25/02/2026
KOLUM | Kuta ng Pasista, Singilin, Panagutin!
Sa sobrang mahal na mahal ang tatay, pinagpatuloy ni Marcos Jr. ang pagiging hari ng korapsyon! Nadagdagan pa ng tambalang Marcos-Duterte na parang group project kung kumilos sa bansa, na ang tanging natapos ay ang pagpapakapal ng mukha at pagmamaniobra sa batas para makatakas sa mga pananagutan!
Apat na dekada ang lumipas matapos palayasin ng nagkakaisang lakas ng sambayanan ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ngunit narito pa rin tayo ngayon, nakatungtong sa gitna ng isang pamilyar at masahol na bangungot. Sa paggunita ng ika-40 taon ng EDSA People Power Revolution, walang pinagkaiba si Marcos Sr. sa kanyang anak, pinapanindigan nito ang pasismo, pagpapakatuta, korapsyon, at pandarambong sa pamamahala ng Pilipinas at patuloy na nilulubog sa kahirapan ang masang Pilipino. Wala nang puwang ang mga mambubulsa sa pawis ng bayan dahil hindi pa rin napuputol ang tanikala ng korapsyon at kahirapan.
Hindi ko rin talaga masikmura kung bakit pilit na pilit na pinapaikot ni Marcos ang mga Pilipino sa retorika ng "Bagong Pilipinas,โ dahil sa kanyang rehimen kasama ang US, ay ginagawang papet, pinapaikot, at ginagawa lang rin naman siyang pamain para papasukin ang mga imperyalistang dayuhan.
Ang kapalit ng pagpapakatutang ito ay ang tuluyang paglumpo sa ating sariling produksyon. Imbes na palaguin ang sektor ng agrikultura sa pagpapatibay ng rice self-sufficiency nito dahil sa lumalalang krisis ng ekonomiya, eh lalong pinapahirapan naman ang mga magsasaka at inaagawan pa ng lupa sa ilalim ng mga hungkag na programang minana pa sa โgreen revolution,โ maski ang karaniwang manggagawa ay kakarampot pa rin ang sinasahod! patunay lang na ang pamilyang Marcos at ang kanilang mga kroni ay abala sa pagpapakasasa at pagiging burukrata kapitalista sa bansang Pilipinas.
Bilyon-bilyong kickbacks ang nasiwalat sa mga maanomalyang Flood Control Projects (FCP) at Farm-to-Market Roads (FMRs) habang ang mga sakahan ay nananatiling tuyot at ang mga kalsada ay mabilis pang mabutas kaysa sa bulsa ng karaniwang manggagawa. Ito ang paraan kung paano pinapanatili ng naghaharing uri ang kanilang kapangyarihan: ang ninanakaw na yaman ay ginagamit pambili ng boto, pambayad sa mga trolls, at pampataba sa mga heneral ng AFP-PNP, at NTF-ELCAC! Habang ang taumbayan ay lugmok sa implasyon, ang Malacaรฑang ay nagsisilbing kuta ng mga burukrata-kapitalistang uhaw sa komisyon.
Ngunit hindi nag-iisa si Marcos Jr. sa krimeng ito. Kaakibat niya ang bise-presidenteng si Sara Duterte, na tagapagmana naman ng madugong legasiya ng pasismo mula sa Davao. Sa ilalim ng kasalukuyang alyansang Marcos-Duterte, muling napatunayan na ang korapsyon ay hindi isang simpleng pagkakamali. Sabi nga nila, โang kapatid ng sinungaling ay magnanakawโ at overflowing ang confidence ng dalawa sa pagpapalaganap nito! Parang dati lang ay buong-buo ang kanilang 'Uniteam' pero ngayon ay nagbabangayan at nilalaglag ang isaโt isa. Obvious na obvious ang girian ng dalawang pangkating magnanakaw para sa mas malaking parte sa nananakaw na pondo. Pinapanatili nila pareho ang ganitong mekanismo para sa kapangyarihan. Mula noon, hanggang ngayon, nananatili ang pagnanakaw ng yaman, dinastiyang pamumuno, at politikal na karahasan ang tunay na mukha ng rehimeng ito.
Sa ilalim ng kanilang huwad na pamamahala, ang katarungan ay para lamang sa mga may kapangyarihan, habang ang panunupil at militarisasyon ay para sa mga manggagawa at magbubukid na nangangahas na lumaban. Ginagamit nila ang Anti-Terror Law upang busalan ang katotohanan, gaya ng paggamit ng Batas Militar noon upang patahimikin ang mga Pilipino. Habang ang bawat pamilya ay nagkakandahaba ang leeg sa pag-abot sa presyo ng bigas at bilihin, ang mga nakapwesto ay tila nasa isang walang-hanggang piyesta sa paggamit ang ating buwis.
Anong "pagkakaisa" ba ang kanilang ipinagmamalaki? Ano ba ang kanilang sagot sa hinaing ng masa mula nang sila ay maupo sa termino? Militarisasyon sa kanayunan at panunupil sa kalunsuran, โdiba? Ano ang kanilang sagot sa korapsyon? Ang patuloy na pagsisinungaling at pagsasagawa ng mga "black propaganda" sa harap ng mga ebidensya upang busalan ang katotohanan!
Sapat na ba ang simpleng pagpapalit ng mukha sa Malacaรฑang? Hindi. Ang kasaysayan ng People Power Revolution ay marapat na tignan bilang aral na ang pagpapalit ng pangulo nang hindi binabuwag ang mala-kolonyal at mala-pyudal na istruktura ng bansa ay nagreresulta lamang sa pagbabalik ng mga dati ring kawatan.
Sa pakikiisa natin sa EDSA ngayong araw, bitbit natin ang galit ng milyong-milyong Pilipinong pinagkaitan ng katarungan. Hindi tayo narito para lamang sa isang seremonya. Ang ating diwa at presensya ay nararapat na ipagsigawan na dapat patalsikin ang rehimeng US-Marcos-Duterte, panagutin at pagbayarin ang lahat ng mga korap na opisyal, at Ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon!
Ang apat na araw na pagbabangon noong 1986 ay ang rurok ng 14 na taong madugong pakikibaka ng masa, na sa dulo ay matagumpay na nagpabagsak at nagpalayas sa korap, pasista, at mamamatay-taong diktadurang Marcos Sr.!
Ang EDSA ay armas ng masa na nagpapatunay na walang tiranong hindi kayang itumba ng nagkakaisang lakas ng masang-anakpawis, sa linya ng mga artista, estudyante, lider, manggagawa, at magsasaka . Sa harap ng estado ng pamamahala ng pamilyang mandarambong sa poder, ang paggunita sa tagumpay na ito ay dapat magsilbing apoy na magpapaningas sa ating paniningil para sa tunay na katarungan at ganap na pagbabago.
Hindi mapapatigil ng anumang "no permit, no rally" ang nag-aalab na pagnanais ng mamamayan para sa tunay na pagbabago. Ang lakas na nagpabagsak sa diktadura noong 1986 ay ang siya ring lakas na magpapabagsak sa tiraniya sa kasalukuyang panahon. Ang tanging tamang paggunita sa EDSA ay ang pagpapatuloy ng rebolusyon.
Hindi tayo nahihiwalay sa isyu at krisis ng bansa, nananatili tayong pumapailalim sa sistemang bulok at pahirap! Artista ng bayan at alagad ng midyaโMag-organisa, Makiisa, Mangahas, at Makibaka!
MARCOS DUTERTE, WALANG PINAG-IBA, PAREHONG TUTA, DIKTADOR PASISTA! MARCOS NOON MARCOS NGAYON, HARI NG KORAPSYON!
Panulat ni: Hong Thai