PUP CTHTM Student Council

Directions Contact the university

PUP CTHTM Student Council The Official page of PUP College of Tourism, Hospitality, and Transportation Management Student Council (CTHTM SC).

PAGPUPUGAY SA ATING MGA LIDER-ESTUDYANTE! βœ¨πŸŽ“Mula sa Konseho ng Mag-aaral ng mga Gabay ng Bayan, taos-puso naming ipinapa...
25/09/2026

PAGPUPUGAY SA ATING MGA LIDER-ESTUDYANTE! βœ¨πŸŽ“

Mula sa Konseho ng Mag-aaral ng mga Gabay ng Bayan, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagkilala at pasasalamat sa mga lider-estudyanteng buong pusong naglaan ng panahon, pagtanggap sa hamon, at dedikasyon na maglingkod.

Bitbit ang diwa ng paglilingkod na hindi lamang nagmumula sa loob ng silid-aralan, kundi umaabot sa mas malawak na hanay ng mga iskolar ng bayan na hinuhubog ng kaalaman, tumitindig sa sama-samang pagkilos, at walang takot na humarap sa realidad ng lipunang ating ginagalawan.

Maraming salamat sa pagpiling maglingkod. Sa bawat oras na inyong inilaan, bawat hinaing na inyong pinakinggan mula sa silid-aralan, tungo sa bayan; mula sa pagiging iskolar, tungo sa pagiging lingkod ng masa.

Lagit'-Lagi patuloy na dalhin ang sipag, galing, at talino sa bawat landas na inyong tatahakin.

To serve the students is to stand with the people, always! πŸ’™


LOOK | PBA 50 CAMPUS ON TOUR IN COORDINATION WITH CHK FACULTY CLUBAre you ready to witness your favorite PBA superstars ...
23/09/2026

LOOK | PBA 50 CAMPUS ON TOUR IN COORDINATION WITH CHK FACULTY CLUB

Are you ready to witness your favorite PBA superstars on your own turf?

Get ready for some ball as the PBA 50 Campus On Tour heads to the PUP Gymnasium later at 3:00 PM!

PUPians! Kayo naman ang susunod na pupuntahan ng inyong PBA!

Kita-kits ngayong Miyerkules, sa PUP Gymnasium (Main Campus) Sta. Mesa, Manila!
----------
Special thanks to our event partners - Pocari Sweat (Philippines) , Don Benitos and Sports Barbers

Isang pagpupugay sa mga Gabay ng Bayan mula sa buong Komunidad ng Hasmin! πŸŽ“Sa bawat mga araw na piniling magpatuloy, mga...
22/09/2026

Isang pagpupugay sa mga Gabay ng Bayan mula sa buong Komunidad ng Hasmin! πŸŽ“

Sa bawat mga araw na piniling magpatuloy, mga hamon na kinailangang lumaban, at mga pangarap na hindi binitawan. Ang pagtatapos na ito ay hindi lamang bunga ng sipag at tiyaga, kundi patunay ng inyong tapang na harapin ang bawat pagsubok na dumaan sa inyong mga landas.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, nawa'y dalhin ninyo ang kaalamang natutuhan ninyo mula sa ating Sintang Paaralan hanggang sa mas malawak na mundong inyong tatahakin, para sa kapwa at sa mga komunidad na inyong paglilingkuran. Nawa'y manatili ang sipag, galing at talino na naging bahagi ng inyong paghubog bilang isang Gabay ng Bayan.

Pagbati sa inyong tagumpay! πŸ’™


TINGNAN | Nakiisa ang mga Gabay ng Bayan sa isinagawang prodwork ngayong araw bilang paghahanda para sa paggunita ng 54t...
21/09/2026

TINGNAN | Nakiisa ang mga Gabay ng Bayan sa isinagawang prodwork ngayong araw bilang paghahanda para sa paggunita ng 54th Anniversary of the Declaration of Martial Law.

Sa patuloy na pag-alala sa kasaysayan, inaanyayahan ang mga Iskolar ng Bayan na makiisa sa mga programa ngayong araw.

πŸ“ 11:00 AM β€” Local Program @ PUP Main Gate
πŸ“ 2:00 PM β€” Assembly @ Liwasang Bonifacio
πŸ“ 5:00 PM β€” Main Program @ Mendiola




NEVER AGAIN. NEVER FORGET.Limampu’t apat na taon na ang lumipas mula nang ideklara ang Batas Militar noong Setyembre 21,...
20/09/2026

NEVER AGAIN. NEVER FORGET.

Limampu’t apat na taon na ang lumipas mula nang ideklara ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Ngunit ang paglipas ng panahon ay hindi dahilan upang manahimik at tumigil sa pagiging mulat.

Sa gitna ng patuloy na pagkalat ng impormasyon at disimpormasyon, mahalagang balikan at suriin ang mga salaysay at dokumentong nagmula sa katotohanan na pangyayari. Ang pag-alala ay hindi nangangahulugang manatili sa nakaraan. Sa halip, nagbibigay ito ng pagkakataong maunawaan ang mga aral ng kasaysayan at kung paano naaapektuhan ang buhay ng ordinaryong mamamayan kapag nalalagay sa hamon ang kanilang mga karapatan at kalayaan.

Mahalagang kilalanin ang halaga ng kalayaan sa pagpapahayag, karapatang pantao, malayang pamamahayag, at mga institusyong nagtatanggol sa demokrasya. Kasabay nito, may pananagutan ang bawat isa na gamitin at ipagtanggol ang mga karapatang ito nang may paggalang sa kapwa at sa katotohanan.

Sa ika-54 na paggunita sa Martial Law, sama-sama nating alalahanin, suriin, at pagnilayan ang araw na ito.

Gabay ng Bayan, Dumalo at Magpadalo!

πŸ“ Setyembre 21 β€” BAHA NG PROTESTA KONDUKTA

πŸ“Œ 2 PM | Mass Up
πŸ“Œ 3 PM | Program @ Liwasang Bonifacio
πŸ“Œ 5 PM | Program @ Mendiola


20/09/2026

SABAY-SABAY TAYONG MANGARAP

Sabay-sabay talaga tayong mangangarap kapag ang edukasyon ay hindi na pribilehiyo ng iilan, kundi karapatan ng bawat anak ng bayan, malaya sa tanikala ng kahirapan at aksesible sa lahat.

Dahil ang pangarap ay hindi lamang pansariling hangad. Ito ay salamin ng lipunang nais nating itayo. Sa bawat kabataang pinagkakaitan ng pag-aaral dahil sa kahirapan, may karapatang inaagaw at kinabukasang ipinagkakait.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, dala natin ang tungkuling gawing lakas ang kaalaman at gawing pagkilos ang paninindigan. Hindi tayo makukuntento sa mundong iilan lamang ang may kakayahang mangarap.

Ang edukasyon ay karapatan. Ang kaalaman ay para sa bayan. At ang kinabukasang para sa lahat ay ipinaglalaban, hindi hinihintay.

MGA ISKOLAR NG BAYAN, BAHAIN ANG LANSANGAN! ✊πŸ”₯

πŸ“ SEPTEMBER 21 β€” BAHA NG PROTESTA KONDUKTA
πŸ”» 2 PM | Mass Up
πŸ”» 3 PM | Program @ Liwasang Bonifacio
πŸ”» 5 PM | Program @ Mendiola

BASAHIN | Nakikiisa ang Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA-CTHTM), kasama ang mga student leader at estudy...
17/09/2026

BASAHIN | Nakikiisa ang Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA-CTHTM), kasama ang mga student leader at estudyante ng CTHTM, sa PUP Walkout sa Setyembre 18!

Sa harap ng patuloy na krisis sa edukasyon, kakulangan sa pondo, at mga usaping may kinalaman sa pananagutan sa paggamit ng kaban ng bayan, hindi panahon para manahimik. Ang edukasyon ay karapatan, ang pamantasan ay espasyo ng kalayaan, at ang kabataan ay may karapatang manindigan.
Hindi tayo dapat sanayin sa kakulangan. Hindi tayo dapat patahimikin sa harap ng pang-aabuso. Panahon nang magsalita, kumilos, at maningil!

SUMAMA SA PUP WALKOUT SA SETYEMBRE 18!
SA SETYEMBRE 21, SAMA-SAMA TAYONG MANINDIGAN!
WEAR BLACK. IPARAMDAM ANG PANAWAGAN NG KABATAAN!




LOOK | CTHTM STUDENT COUNCIL CALLS FOR SOLIDARITY IN THE PUP WALKOUTToday, September 17, 2026, The PUP CTHTM Student Cou...
17/09/2026

LOOK | CTHTM STUDENT COUNCIL CALLS FOR SOLIDARITY IN THE PUP WALKOUT

Today, September 17, 2026, The PUP CTHTM Student Council sought the endorsement of our college for the participation of CTHTM students in the upcoming PUP Walkout on September 18, 2026.

The request, however, was not endorsed by the College administration, on the grounds that students are free to make their own decisions and that the administration cannot dictate whether students should participate in the action.

We recognize that participation in a collective action must ultimately remain a matter of individual choice. But for many students, exercising that choice is not as simple as deciding whether to attend or not. With the walkout taking place during a regular academic period, students may hesitate to participate because of concerns over attendance, missed requirements, and possible academic consequences.

This is precisely why the Council sought an endorsement, not to compel anyone to join, but to provide students with institutional assurance that their participation would not be treated as an act of disobedience. It is a way of creating a safer space for students who freely choose to participate.

As a student council that represents the Hasmin community, we believe that student welfare includes the right to make informed choices without unnecessary fear or uncertainty. The University itself recognizes student participation and collective action as part of campus life, while PUP’s student leaders have previously raised concerns over academic consequences faced by students who participate in peaceful protests.

We therefore encourage every Hasminian to learn about the issues, make an informed decision, and exercise their rights responsibly.

Walang sapilitan ngunit wala rin dapat pangamba sa pagpili na manindigan.

Sa laban para sa sapat na pondo sa edukasyon, pananagutan, at karapatan ng mga Iskolar ng Bayan, ang pagpapasya ay nasa bawat estudyante.

GABAY NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN!



Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa ating mga komunidad, hindi maikakaila ang direktang epekto nito sa buhay n...
17/09/2026

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa ating mga komunidad, hindi maikakaila ang direktang epekto nito sa buhay ng mga estudyante at mamamayan. Kasabay nito ang mga usapin sa kalagayan ng edukasyon, paggamit ng pampublikong pondo, at pananagutan ng mga institusyong dapat ay naglilingkod sa bayan.

Bilang mga Iskolar ng Bayan at mga magiging propesyonal sa Turismo, Hospitality, at Transportasyon, mga industriyang nakaugat sa serbisyo, ay dala natin ang pananagutang kilalanin ang mga isyung humuhubog sa kalagayan ng mga taong ating pinaglilingkuran.

Kaya sa bawat Gabay ng Bayan,
π— π—”π—žπ—œπ—œπ—¦π—” 𝗦𝗔 π—ͺπ—”π—Ÿπ—žπ—’π—¨π—§ π—‘π—š π— π—šπ—” π—œπ—¦π—žπ—’π—Ÿπ—”π—₯ π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑!

πŸ”» September 18, 2026
πŸ”» 9:30 AM β€” LOCAL PROGRAM @ HASMIN
πŸ”» 10:00 AM β€” MAIN CAMPUS

Sumali sa CTHTM Coordinating GC:
πŸ”—: https://m.me/j/8rY85NeAbToGycO6/?send_source=gc:copy_invite_link_c



Lived Names and Preferred Pronouns Recognition and Data Collection FormIn line with its commitment to advancing students...
15/09/2026

Lived Names and Preferred Pronouns Recognition and Data Collection Form

In line with its commitment to advancing students’ rights, welfare, dignity, and inclusivity across the PUP System, the Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP) together with the PUP Office of the Student Regent (PUP OSR) is spearheading the collection and verification of information from PUP graduating students who wish to have their lived names and preferred pronouns recognized during graduation and other recognition ceremonies.

Students who intend to use their lived names are encouraged to accomplish the form to ensure that their preferred names and other necessary information are properly recorded and communicated to the concerned Offices and Student Councils. All information collected through the form will be used solely for coordination, verification, and the proper implementation of lived name recognition during the graduation rites.

Students who fail to accomplish the online form may coordinate with their respective Student Councils for on-site data collection and verification during the graduation rehearsals.

π—”π—°π—°π—²π˜€π˜€ π˜π—΅π—² π—³π—Όπ—Ώπ—Ίπ˜€ 𝗡𝗲𝗿𝗲:
πŸ”—CTHTM [tinyurl.com/CTHTM-YECE26]

Address

372 Valencia, Street Mesa
Manila

Opening Hours

Monday 9am - 8pm
Tuesday 9am - 8pm
Wednesday 9am - 8pm
Thursday 9am - 8pm
Friday 9am - 8pm
Saturday 9am - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PUP CTHTM Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to PUP CTHTM Student Council:

Share