28/08/2026
PNU at DSWD SCLGBTQIA+, Nagbahagi ng mga Kasanayan sa Pagsusulong ng GEDI
Tinanggap ng Philippine Normal University (PNU) ang mga kinatawan ng Special Committee on LGBTQIA+ Affairs (SCLGBTQIA+) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa isang courtesy meeting hinggil sa mga inisyatiba, polisiya, at mekanismo para sa pagsusulong ng Gender Equality, Diversity, and Inclusion (GEDI) at pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng LGBTQIA+ community
Dumalo mula sa DSWD sina Undersecretary Elen De Vibar Pasion, Chairperson ng Special Committee on LGBTQIA+ Affairs, Diversity and Inclusion Committee; Assistant Secretary Atty. Jezreel Kiel M. Maristela, Assistant Secretary for the Special Committee on LGBTQIA+ Affairs, Diversity and Inclusion Committee; at Ms. Imee Mateo, SCLGBTQIA+ Affairs Staff.
Kinatawan naman ang PNU nina Dr. Leah Amor S. Cortez, Vice President for Student Success and Stakeholder Services (VPSSSS); Dr. Iona Ofelia B. Zanoria, Director ng Gender, Diversity, Inclusion, and Equity Office (GEDIO); at Dr. Merimee T. Siena, Director ng Student Affairs and Success Office (SASO).
Isinagawa ang pagpupulong sa VPSSSS Conference Room, kung saan nagkaroon ng makabuluhang palitan ng kaalaman, karanasan, at institutional practices sa pagitan ng DSWD SCLGBTQIA+ at PNU.
Ibinahagi ng PNU ang mga programa at inisyatiba nito para sa LGBTQIA+ community, kabilang ang mga aktibidad para sa Pride Month, mga pangunahing GEDI themes, at pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya, organisasyon, at institusyong nagsusulong ng gender equality, diversity, and inclusion.
Kabilang sa mahahalagang tinalakay ang paggamit ng lived names sa PNU, alinsunod sa University Memorandum No. 228, s. 2026, gayundin ang mga konsiderasyon kaugnay ng inclusive access to comfort rooms, kabilang ang mga umiiral na lokal na polisiya at ordinansa ng Lungsod ng Maynila.
Naging mahalagang pagkakataon ang courtesy meeting upang makapagbahagi ng mabubuting institutional practices at mapalakas ang ugnayan ng PNU at DSWD SCLGBTQIA+. Sa pamamagitan ng patuloy na dayalogo at pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan at iba pang stakeholders, patuloy na isinusulong ng PNU ang isang ligtas, inklusibo, gender-responsive, at affirming na pamayanang pang-akademiko na kumikilala at gumagalang sa dignidad at pagkakaiba-iba ng bawat isa.