat ang maging mahusay lamang sa paggamit ng teknolohiya. Higit na mahalaga ang kakayahang magsuri, magtanong, at kumilatis kung kanino nakatuon ang mga pagbabagong ipinapangako sa atin. Sapagkat ang mga proyektong ito ay hindi lamang usapin ng teknolohiya—nakaaapekto ang mga ito sa buhay ng mga komunidad at sa kinabukasang ating haharapin.

Panoorin ang EPISODE 02 at pakinggan sina Aidan Jaireh Orolfo at Erick James Regala sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa Pax Silica, teknolohiya, agrikultura, food security, at pambansang soberanya.
Makinig. Magtanong. Magsuri. Makialam.

IN PARTNERSHIP WITH
Bedan Advocacy & Consciousness Enhancement Society
PUP College of Business Administration Student Council
Philippine Dental Students’ Association - UP Chapter
Edge TV

IN COOPERATION WITH
San Beda Economic Society
Bachelor of Elementary and Secondary Teaching Society
Philippine Normal University Club for UNESCO

SPECIAL THANKS TO
Junior Philippine Institute of Accountants - University of the East-Caloocan
RTU Astronomy Society
UP Banahaw
PLV JUNIOR MARKETING ASSOCIATION
Study Corner Coworking Space



ISKOUNOMIC TALKS 2026: EPISODE 02 HIGHLIGHTS!“Kaya as a student, as a mamayang Pilipino, unang-unang kailangan natin gaw...
17/09/2026

ISKOUNOMIC TALKS 2026: EPISODE 02 HIGHLIGHTS!

“Kaya as a student, as a mamayang Pilipino, unang-unang kailangan natin gawin is tutulan talaga ang mga gantong uri ng proyekto kasi hindi naman talaga siya magbe-benefit sa atin eh. Kahit na ma-approve pa yan, hinding-hindi papayag na matuloy ‘yan kahit na ano pa ‘yung mangyari.”

Kasalukuyang napapanahon ang usapin sa Pax Silica, isang inisyatibang pang-ekonomiya na pinangungunahan ng United States na naglalayong palakasin at tiyakin ang katatagan ng mga supply chain para sa mga makabagong teknolohiya, kabilang ang semiconductor at imprastraktura para sa artificial intelligence (AI).

Pero ano nga ba ang tunay na mukha ng Pax Silica? Ano ang layunin nito at ano ang maaaring maging epekto nito?

Sa Episode 02: Wait, What Da PAX?! Kasama natin ang mga lider estudyante mula sa hanay ng mga Teknelohista ng Bayan na sina Erick James Regala at Aidan Jireh Orolfo upang palawakin ang ating kaalaman at talakayin ang mga usaping nakapaloob sa Pax Silica.

IN PARTNERSHIP WITH
Bedan Advocacy & Consciousness Enhancement Society
PUP College of Business Administration Student Council
Philippine Dental Students’ Association - UP Chapter
Edge TV

IN COOPERATION WITH
San Beda Economic Society
Bachelor of Elementary and Secondary Teaching Society
Philippine Normal University Club for UNESCO

SPECIAL THANKS TO
Junior Philippine Institute of Accountants - University of the East-Caloocan
RTU Astronomy Society
UP Banahaw
PLV JUNIOR MARKETING ASSOCIATION
Study Corner Coworking Space



PUP WALKOUT PARA SA SA EDUKASYON AT PANANAGUTAN!Isang taon na ang nagdaan mula nang maisiwalat ang korapsyon ni Bongbong...
17/09/2026

PUP WALKOUT PARA SA SA EDUKASYON AT PANANAGUTAN!

Isang taon na ang nagdaan mula nang maisiwalat ang korapsyon ni Bongbong Marcos at ng DPWH. Pero hanggang ngayon, wala pa ring ni isang nananagot. Sa 2027, lolobo pa ang pondo para sa korapsyon, pasismo, at pagyukod sa imperyalistang pandarambong sa National Budget, gayundin ang pagtutulak sa inisyatiba ng Pax Silica kasabwat ang US. Habang ang PUP, kakaharap sa P291.83 million na budget cut na tiyak na lalong magpapalala sa kalunos-lunos na kalagayan sa pamantasan.

At sa gitna ng lahat ng ito, itinutulak pa ang bogus na National Polytechnic University Bill bilang panakip-butas sa krisis na dulot ng mulat na pagdaramot sa sapat na badyet ni Bongbong Marcos sa PUP.

Habang nilulunod tayo sa ganitong samu’t saring krisis bilang mga Iskolar ng Bayan, panunupil ang sagot ng estado sa patuloy nating paglaban. Mag-iisang taon na rin mula nang sinampahan ng mga kasong sedition at inciting to sedition ang mga lider-estudyante ng PUP na sila Jacob Baluyot at Tiffany Brillante, at ngayon, nakikipagmabutihan kahit ang administrasyon ng PUP sa NTF-ELCAC.

Kaya wala na tayong ibang puwedeng asahan kundi ang sarili nating pagkilos! Iskolar ng Bayan, walang makakalimot sa korapsyon, kapabayaan sa edukasyon, at imperyalistang pandarambong!

SUMAMA SA PUP WALKOUT SA SEPTEMBER 18!
SAMA-SAMA NATING BAHAIN ANG LANSANGAN SA SEPTEMBER 21!

WEAR BLACK!

Sumali sa ating Coor GC: https://m.me/j/49RRncuTe4t_GpL8/?send_source=gc:copy_invite_link_c





PAX CHECK! IT'S CLOSER THAN YOU THINK: ANO BA ANG MAGIGING DULOT NITO SA PILIPINAS?Hindi masama ang maghangad ng kaunlar...
15/09/2026

PAX CHECK! IT'S CLOSER THAN YOU THINK: ANO BA ANG MAGIGING DULOT NITO SA PILIPINAS?

Hindi masama ang maghangad ng kaunlaran. Lahat tayo ay nangangarap ng mas magandang kinabukasan, mas maraming trabaho, at mas matatag na ekonomiya.

Pero sa bawat usapin ng 4,000-acre na AI hub sa New Clark City at ng bilyon-bilyong puhunan ng Pax Silica, hindi sapat na itanong kung gaano kabilis ang pag-abante. Ang higit na mahalagang tanong: Saan tayo papunta, at sino ang maaaring maiwan?

Sa lupang sinasabing magiging “gateway sa AI economy,” libo-libong magsasaka at residente ang nakatira. Sa proyektong pinapangakong ₱180 bilyong kita at 200,000 trabaho, sino nga ba ang tunay na makikinabang?

Kaya naman hindi kailanman dapat maging kapalit ng modernisasyon ang dislokasyon o ang unti-unting paglayo ng kaunlaran sa mamamayan. Dahil ang anumang kasunduan ay hindi lamang nasusukat sa kung ano ang ipinapangako sa papel o interes, kundi sa kung ano ang tunay na magiging epekto nito sa buhay ng bawat Pilipino:

Tutol tayo sa development kung ang kapalit nito ay lupa at kabuhayan ng komunidad.
Tutol tayo sa progreso kung ang magbubuhat nito ay dayuhang puhunan habang Pilipino ang maiipit sa taas ng kuryente at pagnipis ng lupa.
Tutol tayo sa kaunlarang mas mataas ang energy cost kaysa sa kinabukasan ng mamamayan.

Bago natin tawaging tagumpay ang isang pagbabago, tindigan natin ang prinsipyo: Progress for whom, and at what cost?

Dahil ang likas na yaman ay atin, hindi dapat i-suko, at lalong hindi dapat i-pagbili sa ngalan ng kaunlaran na hindi naman para sa lahat.

IN PARTNERSHIP WITH
Bedan Advocacy & Consciousness Enhancement Society
PUP College of Business Administration Student Council
Philippine Dental Students’ Association - UP Chapter
Edge TV

IN COOPERATION WITH:
San Beda Economic Society
Bachelor of Elementary and Secondary Teaching Society
Philippine Normal University Club for UNESCO

SPECIAL THANKS TO
Junior Philippine Institute of Accountants - University of the East-Caloocan
RTU Astronomy Society
UP Banahaw
PLV JUNIOR MARKETING ASSOCIATION
Study Corner Coworking Space



Lived Names and Preferred Pronouns Recognition and Data Collection FormIn line with its commitment to advancing students...
14/09/2026

Lived Names and Preferred Pronouns Recognition and Data Collection Form

In line with its commitment to advancing students’ rights, welfare, dignity, and inclusivity across the PUP System, the Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP) together with the PUP Office of the Student Regent (PUP OSR) is spearheading the collection and verification of information from PUP graduating students who wish to have their lived names and preferred pronouns recognized during graduation and other recognition ceremonies.

Students who intend to use their lived names are encouraged to accomplish the form to ensure that their preferred names and other necessary information are properly recorded and communicated to the concerned Offices and Student Councils. All information collected through the form will be used solely for coordination, verification, and the proper implementation of lived name recognition during the graduation rites.

Students who fail to accomplish the online form may coordinate with their respective Student Councils for on-site data collection and verification during the graduation rehearsals.

𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗼𝗿𝗺:
🔗OUS [tinyurl.com/OUS-YECE26]


Address

4/7 Ninoy Aquino Library And Learning Resources Center
Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PUP Open University System Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to PUP Open University System Student Council:

Share