11/10/2026
๐๐จ๐ฆ๐ง๐๐ฆ๐ฌ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฌ ๐๐๐ก๐ก๐๐๐๐ฅ ๐๐๐จ๐๐!
12 na taon na ang nakalipas mula nang paslangin ang ating kapatid na trans Pinay na si Jennifer Laude, o mas kilala bilang si Ganda, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamit ang hustisya para sa kanyang pagpatay.
Kaisa ang Bahagsari sa panawagan ng hustisya para kay Ganda. Ang kanyang pagpaslang ay manipestasyon ng matagal nang umiiral na transfemicide, transphobia, at imperyalismo sa bansa. Si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, ang pumaslang kay Jennifer Laude, ay nasa Pilipinas sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA), isang kasunduang nagpapasailalim sa Pilipinas sa interes ng US at ng pwersang militar nito.
Ang pardon na iginawad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pemberton ay nangangahulugan ng kawalan ng hustisya at pananagutan sa gender-based violence na ginagawa ng mga dayuhan. Ang pardon na ito ay salamin ng malalim na kolonyal at imperyalistang interes ng US na patuloy na pumapailalim sa Pilipinas.
Patuloy nating aalalahanin si Jennifer Laude hanggang sa manaig ang hustisya, at tuluyang mapabagsak ang transfemicide sa bansa.