13/04/2024
Nakiki-isa ang Batch 2022 at Batch 2023 ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila, Kolehiyo ng Parmasiya sa panawagang ibasura ang mungkahing amiyendahan ang konstitusyon โ lalong-lalo na sa pamumuno ng pasistang anak ng isang diktador na naging rason ng pagtatag nito.
Mula pa sa administrasyon ni dating pangulong Fidel Ramos, ang mungkahi ng charter change o mas kilala bilang cha-cha ay isang uri ng constitutional reform na naglalayong amiyendahan at irebisa ang Konstitusyon ng 1987. Bagamaโt totoong may mga nararapat palitan at baguhin sa kasalukuyang konstitusyon, ang cha-cha ay taun-taong ipinaglalaban para sa interes lamang ng mga oligarko at politikong gahaman sa yaman at kapangyarihan. Simulaโt sapol, ang cha-cha ay ginawang nakalalasong sandata laban sa konstitusyon, demokrasiya, at lipunang Pilipino.
Sa kasalukuyan, isa na namang Marcos na may bitbit na โBagong Pilipinasโ ang umusbong. Bitbit nito ang mungkahing baguhin ang konstitusyon sa kadahilanang nakakapagdulot daw ang mga polisiya ng bansa sa hindi paglago ng ekonomiya. Bilang manipestasyon ng huwad na cha-cha na ito, nariyan ang PUV modernization program (PUVMP) at samuโt-saring budget cuts sa ibaโt-ibang institusiyon.
Sa ilalim ng mungkahing ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga dayuhan na magkaroon ng buong pagmamay-ari sa mga pampublikong kagamitan, institusyon, at akademya. Kung gayoโn, maaring maging daan ang cha-cha sa komersyalisasyon ng mga pampublikong saksakyan โ na makikita sa mapagsamantalang PUVMP. Ang mga pampublikong paaraalan at pang-akademikong institusyon ay nanganganib ding mapunta sa kamay ng huwad na modernisyayon at globalisasyon na alay ng mga banyaga. Kung walang mangyayaring aksyon, maaring ang kapaitang sinapit ni Kristel Tejada, na kinitil ang sariling buhay dahil sa represibo at selektibong sistema ng edukasyon, ay maranasan pa ng mas marami pang kabataang Pilipino.
Kung mamarapatin, ang Pilipinas ay hindi na bago sa pagkontrol ng mga dayuhan โ mula sa kolonyal na pag-iisip ng mga Kastila hanggang sa gahamang imperyalistang sa Estados Unidos. Ang pananakop ng mga dayuhan ay isang malaking paalala na ang lubusang pagbukas ng pintuan sa mundo ay maaring lagusan ng mas malaking problema. Sa pagbibigay ng karapatan sa mga dayuhang kontrolin ang mga pampublikong serbisyo, kagamitan, at institusyon, nilalagay natin ang kasarinlan ng bansa sa isang marupok na estado. Kung kayaโt nararapat lamang na tutulan at huwag pahintulutan ang kasinungalingang ito:
Isang bagong Marcos. Isang bagong cha-cha.
Kamakailan lamang, ang mungkahing ito ay nakapasa na sa huli at ikatlong pagbasa ng Kongreso. Mula sa pagkalap ng mga pirma ng mga botante o peopleโs initiative, ilang buwan lang ang kinailangan ng mungkahi upang makalusot sa kamara. Ilang buwan lang kinailangan upang suportuhan ng mga sabik na galamay ng korapsyon ang nasabing mungkahi.
NAKAKAGALIT isipin na binabalewala lamang ng mga nakatataas ang kapakanan ng mga Pilipino at ng buong bans. NAKAKASUKLAM na ang paggamit nila ng propaganda at peopleโs initiative bilang rason supang makamit ang pansariling mga interes, at patuloy na maipaalingasaw ang mga isyu ng korapsyon. NAKAKAPAGPAALIBADBAD lalo ang pambabalahura nila sa kasalukuyang konstitusyon na nagsisimbolo sa pagiging demokratiko ng bansa, at paglaya mula sa gapos ng mga dayuhan, at ng diktaduryang rehimen ni Marcos Sr.
Kung kayaโt ngayon higit kailanman, LABIS NA TUMUTUTOL ang Batch 2022 at Batch 2023 sa kalaspatanganang ginagawa ng estado sa konstitusyon, bayan, at sambayanang Pilipino. Ngayon higit kailanman, nananawagan kami sa administrasyon na pakinggan at intindihin ang mga hinaing ng bawat sektor ukol sa nakayayamot na epekto ng cha-cha sa sambayanan. Ngayon higit kailanman, ay kinakalampag namin ang represibo at mapang-abusong rehimen na ibasura at gawing labag sa konstitusyon ang Resolution of Both Houses No. 7 at Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayong matupad ang pekeng pagbabago na alay ng estado. Sapagkat naniniwala kaming:
Mula noon, hanggang ngayon, ang panukala ng charter change ay hindi pa rin nagbabago.
Mula noon, hanggang ngayon, ang pambababoy ng mga Marcos ay hindi pa rin nagbabago.
Mula noon, hanggang ngayon, ang diwa ng konstitusyon ay hindi kailanman mababago!
CHA-CHA NI MARCOS, BIBIGUIN ANG MAMAMAYAN!