BA Social Sciences - Area Studies Program, UP Manila

Directions Website

BA Social Sciences - Area Studies Program, UP Manila The official page of UP Manila's BA Social Sciences (Area Studies) Program

Pagbati kay Prof. Mary Dorothy dL. Jose, PhD., bilang Resource Speaker sa paksang "Bawat Isa, Mahalaga: Fostering Gender...
24/09/2026

Pagbati kay Prof. Mary Dorothy dL. Jose, PhD., bilang Resource Speaker sa paksang "Bawat Isa, Mahalaga: Fostering Gender Sensitivity in the Workplace," sa ginanap na UP Manila Non-Teaching Personnel Summit 2026: Shaping the Future Together.

Ibinahagi ni Prof. Dr. Jose ang kaniyang panayam sa Philippine International Convention Center, Summit Hall 4 noong ika-24 ng Setyembre 2026. Mabuhay ka, Prof. Dr. Jose! 🎉

Limampu't apat na taon na ang nakalilipas, idineklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ang Batas Militar sa Pilipina...
21/09/2026

Limampu't apat na taon na ang nakalilipas, idineklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1081, na naghudyat sa isang yugto na malawakang ginugunita ng mga Pilipino bilang isa sa pinakamadilim na kabanata sa kasaysayan ng bansa.

Sa pag-alala sa kasaysayang ito, patuloy na binibigyang-pugay ng Unibersidad ng Pilipinas ang mga tumindig at nanguna sa paglaban at nagtaguyod ng mga prinsipyo ng kalayaan, demokrasya, at karapatang pantao.

Kinikilala ng UP Day of Remembrance, na unang ginunita noong 2018, ang makasaysayang papel ng Unibersidad sa pagtataguyod ng kalayaang akademiko at bilang sulo ng pag-asa at tagapagtanggol ng karapatang pantao noong panahong iyon. Pinararangalan nito ang mga sakripisyo at walang-kupas na pamana ng mga bayani ng UP—ang mga nabubuhay at ang mga pumanaw na—at layuning tiyakin na ang kanilang mga kuwento at ambag ay hindi malilimutan at maipapasa sa mga susunod na henerasyon ng mga Iskolar ng Bayan at ng kapwa nating mga Pilipino.

Ang disiplina ng Area Studies ay nagtuturo sa atin na suriin ang lipunan nang may kritikal na mata—na baklasin ang mga naratibo ng mga nasa kapangyarihan at pakinggan ang mga boses ng mga nasa laylayan na pinatahimik ng kasaysayan. Tungkulin nating ilantad ang katotohanan laban sa makinarya ng historical negation at pagbaluktot sa ating nakaraan.

Mariing naninindigan ang Programang BA Social Sciences (Area Studies) na ang kasaysayan ay hindi lamang binabalikan, kundi ipinagtatanggol din. Patuloy tayong magsusuri, magmumulat, at maglilingkod sa sambayanan upang matiyak na hindi na muling mangyari ang mga kawalang-katarungan sa nakaraan.

Never Again! Never Forget!

Tuloy ang laban para sa katotohanan, kasaysayan, at hustisya!


21/09/2026

Limampu’t apat na taon na ang nakalipas nang ideklara ang Batas Militar sa buong Pilipinas sa bisa ng Proclamation No. 1081. Ngayong araw, na itinalaga rin bilang University of the Philippines Day of Remembrance, inaalala at pinagpupugayan natin ang mga biktima, ang mga tumindig, at ang mga nakipaglaban noong panahon ng sigwa. Sila ay nagmimistulang sagisag ng pagsusulong ng kalayaan, karapatang pantao, at demokrasya.

Kaisa ang Unibersidad sa maigting na panawagan para sa malinis na pamamahala, abot-kamay na serbisyo publiko, makatwirang sahod at benepisyo, at mas mataas na suporta sa agham at pananaliksik para sa kapakanan ng bayan.

Sa pag-alala sa nakaraan, patuloy nating isulong ang pananagutan, integridad, at hustisyang panlipunan.

Never again. Never forget. Bayan ko, hindi pa tapos ang laban mo.

Pagbati kay Prof. Mary Dorothy dL. Jose, PhD., bilang Resource Speaker na may paksa na "Gender Sensitivity Orientation f...
19/09/2026

Pagbati kay Prof. Mary Dorothy dL. Jose, PhD., bilang Resource Speaker na may paksa na "Gender Sensitivity Orientation for UP Manila-PGH Security Personnel," na pinangunahan ng Commander Security Services, Inc.

Ibinahagi ni Prof. Dr. Jose ang kaniyang panayam sa PGH Guazon Hall noong ika-19 ng Setyembre 2026. Mabuhay ka, Prof. Dr. Jose!🎉

Pagbati kay Prof. Arnulfo N. Esguerra, M.A., sa pagiging Resource Speaker at Workshop Facilitator sa katatapos lamang na...
19/09/2026

Pagbati kay Prof. Arnulfo N. Esguerra, M.A., sa pagiging Resource Speaker at Workshop Facilitator sa katatapos lamang na Popularizing Arts: Workshop Event na pinangasiwaan ng Office of the Associate Dean for Research and Public Service ng College of Arts and Sciences, University of the Philippines Manila, noong ika-17 ng Setyembre 2026.

Ibinahagi ni Prof. Esguerra ang paksang "Chinese Visual Arts" at pinangunahan din niya ang workshop tungkol dito.

📸 Office of the Associate Dean for Research and Public Service, CAS, UP Manila c/o Associate Dean Dindo Cafe.

Pagbati kay Assoc. Prof. Bernard Leo M. Karganilla sa kaniyang susing lektura na—"Korea's Independence Movement in a Glo...
11/09/2026

Pagbati kay Assoc. Prof. Bernard Leo M. Karganilla sa kaniyang susing lektura na—"Korea's Independence Movement in a Global Context."

Ibinahagi niya ang kaniyang lektura sa Academic Conference Honoring Kim Jun-yop and Celebrating the 80th Anniversary of Korea University's College of Liberal Arts noong ika-8 ng Setyembre 2026! 🎉

Pagbati kay Asst. Prof. Atoy M. Navarro sa kaniyang pagiging Resource Speaker at Foreign Surveyor sa katatapos lamang na...
10/09/2026

Pagbati kay Asst. Prof. Atoy M. Navarro sa kaniyang pagiging Resource Speaker at Foreign Surveyor sa katatapos lamang na "International Course on Surveying and Evaluating Ethical Review Practices."

Tinalakay ni Asst. Prof. Navarro ang paksang "Updates on International Ethical Guidelines for Evaluating Ethical Review Practices of Research Ethics Committees." Ginanap ang prestihiyosong pagsasanay na ito sa Boromarajonani College of Nursing, Bangkok, Thailand, noong Setyembre 7-10, 2026.🎉

Pagbati kay Prof. Alvin D. Campomanes sa kaniyang pagbabahagi ng paksang "Lune y Hidalgo: Art, Empire, & Nation."Ibinaha...
09/09/2026

Pagbati kay Prof. Alvin D. Campomanes sa kaniyang pagbabahagi ng paksang "Lune y Hidalgo: Art, Empire, & Nation."

Ibinahagi ni Prof. Campomanes ang kaniyang lektura bilang panauhing tagapagsalita sa TELUS Digital University Series na ginanap sa TELUS Digital Philippines (TDP), McKinley Exchange Corporate Center, Makati City noong ika-9 ng Setyembre 2026.🎉

Pagbati kay Assoc. Prof. Emmanuel Jeric A. Albela, PhD. para sa kaniyang panayam, mula sa tema ng Seremonya ng Pagtataas...
08/09/2026

Pagbati kay Assoc. Prof. Emmanuel Jeric A. Albela, PhD. para sa kaniyang panayam, mula sa tema ng Seremonya ng Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas—“Kasaysayan: Salamin ng Lipunang Pilipino."

Pinangunahan ng Departamento ng Agham Panlipunan ng Kolehiyo ng Agham at Sining, Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila ang nasabing seremonya. Ito ay ginanap sa UP Manila Theater noong ika-7 ng Setyembre 2026. 🎉

Pagbati kay Prof. Alvin Campomanes sa kaniyang pagbabahagi ng paksang "Mga Tala't Pagninilay sa mga Ugnayan ng Kasaysaya...
03/09/2026

Pagbati kay Prof. Alvin Campomanes sa kaniyang pagbabahagi ng paksang "Mga Tala't Pagninilay sa mga Ugnayan ng Kasaysayan, Wika, at AI."

Ibinahagi ni Prof. Campomanes ang kaniyang panayam bilang panauhing tagapagsalita sa La Salle Greenhills, Mandaluyong City, noong ika-28 ng Agosto 2026. 🎉

Address

Padre Faura Street, Ermita
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BA Social Sciences - Area Studies Program, UP Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share