๐—•๐—™๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ - ๐™๐™š๐™‹๐™Š๐™๐™จ๐™–๐™™๐™ค

  • Home
  • Philippines
  • Manila
  • ๐—•๐—™๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ - ๐™๐™š๐™‹๐™Š๐™๐™จ๐™–๐™™๐™ค

๐—•๐—™๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ - ๐™๐™š๐™‹๐™Š๐™๐™จ๐™–๐™™๐™ค Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ๐—•๐—™๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ - ๐™๐™š๐™‹๐™Š๐™๐™จ๐™–๐™™๐™ค, College & University, Philippine Normal University, Manila.

Ang opisyal na page ng mga mag-aaral mula sa Batsilyer sa Edukasyong Pangwika sa Filipino III-4 (BFE III-4) ng Pamantasang Normal ng Pilipinas- Maynila.

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—ข๐—— ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—ž๐—”-๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚                                   Sa mga kasapi ng  ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ...
31/10/2025

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—ข๐—— ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—ž๐—”-๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚

Sa mga kasapi ng ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ na ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan ngayong mga buwan ng Setyembre at Oktubre, kami ay taos-pusong bumabati sa inyo!

Nawa'y maging mas makulay at mas makabuluhan ang bagong simula sa inyong buhay. Sa patuloy ninyong pag-unlad at pagtupad sa mga mithiin, maging gabay sana ninyo ang liwanag ng pag-asa gaya ng sulo ni Inang Pamantasan na patuloy na nagbibigay liwanag, aral, at inspirasyon sa bawat hakbang ng ating paglalakbay.

Kasama ng buong ๐—•๐—™๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ, kami ay saksi sa inyong pag-unlad at taos-pusong nakikiisa sa inyong pagdiriwang. Muli, maligayang kaarawan sa inyong lahat!

Mabuhay ang mga pusong matatag at patuloy na lumalaban mula sa ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ! โœจ๐Ÿฅณ


๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก ๐—”๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š-๐—”๐—ž๐—”๐——๐—˜๐— ๐—œ๐—ž๐—ข ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—ง๐—ขSa...
31/10/2025

๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก ๐—”๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š-๐—”๐—ž๐—”๐——๐—˜๐— ๐—œ๐—ž๐—ข ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—ง๐—ข
Sa patuloy na paghubog sa mga g**o ng wika at panitikan, mahalagang marinig at maunawaan ang karanasan ng mga mag-aaral at g**oโ€”ang kanilang mga tagumpay, hamon, at pananaw hinggil sa kalidad ng pagkatuto.
Noong Agosto 22 at Setyembre 17, 2025, isinagawa ang Focused Group Discussions (FGD) kasama ang ilang mga kinatawang mag-aaral ng Faculty of Languages and Literature (FLL) mula sa BSED English, BSED Filipino, BEE, at BFE, kasama rin ang mga Program-Based Organization (PBO) na KADIPAN at TEC. Layunin nitong mailarawan ang mga karanasan sa gawaing pang-akademiko at matukoy ang mga paraan upang mapaunlad ang sistema ng pagtuturo, pagtatasa, at pangangalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Mula sa talakayang ito ay binuo ang Framework of Demands, na sumasaklaw sa mga tema ng bigat ng gawain, balanseng academic load, konsiderasyon sa kalagayang pinansyal, at mas maayos na paggamit ng mga pasilidad sa pamantasan. Isa itong panawagan para sa patuloy na pagrepaso at pagpapaunlad ng mga umiiral na sistema sa loob ng FLL, tungo sa mas makatao, makatarungan, at makabuluhang edukasyon.
Sa diwa ng pagkakaisa at malasakit, nananawagan ang mga mag-aaral ng FLL sa pamantasan at mga g**o na manatiling bukas sa diyalogo at makinig sa tinig ng mga mag-aaral. Ang paghubog sa mga g**o ng wika at panitikan ay paglinang din sa mga g**ong may kamalayan, may malasakit, at naninindigang ang wika at panitikan ay mapagpalaya, sagisag ng edukasyong makatao at makatarungan.

๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—ข, ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข'๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก! ๐Ÿ‘จโ€๐ŸซAng ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ ay buong-puso at tapang na pinag...
05/10/2025

๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—ข, ๐—”๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข'๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก! ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ

Ang ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ ay buong-puso at tapang na pinagpupugayan ngayong araw ang mga g**ong nagsilbing tanglaw sa landasin ng pagkatuto ng bawat mag-aaral.

At sa mas lalo pang pagtindig upang makamtan ang para sa ati'y nararapat, patuloy tayong lalaban sa loob at labas man ng silid-aralan upang ang pag-asa ay mananatili para sa mga pag-asa ng bayan!

Maligayang Pandaigdigang Araw ng mga G**o! ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซโœจ

**o


๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐—™๐—˜ ๐—œ๐—ฉ-4 ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜†๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ...
24/09/2025

๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐—™๐—˜ ๐—œ๐—ฉ-4 ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜†๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ก๐—จ

Mariing kinukondena ng BFE IV-4 Liping RePORsado ang ilegal na pagdakip ng kapulisan sa mahigit isang daang indibiduwal, kabilang ang isang mag-aaral mula sa Pamantasang Normal ng Pilipinas โ€“ Maynila (PNU), noong ika-21 ng Setyembre sa Ayala, San Marcelino Street.

Ang mga kilos-protesta sa Luneta at Mendiola noong nakaraang Linggo ay malinaw na pagpapakita ng demokratikong karapatan ng mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin sa tumitinding mga isyu ng korapsyon sa bansa. Ngunit sa halip na igalang at bigyang-proteksiyon, sinagot ito ng marahas na pananakit at arbitraryong pag-aresto ng kapulisan sa ibaโ€™t ibang hanay ng mga kilusan at mobilisasyon nang araw na iyon.

Ang walang-batayang pagdakip sa isang PNUan ay isang malinaw na manipestasyon ng mapang-abusong paggamit ng kapangyarihan ng kapulisan upang kontrolin ang mga mamamayan. Ang karaniwang mamamayang nagsusumikap nang marangal at walang kalaban-laban ay madaling ipinapailalim sa dahas at panunupil, nang hindi man lamang naririnig ang kanilang panig. Ang hindi pagbibigay ng pagkakataon na marinig ang tinig ng isang mag-aaral na naglalakad lamang sa Ayala Blvd. na nagnanais pumunta sa Divisoria upang mamili para sa kaniyang paninda ay nagbunga ng hindi kanais-nais na karanasan at nagsilbing patunay sa maling pamamalakad ng mga nasa kapangyarihan sa ating bansa.

Hindi ito isang simpleng insidente lamang. Isa itong salamin ng mas malalim na krisis ng ating lipunan. Ang militarisasyon ng mga pampublikong espasyo, kung saan ang mga lansangan na dapat bukas sa malayang talakayan ay ginagawang lugar ng panunupil. Ang pagbalewala sa kapangyarihan ng mamamayan bilang haligi sana ng demokrasya. At ang pagpapalakas sa interes lamang iilan at mga tiwali habang patuloy na ibinabaon sa kahirapan ang masang Pilipino.

Hanggang kailan tayo mananatiling bulag at bingi sa mga lantad at garapalang pang-aabuso ng ilang kasapi ng kapulisan at tiwaling opisyal ng pamahalaan? Kung walang magbubunyag, titindig, at lalaban, patuloy lamang na mamamayagpag ang sistemang nagpapayaman sa iilan habang ibinabaon sa kahirapan ang nakararami.

Hindi kailanman magiging tama ang pananahimik sa harap ng pagsikil sa karapatan ng mamamayan. Ang ganitong uri ng panunupil at panlilinlang ay dapat buwagin, hindi sa marahas na paraan, kundi sa matatag na pagtindig at sama-samang pagbibigay-boses para sa katarungan at bayan.

Sa ngalan ng katarungan at tunay na pag-iral ng karapatang pantao, nananawagan ang BFE IV-4 Liping RePORsado sa agarang pagpapalaya ng aming kapuwa PNUan na walang kasalanan ngunit marahas na dinakip at inaresto, gayundin sa iba pang naging sangkot sa mapanlinlang na taktikang ito upang ilihis ang tunay na suliranin kinahaharap ng bansa sa ngayon. Ang aming pangkat ay naninindigan na ang ganitong mga porma ng kawalang-katarungan ay hindi dapat ipagsawalang-bahala. Itigil na ang kultura ng pananakot at red-tagging na sistematikong ginagamit laban sa hanay ng estudyante, g**o, manggagawa, at iba pang sektor na nagsusulong ng kanilang mga karapatan.
Manatili tayong mapagmatyag. Tumindig laban sa panunupil. Palakasin ang ating boses laban sa panlilinlang at korapsyon. Sama-sama nating isulong ang katarungan at tunay na kalayaan para sa sambayanan.

๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป.
๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐˜„๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป.

๐—”๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—š๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ผ | ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‚๐™ช๐™ง๐™ค 2025Ang pagiging g**o sa Filipino ay hindi biro. Kaa...
05/09/2025

๐—”๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—š๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ผ | ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‚๐™ช๐™ง๐™ค 2025

Ang pagiging g**o sa Filipino ay hindi biro. Kaakibat nito ang napakalaking pananagutan sa paghubog ng isipan, pagkatao, at kinabukasan ng kabataang Pilipino. Higit pa sa simpleng pagtuturo, ang g**o sa larangang ito ay nagsisilbing gabay tungo sa kaalaman, tagapag-ingat ng kultura't kasaysayan, at tagapagsulong ng wikang Filipino bilang pundasyon ng pambansang pagkakakilanlan. Ngunit sa kabila ng kanilang walang sawang paglilingkod at mga sakripisyo, madalas pa rin silang nababalot sa siklo ng kakulangan at pangmamaliit mula sa mismong lipunang kanilang pinaglilingkuran.

Ngayong 2025, nananatiling dagok at matinding pasan sa likod ang bigat ng mga hamon at kawalang-katarungan kanilang dinadala. Mababang sahod na hindi sasapat sa araw-araw nilang pangangailangan, kakulangan sa pondo at pasilidad sa mga paaralan, patuloy na pagtingin sa Filipino bilang asignaturang tila nasa gilid o palamuti lamang sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, at ang panganganib nitong maglaho na bilang isang disiplinang pampagkatuto sa paaralan. Hanggang kailan ipagwawalang-bahala ang hinaing ng mga g**o? Hanggang kailan mananatiling salita lamang ang mga pangakong suporta, habang lugmok ang mga g**ong dapat sanaโ€™y tangan ng lipunan bilang isa sa mga pinakamahalagang yaman?

Ang taon-taong paggunita sa mga g**o ng bayan ay magiging hungkag kung hindi maisasabuhay ng pamahalaan at lipunan ang tunay na pagkilala sa kanilang karapatan at dangal. Ang tunay na pagtanaw ng utang na loob sa kanila ay hindi nasusukat sa pagbibigay ng parangal o pagbati sa entablado bilang pansamantalang pantapal sa matinding sugat na kanilang dala-dala, kundi sa konkretong pagkakaloob ng nakabubuhay na sahod, sapat at maayos na pamamahala ng pondo para sa edukasyon, at sistemang may malinaw na direksiyon at epektibong pamumuno. Sapagkat ang dekalidad na pagtuturo ay hindi maihihiwalay sa kalidad na sistema at makatarungang pamamahala. Hindi maaasahan ang isang g**o na magbigay ng pinakamataas na uri ng serbisyo o edukasyon kung siya mismo ay salat sa suporta, at kung ang balangkas ng edukasyon ay nananatiling marupok at depektibo.

Kaisa ang ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ, sa pagdiriwang ng ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—š๐˜‚๐—ฟ๐—ผ 2025, higit na lumilinaw ang panawagan sa hanay ng kaguruan: suportahan at ipaglaban ang kanilang karapatan bilang haligi ng edukasyon. Ipaglaban ang wika at panitikan bilang puwersa ng kamalayan. Itaguyod ang isang sistemang may pananagutan at may malinaw na pamumuno. Sapagkat tanging sa pagkilala at pagsuporta sa mga g**o, sa pagbibigay ng makatarungan at likas-kayang sistemang pang-edukasyon, matitiyak ang isang makatarungan, inklusibo, at dekalidad na edukasyon na inaasahang bubuwag sa patuluyang krisis sa edukasyon!

**o2025


๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ! ๐ŸฅณSa lahat ng kasapi ng ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ, na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa m...
30/08/2025

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ! ๐Ÿฅณ

Sa lahat ng kasapi ng ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ, na nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa mga buwan ng Hulyo at Agosto, hangad namin na maging makabuluhan ang bagong yugto ng inyong buhay. Nawaโ€™y madagdagan pa ang mga biyayang dumarating sa inyo, magdulot ito ng inyong pag-unlad para sa sarili at sa inyong mga mithiin, at manatili kayong pinagmumulan ng tuwa at pag-asa para sa nakararami. Saksi ang buong ๐—•๐—™๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ sa inyong paglago at nawa'y patuloy kayo sumulong na kay tayog gaya ng saranggola sa himpapawid.

Mula sa buong ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ, taos-pusong pagbati ang hatid namin sa inyo sa inyong espesyal na buwan. Muli, malugod na pagbati sa inyong kaarawan! ๐ŸŽ‰โœจ๐Ÿฅณ



๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐—ฃ๐—”๐—ฆ! | ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—˜๐—Ÿ๐—— ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌAng pagbubukas ng unang araw bilang mga g**ong-mag-aaral sa unang termin...
29/08/2025

๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐—ฃ๐—”๐—ฆ! | ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—˜๐—Ÿ๐—— ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ

Ang pagbubukas ng unang araw bilang mga g**ong-mag-aaral sa unang termino para sa ikaapat na taon ng ๐‘ณ๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘น๐’†๐‘ท๐‘ถ๐‘น๐’”๐’‚๐’…๐‘œ!

Pormal ng nagsimula ang matayog na paglalakbay ng BFE ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ sa kursong Field Study nitong Huwebes, Hunyo 28. Tangan ang alab ng kahusayan at karunungan, patuloy ang pagpupunyagi ng ๐‘ณ๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘น๐’†๐‘ท๐‘ถ๐‘น๐’”๐’‚๐’…๐‘œ na maglingkod sa bayan sa ngalan ng wika't panitikan. Buong sigasig na sinalubong ng bawat isa ang bagong yugto ng pagkatuto mula sa ibaโ€™t ibang kuwento at karanasan sa pagkilala at pagsasabuhay ng tunay na diwa ng pagtuturo.

Tulad ng saranggola, ang ๐‘ณ๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘น๐’†๐‘ท๐‘ถ๐‘น๐’”๐’‚๐’…๐‘œ ay malayang pumapailanlang, handa na muling lumipad nang may buong sigla, sigasig, at substansiya, para sa panibagong pag-alpas tungo sa makabuluhang karanasan at kaalaman! ๐Ÿชโœจ



26/08/2025
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐™„๐™‹๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™Ž ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‚๐™„๐™๐™„๐™‰๐™‚ | ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™„ 2025 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ"๐‘‡๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘ฆ๐‘Ž๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž๐‘”๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘˜๐‘Ž๐‘ ๐‘›๐‘Ž ๐‘”๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘ค๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘– ๐‘๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘›...
25/08/2025

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ๐™„๐™‹๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™Ž ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‚๐™„๐™๐™„๐™‰๐™‚ | ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™„ 2025 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

"๐‘‡๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘ฆ๐‘Ž๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž๐‘”๐‘ ๐‘–๐‘ ๐‘–๐‘˜๐‘Ž๐‘ ๐‘›๐‘Ž ๐‘”๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘ค๐‘Ž ๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘๐‘ข๐‘ก๐‘– ๐‘๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘›๐‘–๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›, ๐‘š๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘Ž๐‘  ๐‘š๐‘Ž๐‘› ๐‘œ ๐‘š๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘๐‘Ž ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘”๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›, ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘ก๐‘ข๐‘›๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›." - Apolinario Mabini

Ngayon, higit kailanman, lubos natin pinagtitibay ang pagkilala sa lahat ng bayani ng ating bayan. Inaalala natin ang mga dakilang anak ng bayan na nag-alay ng kanilang lakas, tapang, talino, at paninindigan, upang kamtin ang ating kalayaan at gumawa ng makabuluhang pagbabago para sa ating bansa. Ngunit higit sa paggunita, ipinapaalala sa atin ng mga salita ni Mabini na ang kabayanihan ay hindi nasusukat sa kapangyarihan, katanyagan, o posisyon. Ito'y nasusukat sa wagas na hangaring gumawa ng kabutihan para sa kapwa, anuman ang antas sa lipunang iyong kinabibilangan.

Sapagkat ang diwa ng kabayanihan ay hindi natatapos sa mga nakaraan. Patuloy itong nabubuhay sa mga magsasaka't mangingisda na nagtataguyod ng pagkain sa hapag, ang hanay ng mga manggagawa sa kanilang araw-araw na pakikipagsapalaran, ang mga nangingibang-bansa na tinatahak ang milya-milyang distansiya upang bigyang-buhay ang kanilang pangarap para sa pamilya, ang mga g**ong humuhubog sa isip at damdamin ng mga kabataan, at ang lahat ng mga taong patuloy na nakikibaka para sa karapatan, katarungan, at pagkakapantay-pantay.

Kaya't nakikiisa ang ๐ฟ๐‘–๐‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘…๐‘’๐‘ƒ๐‘‚๐‘…๐‘ ๐‘Ž๐‘‘๐‘œ, sa pagbibigay-pugay sa kabayanihang nakaukit na kasaysayan upang matamo ang kaginhawaan ng inang bayan. Kapara ng inyong matatayog na pangarap, hangad namin na mas lalo pa kayong kilalanin at alalahanin hindi lamang sa inyong mga bantayog, kundi sa pusoโ€™t isipan at sa pangaraw-araw na pakikibaka ng sambayanang Pilipino. At para sa mga nagpapamalas at magpapamalas pa ng giting sa iba't ibang paraanโ€” sa bawat pawis na tumutulo, sakripisyong iniaalay, at pusong handang maglingkod sa bayan, hindi malilimutan ang inyong mga nagawa at taas-noong ipagpapatuloy ang diwa ng paglilingkod at pagmamahal sa bayan, sa gitna man ng panggigipit at pabago-bagong mga kalagayan.

Giting na naipamalas, sandigan ng mga bayani ng bukas! ๐™ˆ๐˜ผ๐™†๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™„! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ



๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก | ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ-๐—˜๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ง๐—ฃ 2025โ€“2026Sa pagbubukas ng u...
24/08/2025

๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก | ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ-๐—˜๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ง๐—ฃ 2025โ€“2026

Sa pagbubukas ng unang termino para sa huling kabanata ng pagpapakadalubhasa sa wika't panitikan sa Inang Pamantasan, taas-kamaong pinagpupugayan ang mga bagong halal na lider-estudyante ng Pangkat BFE PORPORโ€” mga g**o-estudyanteng buong tapang na tumanggap sa hamon ng pamumuno upang maging tinig, tanglaw, at tagapagtaguyod ng liping RePORsado.

Saksi ang nagdaang taon sa bawat hakbang ng ating pag-unlad, at ngayon, higit kailanman, sama-samang humaharap ang buong liping RePORsado sa panibagong yugto ng paglilingkod at pagkilos. Bitbit ang mga aral ng nakaraan, at tangan ang sulรฒng magsisilbing gabay sa landas ng tagumpay, tayoโ€™y muling nagbabalik bilang mas pinatibay, mas pinanday, at higit na aalpas bilang mga g**ong nagsasanay para sa wika, panitikan, at bayan. ๐Ÿ“š๐Ÿ“œ๐Ÿ‚



Address

Philippine Normal University
Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐—•๐—™๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ - ๐™๐™š๐™‹๐™Š๐™๐™จ๐™–๐™™๐™ค posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share