17/09/2026
LETTER NG KONSEHO HINGGIL SA WALKOUT BUKAS PARA SA PANANAGUTAN AT PAGGUNITA SA MARTIAL LAW, HINDI NAKAKUHA NG ENDORSEMENT!
​Ngayong hapon, ika-17 ng Setyembre, nagpasa ng liham ang PUP CCIS Student Council upang humingi ng pormal na endorso mula sa lokal na administrasyon ng kolehiyo para sa malawakang walkout bukas.
​Nais naming ipaalam na hindi ito inendorso ng ating Dekano upang makapaghabol umano ang kolehiyo sa mga nakanselang klase. Ayon sa administrasyon, magpapaskil (post) na lamang sila online bilang paggunita sa Batas Militar, tulad ng kanilang nakagawian.
​Hindi dapat ganito lamang gunitain ang isa sa pinakamadugong bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, lalo na't nagpapatuloy ang mga pansariling-interes na aksyon ng mga Marcos at Duterte. May mababago ba sa simpleng pag-post lamang kung patuloy ang mga atake sa mga estudyante at wala pa ring nananagot sa kasaysayan? Ang tunay na paggunita ay nasa pagkilos.
​Nais din nating bigyang-diin na nakakuha ng pormal na endorso ang mga malalaking unibersidad tulad ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), pati na rin ang ibang kolehiyo at satellite campuses sa PUP gaya ng College of Communication (COC). Kung nagawa nilang suportahan ang demokratikong karapatan ng kanilang mga estudyante, dapat ay nagawa rin ito ng buong PUP Administration at ng CCIS Local Administration.
​Kaya naman, MAY ENDORSO MAN O WALA, PANGUNGUNAHAN NG CCIS STUDENT COUNCIL ANG WALKOUT NG MGA TEKNOLOHISTA BUKAS. Hindi kawalan ang isang araw na klase kumpara sa bigat ng ating mga ipinaglalaban.
​PUP SYSTEM-WIDE WALKOUT
đź—“ Bukas, Setyembre 18
📍 5th Floor, Main Academic Building
⏰️ 10 AM
Inaanyayahan namin ang lahat ng Teknolohista na lumabas sa kanilang mga silid-aralan, laboratory rooms, at makiisa.
​NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!
LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!
BUDGET SA PUP, DAGDAGAN, HUWAG BAWASAN!
DEFEND ACADEMIC FREEDOM!