Anakbayan PUP Senior High School

Anakbayan PUP Senior High School The official page of Anakbayan Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa, Manila,

Ikinasa ng iba't-ibang progresibong organisasyon sa loob ng pamantasan ang pambukas na protesta sa ikalawang semestre, t...
11/11/2019

Ikinasa ng iba't-ibang progresibong organisasyon sa loob ng pamantasan ang pambukas na protesta sa ikalawang semestre, tangan ang hamon na ituloy ang laban para sa demokratikong karapatan at laban sa De Facto Martial Law ng Rehimeng Duterte.

Sa kabila ng mga tagumpay na ating nakamit noong nakaraang semestre, nagpapatuloy ang mga atake sa mamamayan sa porma ng whole-of-nation approach o Oplan Kapanatagan na tuloy-tuloy ang pamamaslang, iligal na pag-aresto at pagdakip sa mamamayang lumalaban.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hinding hindi masusupil ang paglaban ng mamamayan hangga't nananatiling may rason upang lumaban.

Sa hanay ng mga SHS ng bayan, nananatili ang kawalan ng maaayos na pasilidad at laboratoryo, ang Higher Grade Requirement, at ang banta ng Mandatory ROTC na iba't-ibang porma ng panunupil sa demokratikong karapatan at kalayaang akademiko. Ito ang nananatiling mapagpasyang dahilan kung bakit magkakaisa, titindig, at kolektibong lalaban ang mga Senior High ng Bayan.

LIBRO HINDI BALA!
EDUKASYON HINDI GYERA!
HIGHER GRADE REQUIREMENT, IBASURA!




07/11/2019
05/11/2019

π—•π—œπ—šπ—¨π—œπ—‘ π—”π—‘π—š π——π—˜ 𝗙𝗔𝗖𝗧𝗒 𝗠𝗔π—₯π—§π—œπ—”π—Ÿ π—Ÿπ—”π—ͺ π—‘π—œ π——π—¨π—§π—˜π—₯π—§π—˜! π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘π—”π—‘ π—”π—‘π—š π— π—šπ—” π—”π—§π—”π—žπ—˜ 𝗦𝗔 π—”π—§π—œπ—‘π—š π——π—˜π— π—’π—žπ—₯π—”π—§π—œπ—žπ—’π—‘π—š π—žπ—”π—₯𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗑!

Sa ikatlong taon ng pamumuno ni Duterte, muling tumampok ang iba’t ibang mga isyung matagumpay na inilantad at patuloy na nilalabanan ng kabataan at mamamayang Pilipino. Wala ni-isa sa atin ang ligtas sa krisis at kahirapang patuloy na pinasasahol ng rehimeng ito.

Habang ang hiling ng magsasaka at manggagawang-bukid ay suporta sa agrikultura at tunay na reporma sa lupa, ang ibinigay sa kanila ay pahirap na Rice Liberalization Law at militarisasyon. Sunud-sunod ang putok ng mga welga ng mga unyon ng manggagawa sa buong bansa dahil sa tumitinding kontraktwalisasyon at mababang pasahod. Kahit ang mga eskwelahan kung saan patuloy na lumalakas ang laban para sa demokratikong karapatan ng mga kabataang estudyante ay target ng panggigipit at militarisasyon. Biktima rin ang mamamayan ng kapabayaan ng gubyernong ito sa maayos at abot-kayang serbisyong panlipunan gaya ng pampublikong transportasyon, serbisyong pangkalusugan at iba pa.

Ito ang mga isyung dapat pag-usapan at seryosong tugunan ng gobyernong ito ngunit ang inaatupag ng rehimeng Duterte ngayon ay De Facto Martial Law sa mukha ng laganap na iligal na pag-aresto, pagpapatahimik at pagpatay sa mamamayang lumalaban para sa kanilang mga lehitimong kahilingan.

Sa bisa ng Executive Order No. 70 sa ilalim ng Oplan Kapanatagan sa balangkas ng Whole of Nation Approach at Memorandum Order 32 sa Negros, umabot na sa 62 ang bilang ng mga lider at kasapi ng mga ligal na organisasyon ng mamamayan ang iligal na inaresto mula Oktubre 31.

Sunud-sunod rin ang raid sa mga opisina at bahay ng mga organisasyon tulad sa Gabriela, Bayan Muna, Kilusang Mayo Uno, Anakpawis at National Federation of Sugar Workers (NFSW) sa Bacolod, bahay ng mag-asawang Cora Agovida (Tagapangulo ng Gabriela-Manila) at Michael Bartolome (Kadamay-Metro Manila), opisina ng NFSW sa Negros at opisina ng BAYAN Manila kanina lamang alauna ng madaling araw.

Kahapon lamang ay binaril ng mga hindi pa kilalang lalaki sa tapat ng kanyang bahay si Reynaldo Malaborbor na myembro ng Makabayan sa Cabuyao, Laguna. Noong Nobyembre 2, naibalita ang pagkawala ni Honey Mae Suazo, Secretary General ng Karapatan Southern Mindanao.

Maging ang ANAKBAYAN at iba pang mga organisasyon ng kabataan at mga lider nito ay sinampahan ng mga gawa-gawang kaso at patuloy na ginigipit at biktima ng harasment at intimidasyon.

Ang mga progresibong organisasyon ay lehitimong representasyon ng matagal nang panawagan ng mamamayan para sa lupa, trabaho, sahod at karapatan. Iisa sila sa malawak na masang naghihirap at nakikibaka para sa mga demokratiko at batayang karapatan.

Lalo lamang pinatutunayan ni Duterte na hindi siya sinserong lutasin ang lumalalang krisis sosyo-ekonomiko sa bansa. Higit na kapansin-pansin ang pagkakahiwalay ni Duterte sa mamamayan at nagluluwal ng mas marami pang kritiko’t oposisyon sa kanyang diktadura. Ang walang humpay na pasistang atake at tiraniko niyang paghahari ay malinaw na indikasyon ng isang rehimeng naghihingalo at desperadong manatili sa kapangyarihan.

Mahaba at mayaman na ang karanasan ng sambayanang Pilipino sa pakikibaka. Ang pasismo ay matagal nang binulok ng kasaysayan at napatunayan nang bigo sa hindi mabilang na pagkakataon. Kung kaya, anumang kasinungalingan ang habiin ng rehimeng ito upang pagtakpan ang kanilang ultimong pampulitikang layuning patayin ang paglaban ng mamamayan, hinding-hindi ito magtatagumpay. Makatarungan ang maghimagsik. Makatarungan ang maging aktibista sa panahon ng laganap na kahirapan, pang-aapi at pagsasamantala.

Nananawagan ang ANAKBAYAN PUP sa lahat ng kabataan at mamamayan na sama-samang biguin ang De Facto Martial Law ni Duterte at ipanawagan ang pagpapabasura ng EO 70. Malakas nating ipanawagan ang katarungan para sa lahat ng mamamayang nagdurusa sa ilalim ng isang pasista, papet at pahirap na rehimen. Ibagsak ang rehimeng US-Duterte! MAKIBAKA! H’WAG MATAKOT!

Biguin ang De Facto Martial Law ni Duterte! Ibasura ang EO 70!

Ipaglaban ang mga demokratikong karapatan ng mamamayan!

Ipagtanggol ang kalayaang pang-akademiko!

Ibasura ang Mandatory ROTC!

Labanan ang militarisasyon sa kampus!

Mariing kinukundena ng Anakbayan PUP - Senior HIgh School ang iligal na paghuli kala GABRIELA Chairperson Cora Agovida a...
31/10/2019

Mariing kinukundena ng Anakbayan PUP - Senior HIgh School ang iligal na paghuli kala GABRIELA Chairperson Cora Agovida at asawa nitong Mickael β€œTim” Tan Bartolome ng KADAMAY Metro Manila ng mga elemento ng CIDG at MDP - PNP kaninang umaga sa kanilang tahanan sa Maynila.

Ayon sa ulat ay pwersahang pinasok ng sampung lalaki ang kanilang tahanan bandang Alas - 5 ng umaga. Nagtanim ang mga ito ng .45 na kalibre ng baril at dalawang granada, at iligal na inaresto ang mag - asawa na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nire - release ng pulisya.

Ngayong araw din ay niraid ng PNP at CIDG ang mga opisina ng mga progresibong rupo ng NSFW, Bayan Muna at Gabriela sa Bacolod.

Ang ganitong karahasan ng estado ay bahagi ng kaniyang whole of nation approach upang supilin ang paglaban ng mamamayan. Inilalantad ni Duterte ang kaniyang sarili na lubos lubusang anti
Pilipino. Nananawagan ang Anakbayan PUP - SHS sa agarang pagpapalaya kala Cora at Tim, at sa lahat ng bilanggong pulitikal.

Palayain sina Cora at Tim!
Free Cora Agovida!
Hands Off Human Rights Defenders!
Stop The Attacks!

Kasalukuyang nagsasagawa ng isang iglap protesta ang mga iskolar ng bayan upang ipanawagan ang maayps at abot kayang pam...
08/10/2019

Kasalukuyang nagsasagawa ng isang iglap protesta ang mga iskolar ng bayan upang ipanawagan ang maayps at abot kayang pampublikong transportasyon sa bansa at kondenahin ang pribatisasyon sa ating mga batayang serbisyo.

DUTERTE, DOTR, PANAGUTIN, PAGBAYARIN!
SERBISYO SA TAO, HUWAG GAWING NEGOSYO!

Kasalukyang isinasagawa ng mga iskolar ng bayan ang isang candle lighting protest upang ipanawagan ang hustisya para kay...
03/10/2019

Kasalukyang isinasagawa ng mga iskolar ng bayan ang isang candle lighting protest upang ipanawagan ang hustisya para kay Darwin Dormitorio at sa lahat ng pinaslang ng estado.

AFP, PNP, MAMAMATAY TAO!
DUTERTE, PASISTA, PATALSIKIN!

03/10/2019

HUSTISYA PARA KAY DARWIN DORMITORIO! HUSTISYA PARA SA LAHAT NG PINATAY NG REHIMENG DUTERTE! TUTULAN ANG MANDATORY ROTC!

Mamamatay tao.
Ang estado ang pinakamalupit na mamamatay tao sa bansang ito. Hinuhubog niya ang AFP at PNP sa kultura ng karahasan at bulag na pagsunod upang gamitin sa paghahasik ng lagim at takot sa mamamayan. Sa proseso, wala siyang pakialam sa buhay ng mamamayan kahit na ang mismong mga kadeteng nais niyang gawing instrumento ng karahasan. Sa hindi makataong pagpatay kay Darwin Dormitorio, muling nilalantad ng estado ang kawalang pakialam niya sa karapatang pantao.

Ganito ang nais nilang sapilitang ipakain sa mga senior high ng bayan, ang mersenaryong tradisyon ng AFP at PNP. Sa pagratsada ng Mandatory ROTC sa senado, nalalantad ang kagustuhan ng estado na lumikha ng libo libong pasibo, marahas, at sunud - sunurang armadong pwersa na papatay sa kaniyang mamamayan at magtatanggol sa interes ng malalaking panginoong may lupa at negosyante sa loob ng bansa.

Pero ang mga senior high ng bayan ay hindi manananatiling kimi sa harap ng atake sa mga kabataan at mamamayan. Tayo ay militanteng titindig laban sa pamamaslang ng estado at maniningil ng hustisya sa lahat ng inutang na dugo ng rehimeng ito.

Senior High ng bayan, labanan ang Mandatory ROTC!Tumindig laban sa lahat ng pamamaslang ng estado! Sumama sa pagkilos ngayong araw!

Candle Lighting Protest
5 PM, PUP Gate



Taas kamaong pagpupugay ang ipinaaabot ng Anakbayan PUP Senior High School sa lahat ng mga jeepney drivers at operators ...
30/09/2019

Taas kamaong pagpupugay ang ipinaaabot ng Anakbayan PUP Senior High School sa lahat ng mga jeepney drivers at operators na lumalahok at sumusuporta sa Pambansang tigil pasada laban sa PUV Phaseout ngayong araw.

Sa pangunguna ng Piston, kasama ang iba't ibang organisasyon at alyansa ay malakas ang panawagang ibasura ang nakaambang pribatisasyon at Korporatisasyon ng ating public transportation system na papatay sa kabuhayan ng libo libong tsuper sa bansa.

Serbisyo sa Tao, Wag gawing Negosyo!
Duterte, Pahirap sa Masa! Patalsikin!
!

SENIOR HIGH NG BAYAN, TULOY ANG LABAN PARA SA LIBRE AT MAKABAYANG EDUKASYON! BIGUIN ANG MANDATORY ROTC AT MILITARISASYON...
16/09/2019

SENIOR HIGH NG BAYAN, TULOY ANG LABAN PARA SA LIBRE AT MAKABAYANG EDUKASYON! BIGUIN ANG MANDATORY ROTC AT MILITARISASYON SA PAMANTASAN AT PAMAYANAN!
SUMAMA SA SEPTEMBER 20!

Mula sa mga nakamit na tagumpay ng mga Senior High ng Bayan para sa pagsusulong ng ating mga demokratikong karapatan, patuloy na tumitindig ang ANAKBAYAN PUP - SHS kasama ang mga Iskolar ng Bayan laban sa mga pasistang atake at patuloy na represyong nararanasan ng kabataan sa ilalim ng rehimeng US-Duterte.

Sa kabila ng panunupil, intimidation at harassment na nararanasan ng mga Senior High School sa pamantasan, daan-daang PUPSHS students ang nag-walkout upang irehistro ang pagkundena sa lahat ng porma ng atake sa kalayaang pang-akademiko at banta ng pasistang indoktrinasyon sa mga kabataan sa mukha ng Mandatory ROTC.

Mula sa tagumpay na nakamit ng sama-samang pagkilos, panibagong hamon ang kinakaharap ngayon ng Senior High School sa nagbabadyang pagpapasa ang Mandatory ROTC sa Kongreso, nagpapatuloy ang hamon sa ating mga Iskolar ng Bayan upang higit pang itaas ang antas ng ating paglaban. Limpak-limpak ang pondo ng pamahalaan upang palaganapin ang kultura ng karahasan, intimidasyon at bulag na pagsunod sa mga kabataan, habang kinaltasan ang budget sa edukasyon at binabansot ang paglaban ng kabataan.

Sa darating na 2020, 38 B ang pondong ilalagak sa Mandatory ROTC habang 4.5 B ang pondo ng pamahalaan para sa controversial at intelligence fund ng gobyernoβ€”sapat na pondo upang makapagpaaral ang higit isang milyong estudyante sa kolehiyo. Nananatiling bulag at bingi ang administrasyon sa lehitimong kahilingan ng kabataan para sa libre at dekalidad na edukasyong nagsisislbi sa pangangailangan ng bayan.

Ngayong taon, muling aalalahanin ng mamamayang Pilipino ang batas militar ng diktaduryang Marcos upang patuloy na maningil ng hustisya para sa lahat ng biktima ng paglabag sa pantaong karapatan. Sa darating na ika – 20 ng Setyembre, tatanganan natin ang patuloy na hamon upang biguin ang lahat ng atake sa ating mga kabataan at mamamayan.

Sa panahong naisisiwalat ang rehimeng Duterte bilang isang mapanupil na rehimeng nais magpakalat ng karahasan at takot sa mamamayan, mas lalakas ang panawagan ng pagkakaisa ng lahat ng mga Iskolar ng Bayan na tumindig at sumanib sa hanay ng batayang masa laban sa kahirapan at pamamaslang.

HUSTISYA SA LAHAT NG BIKTIMA NG BATAS MILITAR!
HUSTISYA SA LAHAT NG BIKTIMA NG EJK!
PASISMO, BIGUIN! DUTERTE, PATALSIKIN!
DUTERTE, MARCOS, WALAG PINAG IBA! PAREHONG TUTA, DIKTADOR, PASISTA!
INUTANG NA DUGO NG PASISTANG REHIMEN, SINGILIN! PAGBAYARIN
SHS FIGHT BACK AGAINST MILITARIZATION!

Matapos ang matgumpay na pagrehistro ng mga Senior High School ng ating mga demokratikong kahilingan, kasalukuyang pinat...
02/09/2019

Matapos ang matgumpay na pagrehistro ng mga Senior High School ng ating mga demokratikong kahilingan, kasalukuyang pinatawag ang Vice Chairperson ng Anakbayan PUP SHS sa opisina ng Prinsipal at bantang ipatanggal sa pamantasan sa batayan ng hindi pagsusuot ng uniporme.

Tahasang manipestasyon ito ng represyon sa loob ng pamantasan. Senior High, makiisa at tumindig laban sa panunupil pangkampus!


SAVE SAN ROQUE!Handa na ang mamamayan ng San Roque na depensahan ang kanilang mga bahay laban sa banta ng marahas na dem...
06/08/2019

SAVE SAN ROQUE!

Handa na ang mamamayan ng San Roque na depensahan ang kanilang mga bahay laban sa banta ng marahas na demolisyon sa kanilang pamayanan.

Makiisa sa paglaban ng maralitang lungsod!

Sa lahat ng mga Senior High School ng bayan!Magkakaroon ng Rise For Education -  PUP SHS sa darating na August 08, 2019 ...
06/08/2019

Sa lahat ng mga Senior High School ng bayan!

Magkakaroon ng Rise For Education - PUP SHS sa darating na August 08, 2019 upang pag usapan ang mga mayor na kampanya hinggil sa Mandatory ROTC at mga demokratikong Karapatan!

Address

Anonas Street
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan PUP Senior High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share