09/06/2026
📣 Aksyon ang kailangan, hindi action star!
Kailan pa ba natin sisimulang humihingi ng mas mataas na pamantayan para sa ating mga lider? 🇵🇭
Batas, Hindi Butas presents...
"Raise the Bar-yo", an advocacy that believes every Filipino, lalo na ang mahihirap, kabataan, at manggagawa, ay karapat-dapat sa mga lider na tunay na kwalipikado, mentally fit, at malinis ang rekord.
Ang totoo, walang minimum na educational requirement para sa mga kandidato, walang mandatory psychological screening, at walang mahigpit na disqualification para sa mga may kasong kriminal. Dahil dito, halos walang dinadaanan ang isang tao bago maupo sa pwesto ng kapangyarihan. Idagdag pa rito na 79% ng mga senador, 90% ng mga kongresista, at 34% ng mga partylist representative ay galing sa mga political dynasty (GMA News, 2022), habang ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 34 out of 100 sa 2023 Corruption Perceptions Index ika-115 sa 180 bansa (Transparency International, 2024). Ito ang bunga ng sistemang mababa ang pamantayan, kung saan ang mga hindi handa o may bahid ng korapsyon ay nakakaupo pa rin, habang ang pasanin ay dinadala ng mahihirap, ordinaryong manggagawa, at mga estudyante.
Hindi lang dapat sikat na pangalan. Hindi lang mayaman o well-connected.
KWALIPIKADO. DEDIKADO. MAKABAYAN.
Oras na para itaas ang pamantayan.
Oras na para i-raise ang bar.
-yo