24/02/2025
๐ช๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐๐๐ฎ! ๐๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐!
Ngayong araw, ika-25 ng Pebrero, ay ang 39๐ฉ๐ ๐พ๐ค๐ข๐ข๐๐ข๐ค๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ค๐ ๐๐ฟ๐๐ผ ๐๐๐ค๐ฅ๐ก๐ ๐๐ค๐ฌ๐๐ง ๐๐๐ซ๐ค๐ก๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃโisang makasaysayang araw na sumisimbolo sa lakas ng pagkakaisa at kolektibong pagkilos ng sambayanang Pilipino upang labanan ang diktadura at itaguyod ang kalayaan. Ang pagdiriwang sa araw na ito ay siya ring tanda na ang demokrasya ay patuloy nating dapat pangalagaan at ipaglaban. Ito ay hindi isang ganap na tagumpay na makakamit sa isang iglap, kundi isang proseso ng walang sawang pagpupunyagi laban sa mga puwersang nais itong baluktutin at ilagay muli sa alanganin.
Hindi maitatanggi na hindi natapos sa ๐๐ฟ๐๐ผ ๐๐๐ซ๐ค๐ก๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ ang pananakot at pang-aapi sa mga progresibong mamamayan. Hanggang ngayon, marami sa kanila ang patuloy na pinipilit patahimikinโsa pamamagitan ng mga walang basehang kaso, ilegal na pagkakakulong, o mas malala pa, sa brutal na pagpaslang. Ang mga tinig ng mga nagsusulong ng karapatan at hustisya ay pilit na pinapahina, subalit sa kabila nito, hindi dapat tayo tumigil sa pakikibaka para sa kalayaan at demokrasya.
Sa araw na ito, alalahanin natin ang sakripisyo ng mga lumaban para sa ating demokrasya, at ituloy ang laban para sa katarungan at kalayaan ng lahat, lalo na ng mga progresibong aktibistang patuloy na isinisiil. Ang mga alaala ng EDSA ay nagbigay sa atin ng aral na ang tunay na pagbabago ay hindi makakamit sa isang laban lamang, kundi ito ay patuloy na laban na dapat nating dalhin hanggang sa mga susunod na henerasyon. Ang laban para sa demokrasya at karapatan ay hindi natatapos sa mga lansangan ng EDSA; ito'y nagpapatuloy sa bawat araw na tayo'y nakikibaka.
Patuloy tayong magbantay at kumilos upang hindi tuluyang manumbalik ang mga anyo ng diktadurya na minsan na nating pinabagsak.
๐จ: Angelo Siegfrid Padilla
๐๏ธ: Paul Andrew Fernandez