20/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Noong Mayo 5, 2026, ang ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐จ๐ง ๐๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ (PASAdU), katuwang ang ๐๐ซ๐๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐ค๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ, ๐๐ฑ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐, ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐จ๐ ๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐จ๐ง ๐๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ (GSET-AdU), ay nagbigay-pugay sa ating mga housekeeping staff, mga tahimik ngunit tapat na lingkod na araw-araw ay nagbibigay ng malasakit upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at kaginhawaan sa ating pamantasan.
Sa umaga, isinagawa ang isang feeding program kung saan naghandog tayo ng mainit na lugaw bilang simpleng tanda ng pasasalamat at pagkalinga. Sa hapon naman ay nagdaos ng isang makabuluhang recollection na pinangunahan ni ๐
๐ซ. ๐๐จ๐ฐ๐๐ง ๐. ๐๐๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ, ๐๐, ๐๐๐, na nagbigay ng inspirasyon, pagninilay, at espiritwal na pag-alala sa kahalagahan ng paglilingkod na may puso at pananampalataya.
Sa bawat ngiti, yakap, at sandaling pagbabahagi, higit nating naranasan ang diwa ng BAYANIโna ang kabayanihan ay hindi lamang nasa malalaking tagumpay, kundi sa tahimik na paglilingkod, tunay na malasakit, at pusong handang magbigay para sa kapwa.
Sa programang ito, ipinaalala sa atin na ang bawat lingkod ay mahalaga, kinikilala, at may puwang sa ating pasasalamat at paggalang. Katulad ng aral ni San Vicente de Paul, ang tunay na paglilingkod ay nakikita sa pagkilala sa dignidad ng bawat tao at sa malasakit sa kapwa, lalo na sa mga naglilingkod nang tahimik ngunit tapat.
"๐๐ญ ๐ข๐ฌ ๐ง๐จ๐ญ ๐๐ง๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐ญ๐จ ๐๐จ ๐ ๐จ๐จ๐. ๐๐ญ ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐๐ ๐๐จ๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐ฅ." - ๐๐ญ. ๐๐ข๐ง๐๐๐ง๐ญ ๐๐ ๐๐๐ฎ๐ฅ
Isinulat nila: Benedict Tabobo at Grezibelle Jordan
Isinaayos ni: Charina Ellamil
Kuha nila: Kurt Banzon, RianneBen Banzuela, Grezibelle Jordan at Vincent Balbuena