20/07/2020
“Kapag mulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit.”
Naglipana ang mga Aswang at walang pakundangan nilang pinapatay ang demokrasya sa Pilipinas! Sa gitna ng pandemya ay nauna pang ibasura ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bago nitong prangkisa. Samantala, sa kabila ng mariing pagkondena ng iba’t ibang institusyon ay paspasan pa ring isinabatas ang Anti-Terrorism Law. Sa lawak ng depinisyon nito ay kasamang maapektuhan ang industriya ng pelikula. Bukod pa rito, kontrobersyal din ang paglabas ng Joint Administrative Order ng FDCP, DOH, at DOLE. Sa lawak ng saklaw ng abiso ay may kalakip itong panganib sa malayang pamamahayag.
Kaugnay nito inihahandog ng FEU Film Society ang pinakamalaking selebrasyon ng taon, SINEMAÑANITA! Samahan ninyo kami sa isang makabuluhang diskusyon at ating himayin ang mga suliranin at bantang kaugnay ng mga bagong polisiyang umiiral sa bansa.
Handog din ng Sinemañanita ang mga pelikulang gawa ng FEU Film Society. Ano pang hinihintay mo? Save the date at maki-Sinemañanita na!
Ang mga sumusunod ay schedule ng tatlong bahagi ng ating selebrasyon:
Session 1: July 22, 2020 (Press Freedom in Survival Mode)
Session 2: July 24, 2020 (FDCP in advisory 6: An issue of monitoring that leads to control)
Session 3: July 26, 2020 (Anti-Terror law and its encompassing dangers on the freedom of speech in the Philippines)
Ambagan tayo!
Bahagi rin ng aming programa ang donation drive campaign na sinimulan ng Bangon Pilipino, “Saan aabot ang 50 pesos mo?” Ang inyong donasyon ay malaking tulong upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang lubhang apektado ng pandemya.
Maaari niyong ipadala ang inyong donasyon sa mga sumusunod:
GCash: 09272751187 - Sophia Nicole Alcantara
Unionbank: 1093-5041-8500 - Sophia Nicole Alcantara
BPI: 1589-4132-84 Jirah Lachica
BDO: 003990415314 - Sean Fampulme
Please send over a screenshot of your donation receipts for our records via Email or Facebook Message.
Maaring bisitahin ang kanilang page para sa karagdagang detalye:
Bangon Pilipino: https://www.facebook.com/pilipinobangon/
Sisimulan ang registration bago ang mismong araw ng programa. I-like at i-follow lamang ang aming page para sa mga susunod na anunsyo.
FEU Film Society https://www.facebook.com/feufilmsoc2006/