21/08/2026
๐ฐ๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐?
Iyan ang tanong ni Benigno "Ninoyโ Simeon Aquino Jr. noong ikaapat ng Agosto, 1980 sa isang talumpati sa New York ukol sa pagsasakripisyo ng sariling buhay para sa mga Pilipino.
Noong 2004, naipatupad sa ๐๐๐ญ๐๐ฌ ๐๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐ ๐๐ฅ๐ . ๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐จ, ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐๐๐ฒ , upang ipagdiwang ang buhay at pamanang kaniyang iniwan sa mga Pilipino sa araw ng kaniyang kamatayan. Ngunit tuwing ipinagdiriwang natin ang Ninoy Aquino Day, ano nga ba ang nais nating maalala at muling mabigyang pansin? Ano nga ba ang naging bunga ng buhay at pakikipagsapalaran ni Ninoy sa ating bansa?
Ang pagpaslang kay Ninoy ang isa sa mga hudyat ng muling pag-alab ng damdaming makabayan ng mamamayan. Dahil sa pagkamatay ni Ninoy, dumami ang masang nakiisa sa mga protesta laban sa kawalan ng katarungan sa lipunan, at โdi kalaunan ay nagluwal ng rebolusyong magpapatalsik kay Ferdinand E. Marcos Sr. at tatapos sa malagim na Martial Law. Siya ay nangangahulugan ng siklab ng puso ng bawat Pilipino, ang pagpapatuloy sa laban para sa demokrasya.
โ๐ฐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ (๐ญ๐๐๐๐๐๐๐๐) ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
Ito ang sinagot ni Ninoy sa kaniyang talumpati, at nagsisilbing katunayan na hanggang sa kamatayan, isang karangalan ang pag-alay ng kaniyang buhay para sa bayan at para sa mga mamamayang Pilipino. Sa araw na ito, hindi lamang si Ninoy Aquino ang dapat nating alalahanin, ngunit ang sambayanang Pilipino na nagsanib-puwersa upang ituloy ang kaniyang nasimulan.
๐๐๐ค๐๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐๐ง๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐๐๐ฒ!