26/07/2026
๐ ๐๐ฅ๐๐ข๐ฆ ๐๐ฅ., ๐๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐ก๐ ๐ ๐ข ๐ก๐ ๐ง๐ข!
Unity Statement of CPSPA Student Formations for SONA 2026
Sa bawat taon ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr., paulit-ulit na ipinapangako ang pagbabago, kaunlaran, at isang โBagong Pilipinas.โ Ngunit para kanino ang pagbabagong ito? Para kanino ang kaunlaran? Habang abala ang Malacaรฑang sa pagbuo ng mga salaysay ng tagumpay, patuloy namang kinakaltasan ng mataas na presyo, mababang sahod, bulok na serbisyo publiko, korapsyon, at kawalan ng pananagutan ang buhay ng ordinaryong Pilipino.
Kaya sa ika-limang SONA ni Marcos, hindi papalakpak ang mga Lingkod-Bayan. Hindi kami narito upang makinig sa panibagong listahan ng pangako. Narito kami upang maningil.
Isang taon matapos hamunin ni Marcos ang mga sangkot sa anomalya sa flood control projects na โmahiya naman,โ hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang mga imbestigasyon at paghahanap ng pananagutan. Maging ang Pangulo mismo ay umaming โhindi pa taposโ ang kampanya laban sa korapsyon at habang mas malalim ang pagtingin sa mga anomalya, mas marami pa ang natutuklasan. Hindi sapat na ilantad ang anomalya. Hindi sapat na sabihin na nagsimula ito bago ang kasalukuyang administrasyon. Ang tunay na tanong: Sino ang mananagot? Saan napunta ang pera ng bayan? At kailan mararamdaman ng mamamayan na ang hustisya ay hindi lamang palabas sa panahon ng SONA.
Sa panahong ipinaglalaban ng mamamayan ang bawat pisong napupunta sa pagkain, pamasahe, kuryente, at edukasyon, nananatili ring may bilyun-bilyong pisong inilaan para sa confidential at intelligence funds. Para sa 2026, may kabuuang โฑ4.5 bilyong confidential at intelligence funds ang Opisina ng Pangulo. Sa isang bansang patuloy na humaharap sa kakulangan sa serbisyo publiko, karapat-dapat lamang itanong: bakit kailangang ng ganito kalaking lihim na pondong galing sa buwis ng mamamayan?
At habang nilalamon ng tunggalian ng mga makapangyarihang pamilya ang pambansang politika, lalong nagiging malinaw kung gaano kalayo ang interes ng naghaharing uri sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mamamayan. Ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na kasalukuyang nakasentro sa mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman, korapsyon, at iba pang mabibigat na usapin ay hindi dapat maging simpleng palabas ng bangayang Marcos at Duterte. Dapat nitong hamunin kung tunay bang umiiral ang pananagutan para sa lahat, anuman ang apelyido, posisyon, o kapangyarihan.
Bilang mga Lingkod-Bayan at Iskolar ng Bayan, ramdam natin ang kabiguang ito sa loob mismo ng pampublikong edukasyon. Hindi dapat ituring na tagumpay ang edukasyon kung patuloy na nakikipagbuno ang mga mag-aaral sa kakulangan ng pasilidad, kagamitan, g**o, at sapat na suporta. Naglaan ang pamahalaan ng โฑ17.27 bilyon para sa pagtatayo ng 4,960 silid-aralan ngayong 2026, ngunit ang mismong pangangailangang maglaan ng ganitong kalaking pondo upang tugunan ang kakulangan ay patunay na matagal nang hindi sapat ang sistematikong pagtugon sa krisis sa edukasyon.
Hindi ito nalalayo sa mas dikit na kalagayan ng ating pamantasan dahil ngayong 2026, โฑ3.62 bilyon lamang ang inaprubahang badyet para sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), mula sa โฑ12.7 bilyong panukalang badyet ng pamantasan. Napakalaking kakulangan nito para sa isang pamantasang patuloy na humaharap sa lumalaking pangangailangan ng mga estudyante at sa matagal nang problema sa mga pasilidad, kagamitan, silid-aralan, at iba pang serbisyong pang-akademiko. Habang patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga Iskolar ng Bayan, nananatiling kapos ang mga pasilidad at serbisyong dapat sana'y sumusuporta sa kanilang pag-aaral. Kita ito kung gaano karaming estudyante ang naghahangad na makapasok para sa libreng edukasyon sa PUP ngunit hindi natutuloy dahil sa kakulangan ng budyet na mabibigyan oportunidad sa kanila na makapasok sa loob ng PUP.
Sa kabilang banda, hindi rin sapat ang pag-angkin sa soberanya habang ang mga kasunduang pang-ekonomiya at panseguridad ay patuloy na inilalatag sa paraang kailangang bantayan ng sambayanan ang tunay na kapalit nito. Sa paglahok ng Pilipinas sa Pax Silica at sa mga planong economic security zone, dapat malinaw: ang pambansang interes, soberanya, kapakanan ng mga komunidad, at proteksyon sa kapaligiran ay hindi maaaring isantabi kapalit ng pangakong pamumuhunan at geopolitikal na pagkakahanay.
Sawa na kami sa pagtrato sa mamamayan bilang tagapakinig lamang, na para bang sapat nang makinig kami sa mga pangako tuwing SONA at pagkatapos ay bumalik sa parehong gutom, taas-presyo, kakulangan ng sahod, at kawalan ng hustisya.
Bilang Lingkod-Bayan, ang aming paninindigan ay malinaw: ang pamahalaan ay dapat magsilbi, hindi maghari. Ang pondo ng bayan ay dapat mapunta sa bayan. At ang demokrasya ay dapat maramdaman hindi lamang tuwing halalan, kundi sa bawat araw na ang mamamayan ay may boses, may karapatan, at may kakayahang maningil sa mga nasa kapangyarihan.
Mula sa mga Lingkod-Bayan ng CPSPA: ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐, ๐ฆ๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐น๐ถ๐ป. ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ, ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐๐๐ถ๐ป!
SONA ng Bayan 2026
๐๏ธ July 27, 2026
๐ด 8:30 AM โ Study Circle @ Quezon Hall, UP Diliman
๐ด 9:30 AM โ Assembly @ Quezon Hall, UP Diliman
๐ด 10:00 AM โ Program Proper
๐ด 11:00 AM โ March to Wilcon, Commonwealth
๐ด 12:00 NN-2:00 PM โ Start of Wilcon Program
๐ด 2:00 PM โ BAYAN Program
๐ด 3:00 PM โ SONA ng Sambayanan 2026 @ New Capitol (Ever)