21/09/2026
๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐๐๐ก๐๐ก ๐๐ฌ ๐ ๐๐ฌ ๐ง๐๐๐ ๐๐ง ๐ ๐๐ก๐๐ก๐๐ง๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐-๐๐๐๐๐
May mga kuwentong hindi na naisulat. May mga pangalang hindi na muling narining. May mga buhay na nauwi sa mga tala at bilang na maaaring maliit lamang kung titingnan sa pahina, ngunit kumakatawan sa mga taong minsang lumaban at nagsalita.
Bilang isang pang-akademikong organisasyon ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, kinikilala ng PUP Statistics Studentsโ Clique ang papel ng kabataan sa pagpapanatiling buhay ng ating kasaysayan. Sa panahong mabilis ang pag-ikot ng impormasyon, kasabay ng paglaganap ng maling salaysay, higit na mahalagang kumilatis ng datos at ebidensya. Sapagkat ang kasaysayan ay hindi dapat hinuhubog ayon lamang sa nais maalala.
๐๐ถ๐บ๐ฎ๐บ๐ฝ๐โ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ๐ป na ang lumipas mula nang lagdaan ang Proklamasyon Blg. 1081 noong Setyembre 21, 1972, na naglagay sa Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar. Sa mga sumunod na taon, naitala ang tahasang paglabag sa karapatang pantao, kabilang ang arbitraryong pagkakakulong, tortyur, pagpaslang, at iba pang pang-aabuso. Ang mga bilang ay maaaring maisantabi at malimutan, ngunit ang mga kuwentong kinakatawan ng mga ito ay hindi kailanman dapat maging estadistikang walang mukha.
Ngayon, maaaring ibang pahina na ng aklat ang ating binabasa. Ibang mukha ang nakikita sa telebisyon. Ibang mga pangalan ang nababasa sa mga balita. Ibang lagda na ang nakikita sa mga dokumento at pahina. Pero hindi kailanman nag-iba ang ikot ng politika. At sa bawat pag-ikot nito, may mga kuwentong maaaring muling burahin, mga datos na maaaring baluktutin, at mga tinig na maaaring muling patahimikin.
Makiisa tayo sa pag-alala, magsalita para sa mga tinig na iniipit, at gamitin ang kaalaman at katotohanan upang panagutin ang mga dapat managot. ๐ง๐๐บ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด, ๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ฎ๐, hindi upang baguhin ang nakaraan, kundi upang hindi na kailangang isulat muli ang parehong kabanata.