21/09/2026
54 NA TAON ANG LUMIPAS. HINDI DAPAT MAGLAHO ANG KATOTOHANAN.
Sa bawat pahina ng kasaysayan, may mga kuwentong kailangang balikan โ hindi upang manatili sa nakaraan, kundi upang maunawaan kung paano nito hinubog ang kasalukuyan.
Sa ika-54 na anibersaryo ng Batas Militar, mahalagang alalahanin hindi lamang ang mga petsa at pangyayari, kundi pati ang mga buhay na naapektuhan, tinakot, ikinulong, pinatahimik, at nawala.
Isa sa kanila si Liliosa โLilliโ Hilao, isang mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at manunulat ng Hasik, ang dating pahayagan ng Pamantasan. Sa pamamagitan ng kanyang panulat, ipinahayag niya ang kanyang paninindigan sa gitna ng isang panahong ang malayang pamamahayag ay unti-unting sinisikil.
Bilang mga Iskolar ng Bayan, ang pag-alala ay hindi lamang responsibilidad ng mga historyador. Responsibilidad din natin ito bilang mga mag-aaral, mga taong may kakayahang magsuri, magtanong, magbasa ng mga primaryang sanggunian, at kilalanin ang mga salaysay na maaaring natabunan o binago sa paglipas ng panahon.
Mula sa Pamantasan na minsang tinig ni Lilli, patuloy nating panatilihing buhay ang diwa ng mapanuring pag-iisip, malayang pamamahayag, at paninindigan.
Alalahanin. Suriin. Ipaglaban ang katotohanan.
54 na taon mula sa Batas Militar.
Hindi tayo dapat makalimot.
Never again. Never forget.