25/02/2026
EDSA 40
Apatnapung taon na ang lumipas mula nang dumanak ang dugo ng libo-libong Pilipino. Ang sakripisyong ito na inialay para sa bayan ay patuloy na nabubuhay sa alaala ng bawat isa.
Apatnapung taon na ang nakalipas mula nang makalaya ang mga Pilipino mula sa diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. Ngunit bago ang kalayaang ito, apat na araw ng matinding pakikibaka ang ginugol ng mamamayan upang makamit ito. Sa kabila ng takot na kanilang kinaharap, nanaig ang pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at lakas ng loob ng bawat mamamayan. Sinisimbolo ng rebolusyong ito ang kapangyarihan ng masa kapag sila'y nagkakaisaโisang puwersang kayang magwagi laban sa sinumang humahamak at umaabuso sa bayan.
Matapos ang ilang taon, ilang administrasyon, at patuloy na pagbabago ng panahon, muling nagbalik sa kapangyarihan ang pamilyang pinatalsik ng pakikibakang ito. Kasabay nito ang pag-usbong ng iba pang nagnanais maupo sa posisyon upang muling abusuhin ang bayan.
Sa kabila ng lahat, nananatili ang pagsisikap ng taong-bayan na panatilihing buhay ang diwa ng Rebolusyong EDSAโang rebolusyong nagpatunay sa lakas ng masa. Kaya't ang araw na ito ay hindi lamang paggunita, kundi isa ring paraan ng pagbuhay sa isang nakaraan na patuloy na pinipilit ibaon sa limot.