Damlay - PCCR.

Damlay - PCCR. Organisasyon hangad na mas mapaunlad ang pagpapahalaga sa wika panitikan sining at kulturang Pilipino

✨ Ang Ingat-Yaman na buong pusong nagsisilbi sa Samahan! ✨Maligayang kaarawan, Asnor S. Osodan — ang masipag, maagap, at...
12/11/2025

✨ Ang Ingat-Yaman na buong pusong nagsisilbi sa Samahan! ✨

Maligayang kaarawan, Asnor S. Osodan — ang masipag, maagap, at tapat na Ingat-Yaman ng Damlay! 🎉🎂

Pasensiya na kung medyo huli ang bati — better to be late than never, ‘di ba? 😄 Alam naming abala ka pa sa KulTOUra, kaya heto ang aming taos-pusong pagbati! Maraming salamat sa iyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa pagtupad ng tungkulin. Tunay kang haligi ng kaayusan at inspirasyon sa buong samahan. 🌟

Nawa’y maging makulay, masaya, at punô ng biyaya at tagumpay ang iyong espesyal na araw!

Muli, isang mainit na pagbati sa iyo, Asnorrrrr!!! 🥳🎈

✨ Ang Kinatawang may puso at malasakit sa bawat isa, Angel Dela Cruz! ✨Maligayang kaarawan, Angel Dela Cruz, ang masigla...
29/10/2025

✨ Ang Kinatawang may puso at malasakit sa bawat isa, Angel Dela Cruz! ✨

Maligayang kaarawan, Angel Dela Cruz, ang masigla at mapagkakatiwalaang Kinatawan mula sa Ikalabing-isang Baitang! 🎉🎂

Salamat sa iyong pagiging aktibo, maalalahanin, at maaasahang lider na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa iyong kapwa mag-aaral, lalong higit sa mga nasa Ikalabing-isang Baitang!🌟

Nawa’y maging makabuluhan at puno ng saya ang iyong espesyal na araw! 💐💞

Muli, isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan, Angel! 🥳🎈

✨ Ang Kalihim na laging maaasahan!✨Maligayang kaarawan, Alexa Cytle Nazar, ang masipag, maagap, at organisadong Kalihim ...
24/10/2025

✨ Ang Kalihim na laging maaasahan!✨

Maligayang kaarawan, Alexa Cytle Nazar, ang masipag, maagap, at organisadong Kalihim ng Damlay! 🎉🎂

Salamat sa iyong dedikasyon at sipag sa pagtupad ng tungkulin, tunay kang haligi ng kaayusan at inspirasyon sa samahan. 🌟

Nawa’y maging makulay, masaya, at puno ng tagumpay ang iyong espesyal na araw! Muli, isang mainit na pagbati, Alexa! 🥳🎈

Umusad na ang Damlay para sa Unang Pangkalahatang Pagpupulong na naganap noong Oktubre 2, 2025 mula 1:30 n.h. – 4:00 n.h...
04/10/2025

Umusad na ang Damlay para sa Unang Pangkalahatang Pagpupulong na naganap noong Oktubre 2, 2025 mula 1:30 n.h. – 4:00 n.h. sa AVR Room, JFAB Bldg., Philippine College of Criminology.

Nakiisa, nagsaya, at natuto para sa layunin ng damlay sa tanong ito.
Hanghgang sa susunod na gawain at pagsasanay!✨🇵🇭

Salamat, DAMLAYon! ✨

Maligayang kaarawan, Direktor ng Panitik, Isabelle Ponseca! 🎉🎂Bukod sa iyong husay at dedikasyon sa panitikan, tunay din...
04/10/2025

Maligayang kaarawan, Direktor ng Panitik, Isabelle Ponseca! 🎉🎂

Bukod sa iyong husay at dedikasyon sa panitikan, tunay ding nagbibigay-inspirasyon ang iyong bright attitude at positive aura na nagdudulot ng sigla sa bawat isa. 🌟💙

Nawa’y patuloy kang maging tanglaw sa larangan ng sining at panulat, at makamtan mo ang kasiyahan at tagumpay na iyong hinahangad.

Muli, isang masiglang pagbati ng Maligayang Kaarawan! 🥳💐

Hindi pa huli ang lahat para sa ating kinatawan mula sa JHS!Maligayang kaarawan, Jhon Angelo Talla 🎉🎂Nawa’y maging masay...
04/10/2025

Hindi pa huli ang lahat para sa ating kinatawan mula sa JHS!

Maligayang kaarawan, Jhon Angelo Talla 🎉🎂
Nawa’y maging masaya, makulay, at puno ng tagumpay ang iyong paglalakbay.

Muli, isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan! 🥳🎈

Ito na ang sama-samang Paglalakbay ng Damdamin at Malay ✨Inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng Damlay para sa Unang Pang...
29/09/2025

Ito na ang sama-samang Paglalakbay ng Damdamin at Malay ✨

Inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng Damlay para sa Unang Pangkalahatang Pagpupulong ng DAMLAY!📝

📅 Oktubre 2, 2025
🕜 1:30 n.h. – 4:00 n.h.
📍 3/F AVR Room, JFAB Bldg., Philippine College of Criminology

Halina’t maging bahagi ng makabuluhang pagtitipon tungo sa pagkakaisa, pag-unlad, at mas malalim na pag-unawa. 💡🌱

Kitakits, DAMLAYON! ✨🇵🇭

Matagumpay na naisakatuparan ang “Titik at Tinig: Pagsasanay sa Malikhaing Pagsulat!✨🖋️Masaya, makulay, at puno ng bagon...
19/09/2025

Matagumpay na naisakatuparan ang “Titik at Tinig: Pagsasanay sa Malikhaing Pagsulat!✨🖋️

Masaya, makulay, at puno ng bagong kaalaman ang naging paglalakbay ng ating Sangay ng Panitik kasama ang pamunuan ng DAMLAY sa isinagawang pagsasanay ni G. Erick Loquez, sa pagsulat ng balita sa araw na ito!

Mula sa masinsinang talakayan hanggang sa malikhaing paglikha, tunay na ipinakita ng bawat isa ang kanilang galing at damdaming-DAMLAYon. 💡🔥

Kaisa ang PCCR Soarers' Journalism Club, patuloy tayong magtataguyod ng malikhaing pagpapahayag at masining na pagsulat. Maraming salamat sa pagsasagawa ng pagsasanay para sa lahat!

Mabuhay ang ating mga manunulat, ngayon at sa mga susunod pang kabanata! Kitakits sa ikalawang sesyons!

🚨Kasalukuyan nang isinasagawa ang TITIK-TINIG: Pagsasanay sa Pagsulat – Unang Sesyon katuwang ang HSC Soarers Journalism...
19/09/2025

🚨Kasalukuyan nang isinasagawa ang TITIK-TINIG: Pagsasanay sa Pagsulat – Unang Sesyon katuwang ang HSC Soarers Journalism Club!

Aktibong dumalo at nakiisa ang Sangay ng Panitik at ang pamunuan ng DAMLAY bilang suporta sa mas makabuluhang paglinang ng talento at husay sa panulat.

Ang mga kaalaman at kasanayang nahuhubog dito ay magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga balita, literary folio, at iba pang publikasyon, isang mahalagang hakbang tungo sa pagiging mas mahusay na mag-aaral at mas aktibong kasapi ng DAMLAY. 🌟

✨🖊️

Mula Balita Hanggang Panitikan, maging handa para sa “Titik at Tinig: Pagsasanay sa Malikhaing Pagsulat”!Kaisa ng SOARER...
18/09/2025

Mula Balita Hanggang Panitikan, maging handa para sa “Titik at Tinig: Pagsasanay sa Malikhaing Pagsulat”!

Kaisa ng SOARERS Journalism Club, sama-sama nating pagyamanin ang diwa ng malikhaing pagpapahayag at mapanuring pamamahayag.Para sa ating Sangay ng Panitik, oras na upang patalasin ang pluma, palawakin ang imahinasyon, at ipinta ang damdamin sa bawat salita.

Basahing mabuti ang mga panuto, ihanda ang inyong inspirasyon, at sabay-sabay tayong lumikha ng mga akdang mag-iiwan ng bakas sa puso’t isipan.

Kitakits bukas, mga bagong DAMLAYon, dalhin ang inyong malikhaing apoy! 🔥

Malugod naming tinatanggap ang mga bagong DAMLAYon! 🥳🎉Isang mainit na pagbati sa mga   mula sa iba't ibang strand sa hig...
18/09/2025

Malugod naming tinatanggap ang mga bagong DAMLAYon! 🥳🎉

Isang mainit na pagbati sa mga mula sa iba't ibang strand sa high school, na pumili ng Damdamin at Malay bilang kanilang tahanan sa sining at malikhaing pagpapahayag. Kaya ngayon, narito ang mga bagong kaagapay sa Panitikan, Bigkasan, at Tanghalan na handa nang magbigay kulay, boses, at damdamin sa ating mga gawain.

🤝 Malugod naming sinasabi: Maligayang pagdating sa pamilya ng DAMLAY! 🌸💛

Address

641 Sales Street , Sta. Cruz
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Damlay - PCCR. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Damlay - PCCR.:

Share