02/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ 2026 | ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐๐ฎ๐๐ง๐๐ฌ๐
Sa bawat sablay na isusuot ng ating mga graduand, may kuwento ng mga magulang na tahimik na nagsakripisyo, nagtiyaga, nagdasal, at naniwala. Ang bawat tagumpay na ating nasasaksihan ay hindi lamang bunga ng sipag at pagpupursigi ng isang mag-aaral, kundi bunga rin ng pagmamahal at suporta ng mga taong naging sandigan sa bawat hakbang. Sa pamamagitan ng Alay at Sablay, ang College of Social Sciences and Humanities (CSSH), sa pakikipagtulungan ng CSSH Student Council, ay nagbibigay-pugay sa mga magulang na naging ilaw at lakas sa paglalakbay ng kanilang mga anak tungo sa pagtatapos.
Ang sablay ay hindi lamang simbolo ng pagtatapos; ito ay sagisag ng mga pangarap na sama-samang binuo, ng mga sakripisyong hindi nakikita, at ng mga panalanging naging lakas sa bawat pagsubok. Sa araw na ito, ang tagumpay ng ating mga graduand ay tagumpay rin ng kanilang mga pamilya sapagkat sa likod ng bawat โnakamit koโ ay isang โkinaya natin.โ โค๏ธ
At bilang mga MSUan, dala natin ang higit pa sa isang diploma. Dala natin ang kislap ng bunga ng ating pagsisikap, ang ningas ng kaalaman, katatagan, malasakit, at pangarap na nagmula sa ating mga tahanan at hinubog sa ating pamantasan. Ang tunay na MSUan ay hindi lamang marunong magtagumpay; marunong siyang kumilala sa mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay at ginagamit ang kanyang liwanag upang magbigay-liwanag sa iba.
Sapagkat ang pagiging MSUan ay ang pagdadala ng ningas ng ating mga pinaghirapan. Ang bunga ng ating paggawa ay liwanag na dapat ibahagi. At saan man tayo dalhin ng buhay, dala natin ang ningning ng ating pinagmulan.
To be an MSUan is to shine, brightly. โจ