22/09/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ก ๐ง๐ข ๐ ๐๐ฅ๐ง๐๐๐ ๐๐๐ช
Iyan ang isa sa mga panawagang umalingangaw sa mga kalsada ng Polytechnic University of the Philippines, Kartilya ni Bonifacio, Liwasang Bonifacio, at Mendiola, kahapon, Setyembre 21.
Upang gunitain ang ika limampuโt apat na anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar sa ilalim ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo kasama ang mga Iskolar ng Bayan sa ibaโt ibang panig ng Maynila.
Sigaw nila ang pagbasura sa Pax Silica, panagutin ang lahat ng sangkot sa malawakang kurapsyon ng pamahalaang Marcos Jr., panagutin si Sara Duterte, at hustisya para sa lahat ng naging biktima ng madugong diktadurya ng pamilyang Marcos.
Kinondena rin ng mga dumalo ang pagbaligtad ng Supreme Court sa desisyon ng Sandiganbayan kaugnay ng seven counts of graft ni Imelda Marcos.
Hindi rin pinalampas ng mga grupo ang pagkuwestiyon sa dami ng bilang ng mga pulis na nakabantay sa programa. Tanong nila, bakit hindi ang mga may warrant of arrest na sina Bato Dela Rosa, Zaldy Co, at iba pa ang pagtuunan ng pansin ng higit 17,000 na kapulisan kahapon.
Tagumpay na nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagpapailaw ng mga flashlight ng kanilang cellphone ng mga dumalo at paalalang patuloy na singilin at panagutin ang mga dapat managot sa taumbayan.
Sulat ni Rolan Muyot
Mga Kuha ni Matt Allen Niones