21/08/2026
โ๐๐ก๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ข๐ฌ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ญ๐ก ๐๐ฒ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ.โ
Mga salitang sumasalamin sa matibay na paninindigan at walang pag-aalinlangang pagmamahal ni dating Senador ๐๐๐ง๐ข๐ ๐ง๐จ โ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒโ ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐๐ซ. sa kanyang bayan at mga kababayan.
Ngayong ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐, ating ginugunita ang ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐๐๐ฒ hindi lamang upang alalahanin ang kanyang buhay at sakripisyo, kundi upang pagnilayan din ang mga pagpapahalagang kanyang ipinaglaban.
Ang kanyang pagkamatay ay nagmulat at nagbuklod sa maraming Pilipinong patuloy na naghahangad ng kalayaan, demokrasya, at katarungan. Sa kanyang pagkawala, mas naging matatag ang hangarin ng sambayanan na ipagpatuloy ang adhikaing kanyang ipinaglaban. Ang kanyang tapang at sakripisyo ay nagsilbing inspirasyon sa isang bansang patuloy na lumalaban para sa pagbabago.
Maging paalala sa bawat isa sa atin ang kanyang kwento na ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita hindi lamang sa malalaking bagay, kundi pati sa pagkakaroon ng lakas ng loob na manindigan para sa kung ano ang tama.
Sa pag-alala kay Ninoy, nawaโy manatili sa ating puso ang tapang na manindigan, ang malasakit na maglingkod, at ang pananagutang ipagpatuloy ang mithiin para sa isang malaya at makatarungang bayan.
Pubmat by: Ralph Lontoc
Caption by. Gaile Linga