31/07/2024
https://www.facebook.com/share/p/JpFMaUJShDMyrjQH/?
Malugod kong ipinababatid sa inyo, mahal naming mga Senior Citizens ng Lungsod ng Marikina, na magkakaroon kayo ng karagdagang Birthday Cash Gift bilang espesyal naming handog sa inyong kaarawan.
Simula Agosto 1, 2024, bawat isa sa inyo ay makakatanggap ng karagdagang Php 1,000.00 sa inyong birthday cash gift, kayaβt magiging Php 2,000.00 na ang kabuuang matatanggap ng ating mga mahal na Seniors.
Ang simpleng handog na ito ay hindi lamang isang financial benefit; ito ay isang pagkilala at pagpapahalaga sa inyong naging bahagi sa paghubog ng ating lungsod.
Sa ating tradisyon ng pagbabahagi ng biyaya sa pamilya, ituring ninyo na ang simpleng regalong ito ay sumisimbolo ng walang-hanggang paghanga at respeto ng ating lungsod sa inyo. Ito ay isang regalo na hindi lamang magbibigay saya sa inyo, kundi maibabahagi rin ang selebrasyon na ito sa inyong mga mahal sa buhayβmga anak, apo, at mga apo sa tuhod.
Kayaβt sa ating mga minamahal na Senior Citizens, kasama ko ang buong Lungsod ng Marikina, nagpapaabot po kami ng Maligayang Kaarawan!
Nawaβy maging masaya, makulay, at puno ng pagdiriwang ang inyong mga araw.
Mahal po namin kayo.
-Mayor Marcy Teodoro