21/09/2026
๐ฑ๐ฐ ๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ฆ ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฅ: ๐๐จ๐ช๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ๐ง๐๐ก, ๐ ๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐๐ง ๐ ๐๐ก๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐๐จ๐ง๐๐ก
Sa paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972, muling binabalikan ng sambayanan ang isang madilim na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa Proclamation No. 1081 sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand E. Marcos Sr., isinailalim ang bansa sa isang mapanupil na paghahari na nagbunsod sa malawakang paghihigpit sa mga kalayaan at karapatan ng mamamayan. Sa mga sumunod na taon, maraming Pilipino ang nakaranas ng arbitraryong pag-aresto at pagkakakulong, torture, enforced disappearance, pagpatay, at pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag at mapayapang pagtitipon.
Ngunit ang mga pangyayaring ito ay hindi lamang mga pahina sa mga aklat ng kasaysayan. Ang mga ito ay mga buhay na nawala, mga pamilyang naiwan, mga pangarap na pinutol, at mga karapatang niyurakan. Sa bawat kuwentong naitala at sa bawat kuwentong maaaring hindi na kailanman maisalaysay, naroon ang paalala kung ano ang maaaring mangyari kapag ang kapangyarihan ay hindi nasasaklawan ng pananagutan at kapag ang tinig ng mamamayan ay sinisikil.
Ang pag-alala, samakatuwid, ay hindi lamang seremonya. Ito ay isang paninindigan. Ang paggunita sa Batas Militar ay dapat maging tanda ng babalaโisang paalala na ang kalayaan, dignidad, karapatang pantao, at demokrasya ay hindi mga bagay na maaaring ipagsawalang-bahala. Ayon mismo sa Commission on Human Rights, mahalagang matutuhan ang mga aral ng deklarasyon noong 1972 upang hindi na maulit ang mga paglabag at pang-aabusong naganap sa ilalim ng diktadura.
Bagamaโt natapos na ang Batas Militar, hindi nangangahulugang natapos na rin ang tungkulin ng mamamayan na bantayan ang paggamit ng kapangyarihan. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling mahalaga ang pagprotekta sa kalayaan sa pamamahayag, kalayaan sa pagpapahayag, karapatan sa mapayapang pagtitipon, at karapatan ng bawat mamamayan na magtanong, tumuligsa, at maningil ng pananagutan mula sa mga nasa kapangyarihan. Maging ang Commission on Human Rights ay patuloy na nagbababala hinggil sa mga gawaing maaaring magdulot ng pananakot, harassment, arbitraryong pagkakakulong, enforced disappearance, at iba pang seryosong paglabag sa karapatan.
Kasabay nito, hindi rin dapat ipagsawalang-bahala ang mga suliraning direktang tumatama sa kabuhayan at dignidad ng ordinaryong mamamayan. Ang paulit-ulit na pagbaha sa iba't ibang komunidad, kakulangan o pagkaantala sa mga serbisyong dapat matanggap ng publiko, usapin sa sahod at kabuhayan, at mga pangamba hinggil sa lupang ninuno ng mga katutubo ay ilan lamang sa mga usaping nangangailangan ng malinaw, maagap, at makataong tugon mula sa pamahalaan.
Ang pondong nagmumula sa buwis ng mamamayan ay dapat gamitin nang may buong katapatan, talino, at pananagutan para sa kapakanan ng sambayanan. Ang mga proyektong pampubliko ay dapat tunay na nakatutugon sa pangangailangan ng mga komunidad. Ang mga programang ipinapangako ay hindi dapat mauwi sa paulit-ulit na pagkapako, palusot, o paglilipat ng atensyon. Higit sa lahat, ang bawat desisyon ng pamahalaan ay dapat masuri batay sa kung tunay nitong napabubuti ang buhay ng mga taong pinaglilingkuran nito.
Ang mga nakaupo sa puwesto ay hindi iniluklok upang unahin ang pansariling interes. Sila ay pinagkatiwalaan ng kapangyarihang nagmula sa mamamayan. Ang posisyon sa pamahalaan ay pananagutan, hindi pribilehiyong dapat pagkakitaan; paglilingkod, hindi lisensiya upang mang-abuso; at tiwala ng bayan, hindi personal na pag-aari.
Kaya sa paggunita sa Batas Militar, hindi sapat ang simpleng pag-alala. Nararapat itong sundan ng panawagan para sa pananagutan at pagkilos.
Panawagan sa pamahalaan: Makinig sa mamamayan. Tugunan ang kanilang mga hinaing. Protektahan ang kanilang mga karapatan. Gamitin nang wasto at tapat ang kaban ng bayan. Ipatupad ang mga programa nang may transparency at pananagutan. At higit sa lahat, huwag hayaang manaig ang kapangyarihan kaysa sa karapatan at dignidad ng tao.
Ang kasaysayan ay hindi lamang dapat inaalalaโito ay dapat pinagninilayan at pinagsisilbihan bilang gabay sa kasalukuyan.
Hindi dapat maging normal ang pang-aabuso sa kapangyarihan.
Hindi dapat maging kasalanan ang pagsasalita at pagtatanong.
Hindi dapat manahimik ang mamamayan kapag nilalabag ang kanilang mga karapatan.
At hindi dapat kalimutan ng pamahalaan na ang kanilang kapangyarihan ay ipinagkatiwala lamang sa kanila ng mamamayang Pilipino.
Sa pag-alala sa nakaraan, manindigan para sa kasalukuyan. Sa pagkilala sa hinaharap, magbunsog pamahalaang may pananagutan, may malasakit, at tunay na naglilingkod sa bayan.
Huwag kalimutan. Huwag manahimik. Manindigan. Maningil ng pananagutan.