25/06/2026
Magandang araw, mga kapitbahay sa Brgy. 894! 👋
May magandang balita po tayo para sa lahat! Hatid ng Tau Gamma Phi, Triskelions' Grand Fraternity, Blue Water Community Chapter, MLQU Triskelion Alumni Organization, (MLQU-TAO), Volunteer Medic Team D2 of Triskelion Elders Alliance of Manila District 2 (TEAM-D2), TGP-Partylist, PUP Sta. Mesa Chapter, at ng ating barangay ang isang FREE OPTICAL MISSION & LEGAL ADVICE Project ngayong darating na Sabado!
Eto po ang mga detalye para hindi niyo makalimutan:
📅 When: June 27, 2026 (Sabado)
🕗 Time: Magsisimula po ng 8:00 AM onwards
📍 Venue: Jose Vicencio Health Center, Barangay 894, Blue Water, Punta, Santa Ana, Manila
👁️ Para sa Mata (Kasama si Dr. Albert Sescon, Jr. - Optometrist):
- Free Eye Check-up (Suriin natin ang grado ng inyong mata)
- Free Reading Glass (Para sa mga nahihirapan nang magbasa)
- Free Operation para sa Katarata o Pugita (Pterygium)
- Big Discount naman para sa mga magpapagawa ng salamin!
⚖️ Para sa Legal na Konsulta (Kasama si Atty. Rodulfo B. Mirasol I):
- Free Legal Advice (May mga tanong ba kayo tungkol sa batas o papeles? Libreng konsultasyon po ito!)
⚠️ MAHALAGANG PAALALA:
- NO WALK-INS ALLOWED. Para po maging maayos at hindi siksikan ang pila, stubs po ang gagamitin natin.
- Ipapamahagi po ang mga stubs sa ating barangay bago ang event, kaya abangan ang anunsyo o magtanong sa ating mga barangay officials para makakuha kayo.
Salamat po at kita-kita tayo ngayong Sabado! Mag-ingat po tayong lahat.