20/08/2026
PAHAYAG NG KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG UP MANILA, ORGANISASYON, AT MGA LOKAL NA KONSEHO HINGGIL SA PAGPAPAPASOK SA MGA PUWERSANG ESTADO SA LOOB NG PAMANTASAN
Noong Agosto 19, naglabas ng imbitasyon ang administrasyon ng Kolehiyo ng Agham at Sining hinggil sa forum na pinamagatang “SAFE CAMPUS: Active Threat and Shooting Preparedness for College Students” sa August 25, kung saan nakapaloob dito ang “active threat and shooting incident preparedness” na siyang tahasang kinikilala ang pagpapasok ng armas sa loob ng pamantasan.
Kanina, 1 PM ng Agosto 20, namataan ang mga pwersa ng estado na may hawak na baril at rifle sa loob at paligid ng UP Manila. Patuloy na nagpapagala-gala ang mga kapulisan na siyang nagpapahiwatig ng pagbabanta sa mga mag-aaral ng UP Manila. Dagdag pa rito, ang pagmamatyag at matagal na presensya ng police mobile sa gate ng Pedro Gil.
Mariing kinukundena ng Konseho ng Mag-aaral ng UP Manila, mga organisasyon, at mga lokal na konseho ang pagpapapasok at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga armadong puwersa ng estado ng admin sa loob ng UP Manila. Ang parehas na pagpapapasok ng pwersa ng estado ay hindi man lang nakaabot sa mga mag-aaral, basta na lamang ito pinahintulutan ng administrasyon. Hindi SAFE CAMPUS ang pamantasan kung pinapapasok nito ang mga pasistang militar na siyang kumitil sa buhay ng mga mamamayang Pilipino na ipinaglalaban lamang ang karapatan. Gayundin sa forum na isasagawa, ito ay hindi tunay na lulutas sa patuloy na represyon at paglala ng kultura ng pamamasismo na pinasisimulan ng AFP at PNP! Hindi SAFE CAMPUS ang pamantasan kung ang mismong kapulisan ay may hawak na baril at umaaligid sa loob pa mismo ng tambayan ng mga mag-aaral!
Sa administrasyon ng UP Manila at ng Kolehiyo ng Agham at Sining, dinggin niyo ang mga mag-aaral na patuloy na pinaglalaban ang aming karapatan sa akademikong pangkalayaan. Ang pagpapapasok ng pasistang pwersang estado ay tahasang pag-apak at pagpapasidhi ng mga banta sa ating akademikong pangkalayaan. Walang lugar ang kahit anong uri ng karahasan, pamamasismo, at pag-apak sa demokratikong karapatan sa UP Manila!
Ang sigaw ng mga mag-aaral ng UP Manila: UPHOLD UP-DILG ACCORD! REINSTATE UP-DND ACCORD! MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN!
Signatories:
UP Manila University Student Council
UP Office of the Student Regent
KASAMA SA UP
League of College Student Councils
UP Manila College of Arts and Science Student Council (CASSC)
UP Manila College of Dentistry Student Council (DSC)
UP Manila College of Allied Medical Professions (CAMPSC)
Nursing Student Council (NSC)
College of Public Health Student Council (CPHSC)
UP Pharmaceutical Association Student Council (UPPhA SC)
UP Medicine Student Council (MSC)
Coalition of Organizations, Fraternities, and Sororities
Sulong UP Manila
Kabataan Partylist - UP Manila
League of Filipino Students UP Manila
Sigma Delta Pi Sorority - UP Manila
UP Sigma Kappa Pi Fraternity - Manila
NNARA Youth - UP Manila
Gabriela Youth UP Manila
Agham Youth UP Manila
UP Vector
Development Studies Society UP Manila
Kabataan para sa Tribung Pilipino - UP Manila Chapter
UP Manila Sining at Kalinangang Lahi
UP Manila Pre-Law Society
Samahan ng mga Progresibong Iskolar na Naglalayong Makinig at Makisandig (SANDIG)l
Pangkalusugang Lingkod Bayan
UPCD Proxima