12/06/2026
๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก ๐ต๐ญ
Kalayaan ang isa sa mga salitang madalas nating binibigkas, ngunit bihira nating tanungin: Tunay nga ba tayong malaya?
Mahigit isang siglo na ang lumipas mula nang iwagayway ang watawat ng kalayaan, ngunit hanggang ngayon, may mga tinig na hindi pa rin lubos na naririnig, may mga karapatang patuloy na ipinaglalaban, at may mga pangarap na nananatiling nakakulong sa mga hadlang ng lipunan.
Sa paggunita sa Araw ng Kalayaan, nawaโy hindi lamang natin alalahanin ang nakaraan kundi suriin din ang kasalukuyan. Sapagkat ang kalayaan ay hindi lamang minana. Ito ay patuloy na pinangangalagaan, ipinagtatanggol, at isinasabuhay.
Sa bawat tanong na ating itinataas, sa bawat katotohanang ating ipinaglalaban, at sa bawat hakbang tungo sa mas makatarungan at makataong lipunan, doon tunay na nabubuhay ang diwa ng kalayaan.
Ang kalayaan ay hindi lamang pag-alala sa kasaysayan. Ito ay pagtitiyak na may kinabukasang malayang maipagmamalaki ng bawat Pilipino.
๐จ: Lance Matthew Balana
๐: Daniella Arahan